"Bakit hindi mo siya kalimutan?" tanong ko.
Nag-angat siya ng tingin at napakalungkot ng mga mata niya. Walang buhay. Walang emosyon.
"Why must I forget her?" tanong niya.
Iyon ang tanong na hindi ko kayang bigyan ng sagot. Bakit nga ba niya dapat kalimutan ang taong buong buhay niya minahal? Ano ba ang nasa isip ko at natanong ko iyon. What am I implying to say!? That I'm here?
Oo, gusto ko siya. Matagal na. Hindi ko alam kung ilan taon o kung kailan nagsimula ako nakaramdam ng ganito para sa kanya.
Ang ngiti niya. Ang boses niya. Ang titig niya na hindi nakakasawang titigan. Besides from his physical appearance, nagustuhan ko siya dahil nasa kanya lahat ang gusto ko sa isang lalaki. He's my ideal man. Mabait, maalaga, maalalahanin kahit medyo bully. Higit sa lahat, mapagmahal.
Mapagmahal? Paano ko ba nasabi?
Siya iyong tipo ng lalaki na kayang ibigay ang lahat para sa taong mahal niya. Lahat. Lahat.
Paano ko na naman nasabi?
Dahil kaibigan niya ako.
Dahil isa ako sa mga saksi kung gaano siya magmahal sa taong buong buhay niya naging mundo.
Dahil isa ako sa taong nakita kung paano niya ito kamahal.
Dahil nakita ko kung paano gumuho ang mundo niya para sa pag-ibig na lagi niya pinaglalaban
Pero sa huli, iniwan lang siya.
Ngayon, nandito siya sa harapan ko. Umiinom ng beer. Ayoko bilangin kung ilang beer na ang naubos niya. He's drunk. Worst, he's not talking. Hindi siya magsasalita kung hindi ako magsasalita.
Ilang oras ko na siya hinahayaan uminom mag-isa. Magkaharap man kami ay hindi ko alam kung ano ba dapat ang sasabihin. Dahil tuwing nagkakaganito siya ay paulit-ulit lang din naman ang mga payo na binibigay ko. Cycle lang.
"Sa sofa ka na matulog. Kailangan ko na magpahinga." sabi ko sabay tumayo mula sa high chair.
"Iiwan mo na rin ba ako tulad niya?" tanong niya. Ramdam ko ang sakit sa bawat salitang narinig ko.
Bumuntong hininga ako. "Bahay ko ito, Seb. Bakit kita iiwan?" tanong ko.
And there, I found myself telling him that I don't have any reason to leave him.
Kita ko kung paano siya ngumisi. "Yeah, right. I know." tugon niya.
Pumunta na ako sa kwarto ko. Bahala siya sa buhay niya. Nambulabog na nga siya, huhugot pa. Babanat pa!
Sébastien. Sakit ka sa ulo!
