"Let's pick you a horse." hinawakan niya ako sa pulso. Dahil don nakaramdam ako ng kuryente na dumaloy patungo sa aking katawan.







Ewan ko ba pero sa bawat pagtama ng aming balat biglang naghaharumentado ang aking puso.







Baka naman sakit na sa puso 'to?







Naglakad kami papunta sa malaking gusali. Pagpasok namin sa loob ay may lalaking nagpapakain roon sa mga kabayo.








"Mr. Rivera." bati nito sa kay Dark. The boy looks young, maputi ito at matipuno rin ang katawan. Dala siguro ng mga mabibigat na gawain pero hindi mo maipagkakaila na may itsura ito.






Mukha ngang may lahi e.







"May kasama po pala kayo..." sabi nito at tumango naman ako sa kanya saka ngumiti. Tiningnan ako ni Dark at tinaasan ng kilay.






Bakit?









"Sevi...she's Zyreen. A teacher here in Zambales. Gusto raw matutong mangabayo kaya papapiliin ko lang." sabi ni Dark.







Maligayang tumango si Sevi at medyo humilis sa dadaanan namin. Tiningnan ko ang mga kabayo nang tanguan ako ni Dark.







May puti, itim at kulay brown na kabayo. Magaganda ang mga balahibo halatang nasa tamang pangangalaga.







Dahil itim 'yong sa kanya puti ang pinili ko. Huminto ako sa tapat nito at tumingin kay Dark.






I am like a little girl who's pleasing my father to buy me that thing. Nag kibit balikat si Dark at tinanguan si Sevi.








Nauna na kaming lumabas sa gusali habang hinihintay si Sevi na ilabas ang kabayo sa kulungan.







"Her name is Snow." biglang sabi ni Dark, I look at him and smiled. Hindi ko alam pero nasasabik akong makasakay kay Snow.








"Bakit mo nga pala siya napili?" tanong ni Dark. Nagkibit balikat ako. "Because it is opposite of yours." sabi ko.







Tumango ito at nang lumabas na sila Sevi mabilis niyang nilapitan ang kabayo saka hinagod ang balahibo nito.







"Come here..." sabi niya kaya lumapit ako. Hinawakan niya ang kamay ko at ipinatong iyon sa buhok ng kabayo.







Napaka lambot. Mukhang mas mahal pa ang shampoo nito sa akin. "Let's go?" napatingin ako sa kanya at marahang tumango.






Kinakabahan talaga ako.








Muli nanaman niya akong binuhat at ipinatong sa kabayo. And with his guide, marahan kong pinatakbo ang puting kabayo.







Dalawang oras yata kaming nag tuturuan at nang masanay na ako lumakas ang loob ko sa pagpapatakbo.






"Zyreen!" rinig kong sigaw ni Dark. Pero hindi ko siya nilingon dahil papalayo ako sa kanya sakay ng kabayo.








I want to show him that I can do it now without him. Nang makalayo ako ay inihinto ko muna iyon sa tapat ng mataas na puno.







Bumaba ako sa kabayo at hinimas ito. Pareho kaming hinihingal, ang sarap palang magpatakbo.









I am smiling at the horse from ear to ear not until I heard Dark's horse. Inihinto niya iyon sa tabi ng kabayo ko.







Salubong ang kilay at namumula ang mukha. Patay...







Hinawakan niya ang braso ko at pina ikot ako. Tila ba may tinitingnan sa buong katawan ko.







"Damn it woman!" nagulat ako sa pag sigaw niyang iyon. "What if! What if something bad happen to you huh?" napatungo ako.







Na excite lang naman ako e.








Nang tumahimik bigla ay inangat ko ang tingin ko sa kaniya. His eyes are now soft compare this earlier, pumupungay ang mga mata niya.






"I-im sorry...I'm just worried." sabi niya at bigla akong hinila para sa isang yakap. Nanlaki ang mata ko, huminto rin yata ang paghinga ko.







Letche!








I can feel him kissing my hair. Parang gusto ko nalang tuloy sumandal sa kaniya at dumepende sa katawan niya.








Pakiramdam ko hinang hina na ako na kapag humiwalay siya bigla nalang akong matumba.









"Don't do that again. You're giving me a heart attack." I chuckled at his statement. Ang over naman ng taong 'to.









Humiwalay ako sa yakap niya at tiningnan siya ng diretso sa mata. "Kaya mo nga ako tinuruan para matuto hindi ba?" nakangiti kong sabi sa kanya.









"But still. It's dangerous, what if the horse loose it's control?" napabuntong hininga nalang ako. Lagi talagang may sagot ang isang 'to.









"Oo na. Hindi rin naman ganon ka bilis ang pagpapatakbo ko!" ani ko at lumapit sa kabayo.








Akmang sasakay na ako pero binuhat niya nanaman ako. "Be careful. I'm watching you." he said but I just rolled my eyes at him saka pinalakad ng marahan ang kabayo.








Pamaya-maya lang ay magkatapat na kami. Hindi ko siya tinapunan ng tingin. Bahala siya diyan, dinaig pa kasi niya ang papa ko.








"Hey..." malambing na sabi niya. Huwag kang titingin Zyreen, huwag na huwag. Tinuon ko lang ang pansin sa harapan.






"Zyreen..."







Ignore.







"Zy..."








Ignore.






"Teacher Zyreen."








Ignore.








"Architech."









I immediately turn my head at him, with eyes open wide. "P-paano mo..." hindi ko naituloy ang sasabihin ko sa sobrang pag iisip kung paano niya nalaman na architect talaga ang gusto kong trabaho.






I heard him chuckled. "I walk in your room when you're sleeping earlier." nakanganga lang akong nakatingin sa kanya.







"At...nakita ko sa table mo 'yong mga drawings mo then your full name with an architect on it. It's all good. Bakit hindi ka nag archi?" tanong niya. I look away and swallow the lump in my throat.







"Hindi kaya ng pera namin." mahinang sabi ko. "Pero gusto mo?" tanong niya at tumango lang ako.









"Kaso kailangan ko pang mag aral kaya huwag nalang. Matagal ko nang sinuko ang pangarap ko na 'yon. Isa pa I'm happy being a teacher." nakangiti kong sabi.








After that silence took over us. Hanggang sa magsalita siya ng hindi ko inaasahan.






"Come with me." I look at him, confusion can be seen all over my face. May ideya na ako sa sinabi niya pero ayaw tanggapin ng utak ko.








"W-what do you mean?" takang tanong ko.








"Come with me in Manila. Pag aaralin kita."




Taming the Wild Waves  Rivera Series#2Where stories live. Discover now