Dare to Pay yung kay Kirby boy. May mga hidden na scotch tape sa sahig once na natapakan mo yun, may dare ka. Siyempre nasa fishbowl yung mga dare, kukuha ka ng isa tapos pag nabasa mo na mamimili ka kung gagawin mo, or babayaran mo yung dare para hinde mo na gawin yung dare.

Last booth, Picture to Luke. Ahem. Syempre ako may hawak nito. Magpapapicture lang sila sa akin tapos makukuha nila yun 5-10 minutes, kasi i-eedit pa ng mga kasama ko yung pics. May naka set-up na 2 desktop at 1 laptop para mabilis yung gawa.

Day 2

Second day na ng fair. Busy parin kaming BnF sa booth namin. Halos wala na kaming time para kumain ng sabay sabay. Kanya-kanya na muna kami ng mundo. Pati si Athena hinde namin nakakasama dahil sa busy nga kami.

Day 3

Medyo lumuwag yung schedule naming BnF. Sabi nga ng mga teachers kami na raw yung may pinaka maraming kinita to think na 3rd pa lang namin. Naglunch kami ng sabay sabay pero hinde namin nakasama si Athena. Mukhang busy pa rin siya sa org niya kaya hinde na namin masyado pinansin.

Day 4

Lunch break na, hinde ko pa rin nakikita si Athena. Simula nung monday hinde ko pa siya nakakasama ng break. Wala ata ni isa sa amin ang nakasama siya, siguro si Grace at Sara o baka pati si Carlo. Pero hinanap din siya sa akin ni Sara kahapon eh.. ibig sabihin hinde sila magkasamang kumain.

Pumunta ako sa may booth ni Jigs at Sara para itanong kung nasa saan si Athena

"Sara, nakita mo ba si Athena?"

"Itatanong ko rin sana sayo un eh. Yayayain ko sana siyang kumain kasi oras na ng pag take niya ng med eh." napatingin si Jigs kay Sara

"Med? Gamot para saan?" tanong ni Jigs kay Sara.

"Para sa katawan niya. May sakit si Athena. Sinabi ko naman sayo yun diba? Mahina yung katawan niya kaya kelangan magtake ng gamot." Sabi ni Sara kay Jigs.

"Ahh oo nga pala." humarap sa akin si Jigs, "Babes, hinde pa namin nakikita si Athena eh. Hinde ko pa nga siya nakikita simula nung Sunday eh."

Actually ako rin eh.. sa totoo lang, simula monday ko pa siya hinde nakikita. Hinde ko na siya nakakasabay sa pag pasok at sa paguwi. Dumating si Kirby at Kenji tapos umupo sa may tabi ko Kirby. Si Kenji naman nakatayo sa isang sulok nag tetext.

"Luke.. sa totoo lang she's been acting weird lately.. she barely goes out of her room. Pagtinitingnan ko siya sa room niya, nakaharap lang siya sa PC niya or sa laptop. Hinde ko nga siya nakikitang kumakain eh.." sabi ni Sara

Napansin kong napatigil sa pag tetext si Kenji. Nakatitig lang siya sa cellphone niya hinihintay niyang may magsalita sa amin. I guess...

"Baka naman hinde mo lang napapansin na kumakain siya? Baka kasabay niya si Carlo o kaya si Nathan.."

Umiling si Sara, "Hinde! We eat together. She's always asleep during meal time. Friday pa to nangyari eh.. bread lang yung kinain niya nung lunch. And that was hear meal for the whole day I think. Hinde ko siya nakitang kumain nung gabi nun." ibig sabihin hinde kumakain si Athena for almost 6 days?!

"Ayun si Carlo oh. Itanong mo kaya kung nakita niya si Athena." Napatingin kaming lahat sa pag turo ni Kirby., "CARLO!" sigaw ni Kirby.

Napatingin si Carlo sa amin tapos lumapit siya, "Nakita niyo ba si Ate Athena??" nagulat kaming apat sa tanong ni Carlo. Hinde niya rin nakita si Athena ngayong araw, ibig sabihin si Grace na lang yung nag iisang tao na pusible niyang kasama ngayong araw.

"Tinanong ko rin si Ate Grace pero hinde niya rin nakita. Bigla raw umalis si Ate nung mga 11 am." Nag tinginan kami ni Sara. 11? eh 12:00 na ah??

"Bakit ba kayo masyadong nag aalala sa kanya? Matanda na si Athena. Alam na niya yung ginagawa niya. alam niya yung tama sa mali.. Kaya wag niyo na lang siyang pakialaman." Tumalikod siya sa amin tapos nag lakad papalayo.

SDTGWhere stories live. Discover now