"YA!!" napatingin sakin yung Thug Lords "Why did you leave!?"

Bigla siyang umiwas ng tingin.

"This is Carlo, he's a sophomore here." I looked at Carlo, "That's Jigs, Kirby and Kenji." As I point at them one by one, "you can call them Kuya."

"Nice meeting you.." tapos nag smile si Carlo. SO CUTE!!

"Sup babes?"

Nag smile si Kirby at Jigs, eto namang si Kenji sungit pa rin!

"Sige po, pupunta na po ako sa classroom! Bye!!" nag wave siya samin tapos tumakbo na.

Nilapitan ko si sungit. "Selos ka?" tumawa yung tatlo. Anong nakakatawa sa tanong ko??

"SI KENJI NAG SESELOS NA!!! YUN OH!"

"MISMO! Sa isang bata pa!!!" nagtawanan ulit sila. nakita ko yung expression ni Kenji, nako!! He's cussing!!! And has a weird facial expression!!

"Kenj, wala ka pala eh! bata lang katapat mo!! YOWN!" pati tuloy ako natatawa na, pero hinde.. hinde pwede! Magtatampo to!

"HINDE AKO NAGSESELOS!!!" aish!! We're not deaf you dumdum!!!

After nun, pinansin na niya ulit ako. tss. Para lang hinde halata na nagseselos siya!
I know him too well. Natapos na yung class namin at dumeretso kaming lahat sa restaurant na pinag ttrabahuhan ni Kenji. Siyempre, madami na namang tao dahil uwian na, at dahil gusto ng mga taong yun na makita si Kenji at pag silbihan sila. Psshh.

Hinatid ako ni Kirby since hinde pa siya pwedeng umuwi. Madalas pag si Kirby kasama ko madaldal siya, ang dami niyang kinukwento sakin. Kahit yung wala ng kwentang bagay nasasabi niya pa, pero ngayon parang ang tahimik niya.. akala ko nawala na yung pagiging mysterious niya, nandun pa pala.

"Kirby.."

"Kung itatanong mo yung tungkol sa amin ni Camille, sasabihin ko na sayo.. hinde na kami nag kikita. Isang linggo na." pero.. kelan lang ok sila.. bakit hinde na? akala ko ba pwede na maging sila??

"Bakit?? Ano nangyari??"

He smirked, "Yung boyfriend niya eh.. hinde pumayag makipag break.. wala ng mangyayari samin.. forbidden love eh."

"Wow! Parang palabas yun ha! pero bakit naman ganun? Hinde ba pupwedeng ikaw piliin niya?"

Umiling siya, "Hinde ko alam Athena.. hinde niya akong kaya ipaglaban.. ginawa ko naman lahat eh.."

I linked arms with Kirby. Hinde ko alam kung pano ko siya i-cocomfort hinde ko pa kasi naffeel yng ganung situation.. Si Camille yung love interest ni Kirby, taga Marymount High meaning.. schoolmate ni Lucas. Naging close sila ni Kirby, sobrang close.. pero wala na si Camille pati yung boyfriend niya nun. Pero dumating yung time na nakipag balikan yung guy kay Camille, kaya eto si Kirby naghihintay na lang..

Ang galing noh? Pareho kami ng situation. Yun nga lang, boyfriend ko na si Kenji. Kaya kahit hinde ko naiintindihan yung pinag dadaanan niya, gusto ko siyang i-comfort.

"Aba. Ano nagsawa ka na ba sa girlfriend ko??" napatingin kami sa likod namin, isang lalaki. Hinde siya masyadong matangkad, siguro.. parang mga 5'7 lang height niya. may kasama siyang 6 na lalaki tapos isang babae.. "Camille, eto ba pinagmamalaki mo? Tingnan mo nga, anong sinasabi mong mabait na tao yang Kirby Araneta na yan ha? Pinagpalit ka na nga sa iba oh! Sigurado akong iba iba yung babae niyan araw araw!" tapos tumawa siya pati yung mga kasama niyang lalaki.

Tiningnan ko yung Camille, iniiwasan niyang tingnan si Kirby. "Kirby tara na.. wag mo na lang silang pansinin." Sinabi ko ng mahina kay Kirby tapos hinila siya.

SDTGWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu