"Paps, balita ko nagkasakit yung dalawa ha? Ano bang nangyari dun?" tanong niya kay Jigs.

Napatingin ako kay Jigs, nag iintay ng sagot. Napansin kong medyo napatigil siya sa ginagawa niya. "Ha? Edi nagkasakit. Ano pa ba? Grabe nga si Athena eh, sobrang ang putla kagabi! Mapapansin niyo yung labi niya sobrang putla." tapos tumawa siya.

"Babes anong nakakatawa dun? Namumutla na nga yung tao pinagtatawanan mo pa." tama nga naman si Kerb! Anong nakkatawa dun!?

"Basta! Kung nakita niyo lang siya kagabi matatawa rin kayo. Laughtrip."

"Nasa kanila ka kagabi?!" sabay naming tinanong ni Kerb. Inayos na namin yung gamit namin at saka lumabas ng locker room.

"Oo. Gusto kong makita si Sara eh. Masama ba?"

"Mukhang iba na yan babes ha!" asar ni Kerb kay Jigs. "Tinamaan ka ba?"

Natawa lang si Jigs. Etong dalawa talaga. Bumili kami ng pagkain sa may skyline at tumambay muna kami sa may lounge.

Habang kumkain, napansin kong nagdadatingan na mga estudyante. Tumingin ako sa relo ko, 7:15 am na pala kaya ganun. Maya maya may nakita akong pamilyar na lalaki. Hinde ko mamukaan kasi malayo pa siya, kasama niya si Athena.

"Ayan na pala si Athena eh. Sino yung kasama niya?"

"Kapatid niya yan. Si Nathan." sabi ni Jigs. Napatingin kaming dalawa ni Kerby sa kanya.

"Ano?" tanong samin ni Jigs. Kilala niya si Nathan? Kelan pa?!

"Kapatid niya. Teka, napansin ko lang ha.. Kanina niyo pa ako pinagiinitan!! Nasa kanila nga ko diba kagabi?? Nakilala ko si Nathan kagabi, ok?? Tama na mga tanong niyo!" tapos ngumuso siya. Potek. Bata talaga to!

Iniwan ko muna sila Jigs at Kirby tapos pinuntahan sila Athena sa may prefect's office.

After 10 minutes, lumabas na rin sila sa may office.

"Uy Kenji!" ti-nap ni Nathan yung may balikat ko, "Sorry if Athena didn't tell you about her condition. She's too stubborn, I hope you understand." tapos nag smile siya sa akin.

"Hinde, ok lang yun. Naiintindihan ko naman eh." tapos ngumiti ako.

"I'm glad that you understand. Sige, I'll go ahead na. Ingatan mo ha." tapos pi-nush niya si Athena sa akin. "Ikaw naman, be good. Ok? I'll see you soon." tapos kinurot niya ng mahina yung pisngi ni Athena.

Nagsimula ng maglakad si Athena papunta sa classroom namin. Hinde niya man lang ako hinintay o tiningnan. Binubugnot na naman siya! Ano bang problema niya? Una hinde niya ako sinabihan tungkol sa kalagayan niya, pangalawa ayaw niya akong pabisitahin, pangatlo pinapakitaan na naman niya ako ng pagkabugnutin niyang ugali! Ano ba siya?! Bakit ba napapadaas pag momood swings niya?!

Hanggang sa pagdating namin ng classroom hinde niya pa rin ako pinapansin. Dumiretso lang siya sa may upuan niya at umupo. Nilapitan ko siya at hinawakan kamay niya.

"Halika nga, magusap tayo sa labas." tumingin lang siya sa akin tapos tumayo. Pumunta kami sa may veranda. Lahat ng taong nasa may veranda pumasok sa kanikanilang classroom dahil nakita nilang seryoso itsura naming dalawa.

"Ang tagal mong nawala.. Bakit hinde mo man lang ako tinext o tinawagan?" tanong ko sa kanya habang nakatingin kami sa may field. "Hinde mo bang naisip na nag-aalala ako?"

Habang nakatingin pa rin siya sa may field sinagot niya mga tanong ko.

"Wala lang. I know that you don't even care. Tss. So why bother telling you, right?"

'You don't even care?' kelan ko sinabing wala akong pakialam sa kanya?

"You know what? Let's not talk na lang muna. I don't wanna see you for a whi--AH FORGET IT!" tumalikod siya tapos nagsimula ng maglakad papasok ng classroom.

SDTGWhere stories live. Discover now