Author's note:
Una po sa lahat, kung hindi po kayo mahilig magbasa ng mga idyoma na nahahalo sa isang kwento ay marapat lamang na hindi niyo na lamang po babasahin itong kwentong ito dahil punong puno po ang istoryang ito, ngunit ang magandang balita diyan ay naglagay naman po ako ng kahulugan ng mga idyomang aking inilapat dito sa aking kwento. Ang istoryang ito ay gawa lamang po ng aking malikhaing pag-iisip at pinaghalo ko lamang kung anong aking naoobserba sa aking paligid at ang aking mismong nararanasan ngayon. Pasensya po kung may wrong grammar or typos po kayong makikita at mababasa. At labis po akong nagpapasalamat sa inyo kung bibigyan niyo po ng pagkakataong basahin at bigyang importansya ang kung anumang inyong mababasa sa aking kwento. Salamat sa inyong lahat mga mangbabasa.
********
ISANG MASALIMUOT NA SANDALI
Naranasan mo na bang makulong? Naranasan mo na bang magutom? O naranasan mo na bang maging anak-dalita? (Mahirap)
Sa kabila ng aming paghihirap sa buhay ay lagi ko paring iniintindi ang sitwasyon. Sabi ko na laging itaga sa bata (ilagay sa isip)na ang lahat ng pangyayari sa buhay ay may rason, pangit man o maganda.
Pero sa kabila ng aking paniniwala ay hindi ko maiwasang hindi salungatin ito.
"Ate, mahapdi na ang bituka (nagugutom) ko" nalulungkot na anya ng kapatid kong si Daisy.
"Wala eh, butas ang bulsa (nagugutom) ko. Pagpasensyahan mo muna ang sitwasyon natin". Pagpapaliwanag ko dito habang tinitignan ko siyang may awa.
Gusto ko mang magkaroon ng salapi ngunit nagbibilang ng poste (walang trabaho) sa panahon ng danas namin bilang nakaquarantine sa bahay sa kabila ng dinadanas na epidemya sa buong mundo.
Oras-oras, araw-araw, lagi ko nalang nababalitaan o naririnig sa TV, social media o radyo na mayroong pantay na ang mga paa (patay na), isa at higit pang buhay ang nawawala.
Parang kahapon lang ay maayos pa ang takbo ng ating mundo subalit ang epidemya o COVID-19 ay bigla bigla nalang susulpot na kidlat ang bilis (mabilis) kung ito'y bumiktima ng inosenteng tao. Na parang isang maitim na budhi (tuso) kung ito'y kumapit sa katawan ng tao at hindi natin alam kung kelan ito mawawala.
Mahigit dalawang buwan na kaming nagtitis na manatili sa loob ng aming bahay na para bang nasa loob kami ng selda upang hindi makawala.
Tanging ang pagpatak at tunog na lamang ng aming orasan ang maririnig sa sobrang katahimikan ng aming paligid. Tumigil ang takbo ng mga sasakyan, ang mga ingay na huni ng mga iba't ibang pagtitipon at ang pakikipagchismisan sa kapitbahay. Na parang ang makabagong teknolohiya na lamang ang tanging pag-asa upang mamatay ang pagkabagot ng bawat isa.
"Ate, wala pa ba si mama?" tanong ng aming bunsong kapatid na si Drake ang takaw-tulog (mahilig matulog) sa amin
"Wala pa eh" saad ko dito habang tinitignan ko siyang pupungas-pungas dahil sa kakagising lang nito.
Masasabi kong kahit na ang ilaw ng aming tahanan (ina) na lamang ang aming kasama ay hindi ko sinasabing samaing palad (malas) kami bagkus binigyan kami ng isang napakabuting ina na mas pipiliin niya na lamang na maging bukas ang palad (matulungin) sa iba.
Isa si mama bilang isang frontliner sa aming baryo. Siya ay palaging pumupunta sa aming munisipyo ng aming barangay upang tumulong sa pagbibigay at pagbalot ng mga donasyon galing sa gobyerno.
Hindi man natin nakikita na sa kabila ng kanilang maaliwalas na mukha ng ating frontliner ay meron parin silang tinatagong madilim na mukha (nakasimagot) na imbes sanang kasa-kasama natin sila ay hindi.
Hindi ko maiwasang mag-alala kay mama dahil takipsilim na ngunit wala pa siya.
"MGA KABARANGAY MERON NA NAMANG DONASYON NA IBIBIGAY NG ATING GOBYERNO, MARAPAT LAMANG NA MAGLAGAY NG UPAAN SA TAPAT NG INYONG BAHAY UPANG KAYO'Y MABIGYAN BUKAS NG UMAGA. ORAS NG 6:00" rinig naming paulit-ulit na anunsyong isang frontliner sakay ng isang sasakyan habang usad pagong (mabagal) ang pagpapatakbo nito.
