"Sino ka para magdecide sa susuotin ko?"

"Boss mo. Pati ang pangit kasi ng legs mo eh! nakakadiri tingnan."

Ano daw?! Madami ngang nagsasabing maganda legs ko eh! Siya pa lang nagsasabing panget yung legs ko..

"BOSS KA DYAN! OO NA! PANGET NA! LABAS! Maliligo na ko! at ayaw kong magbihis sa tapat mo!"

"Sa tingin mo ba gusto kong magbihis ka sa tapat ko? ano bang makikita ko dyan?! Buto't balat?! Para ka ngang TINAPAY EH!"

Tinapay?! Paano ako naging tinapay? Dahil ba payat ako? bakit naman sa lahat ng pwedeng i-compare sa akin tinapay pa?! hinde ko talaga gets.

"Tinapay?"

"Hinde. Sige, FLATscreen na lang." flat screen? AAAHHH!

"STFU! LUMABAS KA NA NGA! Napapatagal lalo eh!"

Lumabas na siya ng kwarto ko.

FLAT screen kasi flat chested ako!? chinecheck out niya ba ako!? ang kapal naman ng mukha niya! Mas may laaman naman yung akin kesa kay Sara noh! Bakit, yun ba nagustuhan niya kay Abigail? Kasi malaman yung kanya? Tinapay.. flat screen.. kapal talaga niya! UGH.

After 1 hour lumabas ako ng kwarto ko, nakita ko siya sa may living room nanonood ng tv, basketball. Oo nga pala, varsity siya eh. No wonder ang aga niya pumasok tuwing Tuesday at Thursday, practice pala nila yun.

Umupo ako sa dulo ng sofa, habang siya patuloy pa rin sa panonood.

"Saan ba tayo pupunta? 11:30 am pa lang oh! An gaga mo mambulabog ng bahay!"

Pinatay niya yung tv tapos tumayo, "Kakain tayo. Tara na."

Lumabas si Sara galing sa kwarto niya, "Oh san kayo pupunta? hinde ba kayo kakain dito?"

"Hinde, pahiram muna si Athena ha? babalik ko rin siya mamayang gabi." GABI?! Bakit gagabihin kami?? Ano bang kakainin namin at aabutin kami ng gabi sa pagkain??

"Sige! Ingat kayong dalawa!" nag wave siya saming dalawa.

"Sige, tatawag na lang ako mamaya pag pauwi na ko.."

Nag nod lang sakin si Sara, si Kenji naman lumabas na ng bahay.

Habang nag lalakad kami sa pupuntahan namin nag lakas loob akong kausapin siya..

"Kenji.. saan ba kasi tayo pupunta?"

"Kakain nga."

"Eh bakit tayo gagabihin? Gano katagal ba lutuiin yung pagkaing yun?"

"Basta. Ang tanong mo naman!!! Sumunod ka na lang sa akin!"

Ginawa ko yung sinabi niya, ayoko ng magtanong. Natatakot na akong kausapin siya dahil naalala ko kagabi nung nasa Merge kami may babaeng lumapit sa kanya sa may labas, nung pumasok siya sa loob sumunod pa rin yung babae. Ang hinde ko lang maintindihan bakit sumusunod yung babae sa kanya.. hinde pa dun nag tatapos yung kwento, biglang hinalikan nung girl si Kenji sa tapat naming 4 (Jigs, Kirby, Sara and I) mga naging itsura namin nung time na yun..

Sara and I -> O_O

Kirby -> ¬_¬

Jigs -> (-_- ) ( -_-) (-_- ) ( -_-)

Anyway, biglang tinulak ni Kenji yung babae tapos biglang sinampal. Nagulat kaming lahat sa ginawa niya, tapos bigla niya pang sinabi sa babae na

"Wala kang karapatang halikan ako sa tapat ng girlfriend ko."

I thought to myself that time 'pag wala ba ako sa harap nila pwede siyang halikan nung kung sinong babae?' again, wala akong pakialam. Kasi ang role ko lang naman ay ang tulungan ko siyang mapagselos at mapabalik sa kanya si Abigail.

SDTGWhere stories live. Discover now