Nag smile si Athena sa sinabi ni Grace "But I thought you like my bro--" tinakpan ni Grace yung bibig ni Athena bago niya pa ituloy yung word na "brother"

"You love freebies right?? OF COURSE! Let's go! I'm going to treat you!" Hinila ni Grace si Athena. Sumunod na lang kaming dalawa ni Nathan sa pupuntahan nila.

Sa starbucks kami napadpad, sa may labas kami tumambay. Si Grace yung umorder para sa amin, libre niya daw kasi. Si Athena naman kanina pa nagkukwento tungkol kay Grace, mas matagal kaming magkakilala ni Grace pero mas marami siyang alam kesa sa akin.

Kinuwento niya pa kay Nathan na nagka gusto daw sakin si Grace! Anak ng!! Tama bang ikwento yun habang nasa tapat niya ako? Pero tumatawa siya habang kinukwento niya yun. Hinde niya raw kasi aakalaing si GRACE mag kakagusto SAKIN! Anong imposible dun? Madami atang nag hahabol saking mga babae noh. Kaya walang imposible dun.

Biglang naging seryosos yung mukha ni Athena, "Oppa, Grace likes you. She likes you a lot.. you have inspired her.. I just don't know how you've inspired her." Napatingin si Athena kay Grace na nasa loob ng Starbucks

"Stop fooling around. I like her, too. You know that." sinabi ni Nathan habang naka smile.

"If you don't like her in a romantic way, then tell her. Pinapaasa mo lang siya. I don't want her to get hurt again. She likes you so much, remember that.. but don't take it to heart that much if you really cant repay her feelings.."

Tahimik lang si Nathan. Siguro napapaisip siya sa mga sinabi ni Athena. Tama naman kasi si Athena eh, wag na niyang patagalin pa lalo na kung hinde niya kayang suklian yung feelings ni Grace para sa kanya.. Kasi aasa at aasa lang si Grace pagpinagpatuloy niya pa yung ganitong setup nila eh.

Lumabas na si Grace na may dala-dalang tray, tumayo si Nathan para tulungan si Grace. Nilapag ni Nathan yung tray sa table tapos umupo na silang dalawa. Tahimik parin si Nathan kahit iba na yung pinaguusapan naming. Si Grace nakakahalata na sa kinikilos ni Nathan kaya etong si Athena dinaan na lang sa biro para maka gawa ng excuse na bebenta kay Grace.

"Grace, pwede ba tayong magusap?" napatingin kaming tatlo (Grace, Athena at ako) sa lalaking lumapit sa table namin.

"Gino.." napatingin si Nathan kay Gino pagkarinig niya sa pangalan nito.

"Importe lang." napatingin siya kay Athena, si Athena naman nag shrug lang.

"Ok." tumayo si Gracepagkasagot niya.

3 tables away sila sa table namin. Magkaharap silang nag uusap at mukhang napaka seryoso ng pinaguusapan nila. Nakatingin lang kami ni Athena sa kanila eto namang magaling kong girlfriend biglang humirit, "Maybe he wants her back."

Tumingin siya kay Nathan, "you don't have to like her anymore. I think they're going to reconcile." Si Nathan naman nakatingin lang sa inumin niya.. nakatingin sa nakalagay na pangalan ni Grace.

"Niloko mo ako! Tapos ngayon sasabihin mo na ako yung may kasalanan!? Sinong ginagag0 mo?" narinig naming sinabi ni Grace. Napalakas niya itong nasabi.

Napatingin si Nathan kela Grace, mukhang gusto na niyang lumapit sa table nila. Pero hinawakan siya ni Athena sa kamay tapos umiling si Athena.

"Matagal na akong nag bubulag bulagan. Madami ng nagtago sakin tungkol sa mga kalokohan mo!! alam mo ba kung gaano kasakit yun?! Alam mo ba kung gaano kahirap magpanggap na ok ka lang kahit hinde? Na masaya ka kahit na gusto mo ng umiyak? Na UMAASA kang magiging ok na ang lahat kahit alam mong wala na talaga??" napatingin si Grace kabilang side niya, "How would you know.. eh wala namang taong mas hihigit pa sa pagka insensitive mo eh." sabay tingin niya ulit kay Gino

SDTGWhere stories live. Discover now