SAKIT AT PAIT

1 0 0
                                        

SAKIT AT PAIT
by: heremaya

Iiyak nanaman ang aking mga mata
Matang pagod na sa pag luha
Matang nasasaktan sa mga nakikita
Matang pagod na pagod na pero kinakaya pa.

Kailan kaya to mapapagod?
Kailan ba pwedeng sumuko?
Kailan ba pwedeng humindi?
At higit sa lahat kailan ba pwedeng magsabi ng tama na?

Matagal na dapat eh
Matagal na dapat akong sumuko
Matagal ko ng dapat ginawang unahin ang sarili ko
Matagal ko na dapat pinasaya tong sarili ko
Di ko magawa eh, alam nyo kung bakit?
Kasi inuuna ko kayong mga taong nasa paligid ko
Inuuna ko kayong pasayahin
Inuuna ko kayong komportahin
Inuuna ko kayong intindihin
Inuuna ko kayo kahit itong sarili ko ubos na ubos na

Tapos ano? Iiwan nyo ako sa ere
Iiwang walang wala
Iiwang nasasaktan
Iiwang luhaan
Iiwang nag-iisa

Syempre bubuuin ko nanaman sarili ko
Bubuuin para may maibigay sainyo
Bubuuin para makapag-bigay ng ngiti sa mga labi nyo
Bubuuin para may maubos nanaman kayo.

Sinong masaya? Ako?
Sa tingin nyo masusulat ko ba to kung masaya ako?
Yan kasi ang mahirap sainyo, porket tumatawa at nakangiti masaya agad
Ano to lokohan?
yung sakit sagad na sagad
Porket nagpapasaya ako ng tao okay na ako?
Porket palagi akong nakangiti okay na ako?
Kailangan ko lang naman ng taong makakaintindi sakin
Kailangan ko ng kausap
Yun lang pero tangina pinagkakait nyo eh

Pag nasasaktan kayo syempre to the rescue nanaman ako
Pag kailangan nyo ng kausap andyan nanaman ako
Oh tapos? Kapag kayo kailangan ko? Asan kayo? Wala
Mag isa nanaman ako
Mag isa nanaman
Mag isa nanaman
ang rami kong pinasaya, cinomfort, kinausap kapag kailangan nila ng kausap pero tangina ako nag iisa?

Tapos may magtatanong sa chat o sa personal na okay ka lang?
Syempre ako namang tong si tanga mag sasabi ng oo naman with a smile emoji pa o naka smile tapos magrereply o mag sasabi sila ng mabuti naman
Tangina? Di ba nila ramdam? Or sadyang manhid sila?
Palibhasa pag sila ramdam ko agad na malungkot sila o hindi sila okay
Pero sakin tangina hindi

Kung labanan lang kamanhidan, panalo na ako
Wala na akong nararamdamang sakit
Dahil sa puso ko puro na pait
Mga salitang sinasabi ko na hindi pinagkait
Pero kapalit pala nito ay hindi maipaliwanag na sakit.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 11, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

POEMSWhere stories live. Discover now