Naggrin ako, "Boyfriend mo. Sino pa ba?"

Hinampas niya yung kamay ko na nakahawak sa braso niya, "YOU broke up with ME, remember?" tumingin siya kay Lucas, "Tara na. nagugutom na ko eh." naglakad na sila papalayo sa akin. AMP! Kelan ako nakipag break!? Mga babae talaga. Nagtalo lang napagkamalan na kaagad na nakipag break yung tao! Pumasok ako sa loob ng school at nakita sila Jigs.

"Babes, ano ok na ba kayo? Umiyak yun pag alis mo eh.. Nasa clinic lang siya nung last 2 subejects.. Inasthma eh." ASTHMA?! Meron ba siyang asthma!? Bakit hinde ko alam!? Amp!

"Ah ganun ba.. Alaws eh. Pumitik si Athena."

"Eh pano ba naman kasi paps naniwala ka kaagad sa iba, hinde mo siya pinakinggan. Ayan tuloy mali pa nakampihan mo."

"Oo nga Kenji, dapat pinakinggan mo si Athena, alam naman nating hinde niya magagawang manampal ng ibang tao eh. Tingnan mo nangyari. Buti na lang nandun si Sara para maasikaso si Athena. Kung hinde lagot na."

"Sige paps, una na kami." tinap ni Kerb yung balikat ko

Lumapit si Jigs tapos bumulong, "Nakela Athena lang kami, ok?" nag nod ako.

Umakyat ako sa 4th floor para pumunta sa locker ko. Kinuha ko yung box ng necklace na binili ko para kay Athena. Bibigay ko dapat yun nung September 21.. Pero absent naman siya.. Nung pumasok naman siya, nag talo pa kami. Anak ng. anong klaseng buhay ba meron yung babaeng yun! Laging gusto ng gulo eh! Pumasok ako sa may classroom para umidlip.

'Ano ba yan.. Ang ingay naman!' sabi ko sa sarili ko habang nakapikit. Tuloy tuloy parin yung tunog na nakakairita. Dumilat ako at pag tingin ko sa may bintana madlim na. tiningnan ko yung cellphone ko para tingnan yung oras. 7:03 na amp! Naka tulog pala ako ng matagal!

"Hassle."

"Si..si..sino yan?? May tao ba?" sino kaya yun?! Parang familiar yung boses na yun ha.

May nag bukas ng pintuan ng classroom. Pagtingin ko, si Athena.

"Ikaw pala. Sige mauna na--" napatigil siya sa pag salita nung narinig niyang may sumalpok na pinto.

"Bakit nandito ka pa? Diba kasama mo yung boylet mong umalis?"

"Hinde ka pa ba uuwi..? Gabi na oh.." iniwasan niya yung tanong ko. Ang weird niya, kinakausap niya ako pero nakatingin siya sa labas ng classroom.

"Bakit ka ba bumalik ng school?"

"Naiwan ko yung book ko sa algebra eh. Tara na.. kanina pa ko may naririnig na nagbabang na door eh." Akala ko naman dahil sa akin. Pati, potek naman. Pati ako dinadamay sa kabadingan niya eh! Hinde naman lahat ng matatapang, matapang talaga eh.. May kinakatakutan din minsan yung mga matatapang na lalaki. Katulad ko, nababading ako pag nakakatakot na pinag uusapan! HAHA Taena umamin!

May sumalpak na namang pintuan. Napatayo ako sa kinauupuan ko, "Tara na, sabay na tayong bumaba." nagnod kaagad siya. Sabay kaming naglakad.. Tahimik kami pareho. Siguro nagkakahiyaan pa dahil sa nangyari kaninang lunch time.

Habang naglalakad kami, namatay bigla yung ilaw. Naramdaman ko yung pagkapit sa akin ni Athena, halatang natatakot siya.

"Ano ka ba, nandito lang ako, ok?" hinawakan ko yung kamay niya, hinigpitan niya naman yung pagkahawak niya sa akin. Pagdating namin ng 2nd floor buti na lang at may ilaw na, makakababa kami ng maayos sa may lounge.

Binitawan niya yung kamay ko, "Sige, mauna na ako.. Thanks sa pag sabay sa akin."

"Hatid na kita sa inyo." umiling siya

"Iniintay ako ni Lucas sa may gate." nag bow siya sa akin "Sige." I nodded.

Kasama niya parin si Lucas. Tss. Bakit hinde niya sinamahan si Athena kumuha ng libro? Alam naman niyang pwede na siyang pumasok dito dahil gabi na! kalokohan! Anak ng. badtrip.

SDTGWhere stories live. Discover now