"Alam ko.. alam ko.. tama na.." naramdaman kong dahan dahang tinatanggal ni Lucas yung pagkayakap niya sa akin, "Athena.. si Kenji.."

Unti unti akong bumitaw at tumingin sa likuran ko. Nakita ko si Kenji naka tayo nakatingin siya sa amin ni Lucas, hinihingal. Hawak niya yung papel na may sulat ko pati yung cellphone niya. wala siyang suot na slippers.

Tinuro niya si Lucas, "Siya ba?" hinde ako sumagot, "ATHENA SIYA BA?!?!"

Hinde ako makapagsalita dahil patuloy parin yung pagiyak ko. Hinde ko rin alam yung sasabihin ko sa kanya. Hinde.. hinde si Lucas.. Negen nappuniya.. [you're the only one to me.]

Hinawakan ni Lucas yung right hand ko, "Oo ako nga."

Napatingin ako kay Lucas. Seryoso yung mukha niya.

"Hinde ikaw yung kinakausap ko kaya wag kang sumagot. Athena, siya ba?! Siya ba yung tinutukoy mo dito sa sulat??" nakatingin lang ako sa kanya habang umiiyak. Crinumple niya yung paper tapos binato niya, "T*NG*NA WAG KANG UMIYAK SUMAGOT KA!!! SIYA BA?!?"

"Athena, lakasan mo yung loob mo. Wag kang matakot.. nandito ako sa tabi mo.." sinabi sa akin ng mahina ni Lucas.

"T*NGNA SINABI NG WAG KANG UMIYAK EH! SUMAGOT KA! SIYA BA?!" lumapit siya sa akin tapos hinawakan niya ako sa magkabila kong braso, "Ano!?!? Siya ba?!"

Dahan dahan akong tumango. Hanggang sa tuloy tuloy kong ginawa yung pagtango. "Mianhae.. mianhae.. mianada.."

Unti unti niya akong binitawan tapos napangiti siya. ibang klaseng ngiti.. "ha.. ha.. hinde ako makapaniwala.. haha.. t*ngna siya na naman. Bakit ba laging ikaw na lang Lucas? Ha??" tapos bigla niyang sinuntok si Lucas

Hinawakan ko siya sa may braso para pigilan siya. "Wala siyang kasalanan!!! Kenji, AKO! Ako unang nagkagusto sa kanya! Hinde niya ako pinilit.."

Tinanggal niya yung kamay ko sa braso niya, "Ganito pala yung feeling.. haha... eto pala yung na-feel mo nung ginawa ko sayo dati.. hahaha.. nasaktan ka.. nasaktan ako.. pero bakit parang mas masakit yung sakin.. haha.."

"Mianada..." lumuhod ako sa tapat niya habang nag sosorry. Hinde ko mapigilan yung luha ko. Nanghihina na ako sa mga ginagawa ko.. [I'm sorry..]

"Sabi mo eh." Tumalikod na siya sa aming dalawa, "Wag kayong magalala. Hinde ko to isasapuso."

Palayo na siya ng palayo sa amin at palakas na rin ng palakas yung ulan. Tinulungan akong tumayo ni Lucas, humarap ako sa kanya at nag sorry. Pati tuloy siya nadamay. Hinde ko na talaga alam pa ang gagawin ko. Bakit lahat ng tao sa paligid ko nasasaktan? Bakit lahat sila nahihirapan?? Ayoko na.. Hinde ko na rin kaya..

"Wag ka ng umiyak.. makakasama sayo yan.. Hinde ko alam yung nangyari pero naiintindihan kita.. Magiging ok rin ang lahat.. just be strong.."

Pumunta kami ni Lucas sa may condo nila Grace sa manila. Alam ko kasing dun na sila dumiretso pagkagaling sa bahay nila. Sinabi namin ni Lucas na kami na, kahit hinde. Alam kasi naming makakarating sa kanila yung nangyari kanina kaya kami na mismo yung nag sabi sa kanila..

Mami nomoo apa.. jungmal nomu apa.. [my heart hurts.. really hurts so much..]

---------------------------------------------

Bakit ganun, tuwing magchchristmas akong nasasaktan? Ilang days na lang at Christmas na. Simula nung nagalit siya, hinde na kami nagkita. Hinde na niya kami kinakausap ni Lucas.. hinde na siya nag papakita kela Jigs at Kirby. Dahil sa akin, mukhang masisira yung pagkakaibigan nilang lahat. Dahil sa akin.. nasasaktan sila.. dahil sa akin, kaya kami nag kakaginito.

"Pikachu.. masama ba ko?"

"Oo. Bakit?" walang dalawang isip na sinabi ni Carlo

"I thought so."

SDTGWhere stories live. Discover now