"Nangyari? Anong nangyari?"

Napatingin sa akin si Kenji, "Yung alam mo na.. yung sa 310.."

"ALAM NILA?!?"

Nagtawanan yung mga kaklase namin

"Hay nako Athena! Alam na ng buong mundo yun! malagay ba naman yung mga pictures sa internet eh!"

INTERNET?! SINONG NAGLAGAY?! PICTURES?!?!? OMG!

"Buti naman at nag-improve na yung relasyon niyong dalawa noh!! Akala namin forever na kayong mag tatalo eh!!!"

"Siyempre naman Gracie! May kakaibang bonding ata yang 'most popular couple' sa internet!"

"Mismo!" tapos nag apir sila. MOST POPULAR COUPLE?! SA INTERNET?!? Ano ba to!! I know earlier sinabi ko na maybe I like him, pero OMG! NO! EW! Hinde pala! tuwing nakikita ko si Lucas laging nawawala sa isip ko si Kenji eh, so I think mas na ggwapuhan ako kay Lucas, pwede ba yun?

Hinde kami nagusap ni Kenji sa kalagitnaan ng class namin kahit nung recess, hinde rin. tinopak na naman ba siya? parang bata talaga yun!! sumpungin! Bigla bigla na lang hinde namamansin pag sinusunpong! Na-stuck tuloy ako kela Sara at Grace! Kung ano ano pinapakwento sa akin, like kung anong pinaguusapan naming ni Kenji pag naguusap kami sa phone, or kung may something na raw ba talaga! OMG PLEASE!

Lunch break na at hinde pa rin ako kinakausap ni Kenji, hinde ko rin siya makita sa canteen, kaya hinde ko na siya hinanap pa. susulpot naman yun kung kelan niya gusto eh. bahala siya.

So ngayon ang kasama ko ay si Kirby, Jigs, Sara at Grace

"WAAAAH! BAKIT NANDITO SIYA?" habang nakaturo kay Grace

"Kaibigan namin siya eh! bakit may angal ka ba?!?!" Si Sara patapang ng patapang recently.

"MERON! AYOKO SIYA DITO!!" tinuro niya si Grace, "HOY IKAW! Hinde ka welcome dito!!" nagtinginan yung mga babaeng malapit sa table namin at of course, nag bulungan sila.

"HOY KA RIN! Manahimik ka na nga dyan! Kumain ka na lang!!"

Natawa lang si Kirby sa kanilang dalawa. Meron ba kaming hinde alam??

"Anong nakakatawa?" sabay naming tinanong ni Sara

"Wala lang. Ang inosente ng itsura niyong dalawa eh." patuloy pa rin sa pag tatalo yung dalawa. Hinde na nga namin sila pinansin dahil alam naming walang patutunguhan away nila.

"Ex-lovers ba sila??" sabay ulit naming tinanong ni Sara.

"HINDE!!!!" sabay nilang sinabi. RIGHT. EX-LOVERS NGA.

"Ex nga." Sabi ni Sara.

"Mandiri nga kayo! Hinde kami pwedeng maging magboyfriend girlfriend noh!!"

"At bakit naman??"

"Kasi kambal sila."

"KAMBAL?!?!"

"Oo. Hinde nga lang identical twins. So I guess that explains everything."

Kaya pala medyo hawig silang dalawa. Pati pareho sila ng ugali minsan, KAMBAL EH! Natawa na lang kami ni Sara sa nalaman namin! Eh bakit Bala family name ni Jigs at si Grace naman Matic?? Weird.

Unti-unti ko ng nakikilala sila Jigs at Kenji, si Kirby naman hindi pa gaano, masyado siyang mysterious! Hindi ko nga alam kung may girlfriend na siya o wala eh! Ang alam ko lang siya si Kirby Araneta, 18 years old taga BF Executive Village. Ibig sabihin ka-village namin siya ni Kenji at Lucas, yun nga lang malayo sila sa street namin.

Paakyat na ako ng stairs mag isa, si Sara kasi binantayan yung kambal! Hinde pa kasi tumitigil kakatalo yung dalawa! Kaya pala napansin ko tuwing English class namin, sa akin nakaharap si Jigs! Tuwing tinatanong ko naman kung bakit siya nakaharap sakin, feel niya lang daw. Tss. Ngayon alam ko na yung tunay na dahilan! Pati ngayon lang sila nagkabangayan ng ganito, oh yeah I learned a new word from Kirby, 'bangayan'. Anyway, hinde pa rin ako makapaniwala sa bago kong nalaman tungkol kay Jigs at Grace. Itatanong ko nga kay Sexylove kung alam niya yung tungkol sa kanila!

SDTGWhere stories live. Discover now