The Story Of US~prologue

25 3 4
                                        


Nandito ako ngayun sa ticket booth ng auditorium, bumili ako ng dalawang ticket para ngayung gabi. May event kasi ngayun at required lahat na sumama. I walked past the garden not too far away from the auditorium, nagpapahangin kasi antagal pa niya baka nasiraan siya on the way here.

Then suddenly I felt a weird sensation... Parang may nakatingin sakin, I looked around and saw no one. I just shrugged off the idea and went back baka andun na siya, pero I can't get rid of the feeling na para bang may sumusunod sakin binilisan ko na lang ang paglalakad hanggang sa naabot ko na din ang harapan ng auditorium, at dun lang nawala yung feeling na parang sinusundan ako

Later on.....

"Allie!!!" dinig kong tawag sakin ng girlbestfriend kong si Lalynnia

Inalis ko sa isipan ko yung naramdaman ko kanina

Paglingon ko, nakita ko ang babaeng pinapangarap ko, ang laging nasa panaginip ko pero.... alam ko na hanggang pagkakaibigan lang ang namamagitan samin kasi...

"Allie, pasensya na nasira sasakyan ko eh"

"okay lang yun, Laly nakakuha nako ng ticket para sa event ngayung gabi" sabi ko

"ang galing talaga ng bestfriend ko, kaya mahal na mahal kita eh" natutuwa niyang banggit sakin sabay yakap

Sana di na matapos ang sandaling ito, ang kaso siya na mismo ang bumitaw

"alika na magsisimula na ang event, gusto ko na siyang makita" ngiting sambit nya sakin habang kumikinang ang kanyang mga mata

Sana ako nalang ang dahilan sa pagkinang ng yung mga mata, sana ako yung dahilan ng pagngiti mo, ang kaso iba ang nilalaman at isinisigaw ng puso mo....

Si Lalynnia, ang girlbestfriend ko since Elementary days. May lihim akong pagtingin sa kanya, pero ayokong malaman nya. Kasi alam ko na hanggang pagkakaibigan lang ang meron saming dalawa.

Atsaka meron na siyang ibang sinisinta, at iyon ang dahilan kung bakit andito kami sa auditorium ng BC University. May ginaganap kasi dito na event at iyon ang "FRESHIES" isang event kung saan wini welcome kami ng Campus as their first years

"Allie, dali nagsisimula na" pagmamadali sakin ni Laly

Humanap kami ng table na bakante, napili namin yung malapit sa stage at malapit sa aircon, para presko at merong magandang view sa mga magpeperform

"Lalynnia?" pagtatanong ko sa kanya napapansin ko kasing giniginaw siya

"Hmm?? Anu yun Al?" pagtugon niya sa kin

"kung nilalamig ka, lipat na lang tayu ng pwesto?" pag suggest ko kasi pati ako nilalamig na din pero di ko pinapahalata at tsaka na ka jacket naman ako kaya oks lang, ang kaso yung suot ni Laly eh masyadong revealing, naka dress siya ngayun, even though na kahit di daw formal pwede isuot, ang kaso ayaw niya, gusto niyang maging presentable lalo na sa harapan niya.

"ayus lang ako" pagsisinungaling niya

Hinubad ko yung jacket ko at iniabot sa kanya

"hmm, suotin mo" pagaalok ko
"wag na, tsaka baka masira dress ko" aba ang arte

"pwede naman kasi na wag na magdress" sambit ko "suotin mo muna to tsaka hubarin mo na lang pagkatapos" pag pipilit ko

"hehehe salamat bestfriend" pagtanggap niya sa alok ko "eh papaano ka?" pag aalala niya

"ayus lang ako" sagot ko sa kanya

"hindi ka okay, kasi tignan mo mas mukha kang babae kesa sakin, kaya for sure giniginaw kana"

The story of USHistórias para pegar e não largar. Descubra agora