Pagkadating namin sa kwarto, dahan dahan ko siyang nilapag sa kama tapos kinumutan. Dahan dahan akong lumabas ng kwarto at bumaba ulit sa may dining room.

Nakita ko si Kenji at Grace sabay na kumakain

"Morning Luke." Masayang bati ni Grace

Umupo ako sa may tabi ni Kenji, "Si Abi tulog pa?"

Tumango siya. "Si Athena?"

"Tulog pa."

"Ayos ha. Parang nagpalit lang kayo ng girlfriend." Sabi ni Grace habang kumakain

"Oo nga pala, ano ba plano bukas? Pupunta ba sila Ate Kendi?"

"Dein. Baka ung usual. Inom, kain, paputok." Nag nod ako habang susubo ng bacon

Natahimik kaming tatlo. Patuloy lang kami sa pagkain namin.

"Wala bang check up si Athena ngayon?" tanong ni Grace out of the blue.

Umiling ako, "Sabi pag nilagnat daw siya pumunta na lang sa ospital."

Kinuwento lang sa akin ni Carlo yung sinabi ng doctor. Tinanong kasi nila kung pupwede daw bang mag out of town si Athena with friends ang sabi pwede daw basta wag daw hayaang mapagod. Tapos pag nilagnat daw siya pag pahingahin tapos iuwi na lang kinabukasan para madala sa ospital. Ganun ka special si Athena ngayon. Madadamay ang lahat pag nilagnat siya.

"Ano bang sakit niya? Inuulcer pa rin ba siya?"

Napatingin kami ni Grace kay Kenji, "Ulcer?" sabay naming sinabi.

Wala namang nababanggit sa akin si Athena na may Ulcer siya, kumakain rin naman siya halos sa oras at tama naman ang appetite niya kapag kumakain.

"Sinong may sabing may ulcer siya?"

"Siya." sabi niya bago siya sumubo, "Sabi niya sa akin may sakit siya at kaya siya nag susuka kasi may ulcer daw siya."

Sa pag explain ni Kenji naintindihan ko na. Ginawang excuse ni Athena yun ulcer para isipin na lang ni Kenji na sumusuka lang siya at sikmura yung sumasakit sa kanya at hinde yung dibdib.

"Walang ulcer si Athena." sabi naman ni Grace.

"Wala? So nagsinungaling siya sa akin?"

"Parang ganun na nga." Sabay inom ng tubig, "yung check up para sa puso yun. Emotionally stressed siya kaya kelangan niya yun. Siguro naman alam mo kung bakit diba? Pati hinde dapat ako yung nag sasabi nito eh.. oh well."

Tumayo si Grace tapos umalis na sa dining room. Kaming dalawa na lang ni Kenji yung naiwan. Hinde pa rin nag babago yung expression ng mukha niya sa narinig niya kay Grace. Naisip niya rin siguro na nag sinungaling sa kanya si Athena.

Mga 11 am na ng nagising si Athena. Kumain na siya ng almusal slash lunch niya tapos niyaya niya akong mag beach. Siyempre dala ulit namin yung camera namin. Naglagay siya ng sunblock tapos nag latag na naman siya ng tela sa may sand at humiga. Ganun din ang ginawa ko. nag lagay ng sunblock at humiga sa tabi niya.

Nung nagdatingan na sila umingay na yung mundo namin ni Athena. Yung tahimik na mundo namin biglang gumuha dahil sa kanila. Lahat sila pinag sasabihan na si Athena dahil nangingitim na raw siya kakabilad sa araw.

"Yun nga yun silbi nitong getaway natin eh! Siyempre susulitin ko na noh. Tan na kung tan!"

"Ya! Hinde ka pa nag papagraduation picture! Baka naman ang itim mo sa pic ha!"

"I don't care." proud niyang sinabi. "Mas masarap pa ngang may beer na iniinom pag ganito eh. Haaay. Beer.. sand.. tapos yun view.. equals LIFE!"

Sabi ni Athena habang nakatingin sa dagat.

SDTGWhere stories live. Discover now