CALVIN POV

10 0 0
                                        


Ako si Calvin,may pusong babae ako at may boyfriend ako. Siya si Steven,tanggap naman niya ako at matagal na kaming nagsasama.

Habang nagmamake-up ako,biglang nagchat sa akin si Steven.

"Babe,may ipapakilala ako sa'yo. Magkita tayo sa park mamayang 5 pm ah? I love youu!",sabi niya

"Okay sige,i love you too.",reply ko.

Nacucurious ako kung sino ang ipapakilala niya sa akin. Mayamaya 4:30 pm na at pumunta na nga ako sa park para makipag-kita sa kanya.

"Oh Babe! Andyan ka na pala?!",sabi ni Steven.

Ngumiti ako at nakita kong may kasama siyang babae.

"Uhm babe,siya nga pala si Azyne. Girl best friend ko. Siya yung sinasabi kong ipapakilala ko sayo na kaibigan ko.",sabi niya

Tinignan ko ang babae at kumaway siya sa akin. Kumaway rin ako sa kanya.

Simula noon,naging girl best friend ko na rin siya tsaka lagi na namin siyang kasama at habang tumatagal,nagseselos na ako sa kanya. Kapag kasama namin si Azyne,nag-iiba ang nararamdaman ko na para bang naiinis na hindi ko maintindihan.

Namamasyal kami sa mall,laging masaya si Steven at tawa ng tawa samantalang ako,nakatingin lang sa kanila ng masama.

Habang nagtatawanan sila,kinalbit ko si Steven.

"Uhm babe,mauna na ako. Hehehe may kailangan pa akong asikasuhin sa bahay,pasensya na..",bumeso ako kay Steven.

"Sige ingat ka!",sabi ni Azyne.

"Love you!",sabi ni Steven

"Sige,Love you too!",sagot ko

Umalis na nga ako at dali-dali akong umuwi ng bahay. Nang makauwi ako,humiga ako sa kama at inis na inis ako sa sobrang selos.

Habang nakalagay ang kamay ko sa mukha ko,bigla akong napaisip at umupo.

"T-teka...kanino nga ba ako nagseselos?!",tanong ko sa sarili ko.

Nagsalubong ang kilay ko,"B-bakit parang nagseselos ako kay Steven kaysa kay Azyne?!"

Napahiga ako at nanlaki ang mata ko,"H-hindi kaya...nashoshomboy na ako!?"

"AHHHHHH! Hindi pwede!!!",sigaw ko sa kwarto.

Simula noong araw na iyon,lagi kong naiisip si Azyne at kapag nakikita ko siya,napapatulala ako sa kanya.

Sinampal ko ang sarili ko,"Bakit hindi ka mawala sa isip kooo!!!?"

Makalipas ang ilang linggo,parang naaayawan ko ng magmake-up,magsuot ng mga color pink,at nagkikilos-lalaki na ako.

Habang naglalakad ako pauwi ng bahay,nakita ko si Steven na may kasamang ibang babae at hindi si Azyne iyon. Napansin ko sa sarili ko na hindi ako nakaramdam ng galit sa kanya o anuman,mas napatitig pa ako sa babae dahil maganda siya.

Sinabunutan ko ang sarili ko,"Ahhhh!! Calvin!! Ano na ang nangyayari sayoo!!?"

Nakita ako ni Steven at nilapitan niya ako,"B-babe,let me explain this."

Umiling ako,"No need,break na tayo."

Nanlaki ang mata ni Steven,"Calvin,bakit boses lalaki ka na?!"

"Hindi na ako bakla,lalaki ako. Lalaki ako!",umalis ako sa harapan niya at umuwi ako ng bahay.

Itinapon ko lahat ng damit kong color pink at ang mga make-up ko. Bumili ako ng mga polo shirts at mga pantalon,lagi na akong laman ng gym at nagpagupit na ako.

"Hi beshiie!",chat ni Azyne habang nasa gym ako.

"Oh bes,musta?"

"Eto okay lang,balita ko break na kayo ni Steven."

"Yup,kahapon lang.",sabi ko

"Bakit?"

"Nagbago na ako tsaka may girlfriend na siya at babae talaga."

"What do you mean sa nagbago?"

"Lalaki na ako."

"Oww talagaa!? Awiiieee! Bro na ang tawag ko sayo!",sabi niya.

Napangiti ako,"Sige,mamaya na kita ichat dahil nasa gym ako."

"Sigee!"

Simula noong nagbreak kami ni Steven,lagi na kaming magkasama ni Azyne at mas lalong nahuhulog ang loob ko sa kanya.

Makalipas ang ilang buwan,habang nasa restaurant kami kumakain,magtatapat na ako sa kanya.

Napatigil ako sa pagkain at tinignan ko siya,"Azyne."

Tumingin siya sa akin,"Yes?"

Nagbugtong-hininga ako,"May gusto akong sabihin sa'yo."

"Sige,ano iyon?"

"Azyne,hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa...Gusto kita.",sabi ko

Tinignan niya ako habang nakangiti siya,"Ako rin,gusto kita."

Tumawa ako dahil sa kilig,"Sure ka?!"

Tumango siya habang tumatawa,"Oo naman..."

"So,liligawan kita sa ayaw at sa gusto mo!",sabi ko habang nakangiti.

"Kahit simulan mo na ngayon...",sabi niya

Tumawa ako at tumayo ako para yakapin siya. Kinabukasan,nagsimula na akong manligaw sa kanya at makalipas ng dalawang buwan ay sinagot niya na rin ako. Naging kami at nagbago na lahat pati ang buhay ko.

Nang dahil sa kanya,naging lalaki ako at nagbago ako. Ang dating pusong babae,ngayon lalaking-lalaki na...

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 30, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

CATHING FEELINGSStories to obsess over. Discover now