"Mary Gil!" Narinig kong sigaw ni Mama mula sa baba. "Bumaba ka na't nang makakain ka na. Baka ma-late ka pa sa first day mo!"

"Opo, Ma!"

Tinapos ko lang saglit ang pag-aayos sa sarili bago ako lumabas ng kwarto ko. Pagbaba ko ay dumiretso na ako sa kusina. Naabutan ko si Mama na naghahain ng almusal sa hapag.

"Good morning, Ma," bati ko bago pumwesto sa mesa.

"Good morning ka dyan. Hala sige na't kumain ka na," sabi niya habang inaabutan ako ng Hot Chocolate. Para siyang aligaga sa pag-aasikaso sa akin.

"Opo..."

Sinimulan ko na rin ang pagkain ko. Medyo nawirduhan pa nga ako kay Mama kasi pinapanuod niya lang ako na kumain. At nung mapansin niyang nahuli ko siyang nakatingin sa akin ay tumayo siya at nagpunta sa harap ng kalan. Pinagpatuloy ko nalang ang almusal ko nang mapansin kong may bouquet na naman ng puting rosas dun sa may basurahan sa gilid ng lababo.

Napangiti nalang tuloy ako. Unang araw palang ng buwan at ng taon na ito nang magsimulang makatanggap ng bulaklak si Mama. Kung minsan pa ay sinasamahan pa ng pagkain o 'di kaya'y grocery supplies. Wala kaming ideya kung kanino iyon nanggagaling pero four days later, mismong sender na nito ang nagpunta na dito sa bahay para humarap kay Mama at sa amin ni Vergel.

"Bukod sa bulaklak, Ma, ano pa ang natanggap mo ngayong araw?" I teased.

Isang tanong lang tungkol du'n ay nasira bigla ang mood ni Mama. Pinigilan ko ang sarili ko na matawa.

"Nagpadala siya ng isang sakong bigas," matabang na sagot niya bago sumimsim sa kape niya. "Kung akala niya, madadaan niya ako sa pagreregalo niya, pwes mali ang iniisip niya."

"Ma, hayaan mo na! Tamo nga o, may praktikal kang suitor."

"Tigil-tigilan mo ako, Mary Gil, ha! Hindi biro ang ginawa ng tatay mo sa atin."

Yeah, right. Bukod sa nakatanggap ako ng full scholarship ay isa sa mga magandang nangyari ngayong bagong taon ay ang pagbabalik ni Papa galing Japan. Surely, hindi namin siya agad tinanggap dahil sa ginawa niya sa amin pero nang ipaliwanag niya sa amin ni Vergel isang araw noong lumabas kami (na hindi alam ni Mama) na nagsisisi siya sa pagkakamaling ginawa niya ay unti-unting natunaw ang puso namin, lalo na't nagpupursige siyang mapatawad ni Mama. Sabi nga niya ay tatanggapin niya ang desisyon kung ayaw na makipagbalikan sa kanya ni Mama pero ang tanging hiling lang niya ay ang kapatawaran nito. Nangako pa siyang hindi na babalik sa Japan at magtatayo nalang ng negosyo sa Pilipinas para lang hindi na lumayo sa amin.

Naiintindihan ko naman kung bakit ayaw pa siyang patawarin ni Mama dahil mahirap nga naman ang ibalik ang tiwala niya pagkatapos ng nangyari pero bilang anak, gusto ko ay mabuo na ang pamilya namin. At iyon ang ginagawa ni Papa. He has been courting her or us, rather, for one week already. Nakakatuwa lang kasi parang everything is falling into places this new year. Sana lang ay mapatawad na rin ni Mama si Vergel.

Speaking of, patapos na ako nu'n sa pagkain ko nang dumating si Vergel sa hapag. As usual, simula nang umamin siya na nabuntis niya ang girlfriend niya ay naging tahimik na siya. Hindi sila halos nag-uusap ni Mama dahil masama pa rin ang loob niya kay Vergel. Pero may isang bagay ang ipinagtataka ko. Nakasuot siya ng school uniform.

"Good morning," bati nito pero hindi man lang siya nilingon ni Mama kaya bumuntong hininga siya't bumaling nalang sa akin. The expression on his face looked sullen.

"Nakapag-enroll ka?" Nagtataka ako ako dahil sinabi niya na sa amin noon ni Mama na desidido na siyang tumigil sa pag-aaral. Let's say sa nagbago ang isip niya't gusto niyang ipagpatuloy ang pag-aaral n'ya gayung hindi na matutustusan ni Mama ang matrikula naming dalawa pero paano siya nakapag-enroll?

Hey, You! (Short Story)Where stories live. Discover now