"Ate narinig mo yun? Meron na naman silang ibibigay" masayang saad ni Daisy habang nakasilip pa sa aming bintana tanaw ang papalayong bulto ng isang frontliner sakay ng sasakyan.
"Yehey! Meron na naman tayong makakain na sardinas" masayang saad naman ni Drake habang pumapalakpak pa itp dahilan para matawa kami sa kanya.
Sa mga katulad namin, ang sardinas ay malaking halaga na sa amin bilang mga nabibilang sa mahirap na pamilya. Kontento na kami sa isang sardinas para mawala ang aming gutom.
"Mga anak nandito na ako" dinig naming boses ng aming mama. Mabilis pa sa alas kwatro ay kanya kanya kaming magkakapatid para salubungin ang aming mama. Nagbabakasakali kung meron siyang dalang pagkain.
Parang tumigil ang mundo natin simula noong kumalat na ang COVID-19 na siyang sakit na kumitil sa mga nakakarami sa ating mundo.
Hindi ko maiwasang hindi matawa sa aking kapatid na si Daisy sa pagiging dalawa ang bibig (madaldal) habang ibinibida sa amin ang kanyang gusto paglaki bilang isang mahusay na Doctor.
Mahigit sampung taon na naming hindi kasama ang aming haligi sa tahanan (ama) sa kadahilanang hiwalay na ang aming magulang ngunit hindi ito hadlang para mawala ang aming koneksyon sa kanya. Siya ay isang OFW sa America kung saan laganap rin ang Covid-19 na sakit doon. Hindi ko masasabing malamig ang ulo (maginhawa ang trabaho) ni papa sa abroad.
Sabi nila, isa akong panis na laway (Tahimik na tao) dahil mas pipiliin ko nalamang magbabad sa pagbasa ng mga malikhaing gawa kaysa ang makihalubilo.
Sa pagdaan ng dalawang buwan bilang nakaquarantinesa bahay ay marami akong naobserba sa paligid.
May mga taong may bulsa sa balat (madamot) kaysa ang magbigay, meron ring mga taong makapal ang mukha (walang hiya) sa paghingi ng tulong o dikaya naman ay pagbibigay ng akusa sa gobyerno dahil sa kahirapang nararanasan ng aming bayan. Meron namang mas pinipiling makipag basag-ulo (mahilig makipag-away) para lamang sa kanyang ipinaparatang na karapatan sa kanyang sarili. At meron ring mga nakapinid ang tainga (nagbingi-bingihan) sa mga pangyayari.
Sa totoo lang, sa panahon natin ngayon at sa sitwasyong kinalalagyan natin meron parin talagang nagpupusa (nag-aakusa) at sinisisi sa kabila ng kasalanang hindi naman sinasadya. Tulad na lamang ang mga nangyayari sa iba't ibang bansa na sinisisi ang bansang China sa kadahilanang sa kanila nanggaling ang sakit na kahit kelan ay hindi pa nahahanap ang lunas. Kaya nararapat lamang na magbigay sila ng pera sa mga bansang naapektuhan.Na kahit ang mataas ang utak (pinakamatalino) sa larangan ng agham o kaya'y pag-eexperemento ay hindi parin sapat para makahanap at makagawa ng gamot para sa mga natamaan ng COVID-19.
Bakit ba ang dami paring may utak-biya (makitid ang utak) at hindi nakakaintindi kaya hindi umuunlad ang ating bansa dahil sa tigas ng ulo ng mga tao. May mahirap at mag nakahiga sa salapi (mayaman). May masaya at may dadalamhati sa pagkawala ng kanilang mahal sa buhay, may mataas at mababa. Yan ang balanse ng buhay, iyan ang tinatawag nating Realidad sa ating buhay.
Sa pagkagat ng dilim muli ko na namang pipiliting makaroon ng maganda at masaganang buhay sa aking bungang-tulog (panaginip) na kahit saglit lang upang makatakas sa reyalidad na nakatatak sa aking pagkatao.
Ako si Matet, ang panganay na laging umiintindi sa sitwasyon kahit na sa isang masalimuot na sandali.
******
Salamat po mg marami at inyong nabasa ang aking kwento hanggang sa huli. Huwag niyo po ninyong kalimutang mag vote, follow and comment sa aking kwento. Jusmiyo marimar.Hahahahah. ang hirap mag Tagalog. HAHAHAHHAHA. Hanggang sa uulitin Guys😊.
BINABASA MO ANG
ISANG MASALIMUOT NA SANDALI
RandomIt is all about a person under his/her quarantine and kung ano yung kanyang pinagdaanan habang nakaquarantine sila. P.S. Pure tagalog yung story but using TALINHAGA po. I hope you understand and it may catch your attention to read this.
