LUBDUB

14 5 0
                                    


Chapter 1

Cold night ft. Piano music

I am busy looking at my boy best friend's active status when the chat heads pop in my screen. I quickly tap it with an excitement, only to filled it with disappointment when it's not from him. Deym!

Pa load. - bika

Mabilis akong tumipa ng "Wala." bago bumalik ulit doon sa active list ng friends list ko sa messenger.

Again, bigla nanamang nanikip ang dibdib ko habang nakatitig sa pangalan niyang naka online. It's been months since our last conversation via messenger and text message. Parang biglaang may nagbago, no- scratch the word "parang" kase mayroon talaga. I bite my lower lip, at binasa yung sa parteng last ng convo namin, dati.

Nabasa ko kung gaano kami magkulitan, pagtatanong ko sa kanya ng kung ano-ano, magsungitan, mag-away, at sweetness.

Itinigil ko ang pagbabasa ng magsimula nanamang pumasok sa isip ko ang dati, dating kami. Hindi bilang magkarelasyon, kundi bilang magkaibigan. Oo, magkaibigan.

Dahil sa inis at siguro ang pag atake ng pagka moody ko, i deleted our conversation. Walang pag-aalinlangan ko iyong ginawa at salamat naman dahil hindi na ako nagwoworry. Wala na akong mababalikang basahin, at dahilan ng pagsikip ng dibdib ko. Wala ng tutukso saakin, para mang stalk ng account at babasahin lahat ng post, at shared post niya maging ang pagbisita sa mga photos niya, at tititigan iyon.

Walang pinagbago ang araw ko ng buksan ko ulit ang Facebook ko, gusto kong may ka chat pero tinatamad din namang mag reply at mapili pa ng ka chat. Nakakagago.

Gabi na ng may maligaw na wave sa messenger ko, sa isiping baka napindot lang iyon ng may-ari ng account, ay pinalampas ko muna ang sampung minuto bago iyon buksan.

Kadalasan talaga ay ganyan ako mag-isip.

Tila may isang panda na lumundag saakin, at bigla akong nakaramdam ng saya, ng makita kong siya ang nagwave. Ano'ng meron? Naisip niya ako?

Cane waved

Tumipa ako ng "hello" at doon na naman nagsimula ang conversation namin.

Arcane is my boy bestfriend online/internet friend. Oo online, weird right? Pero kahit ganoon ay komportable kami sa isatisa, nagkataon lang na ilang buwan kaming hindi nag-usap, at ngayon ay muli nanaman naming binigyan ng atensyon ang pagkakaibigan namin. Hindi naman kailangan lahat ng atensyon ay nasa pagkakaibigan, may mga bagay pang mas importante at priority kagaya ng pag-aaral at pamilya, kaya kahit nakaka-panghinayang ay iyan ang palagi kong iniisip, dahil maski ako may iba pang mga priority.

Humaba ang pag-uusap, hanggang sa bumabalik na kami sa dati.

Hindi ko alam na dadating kami sa puntong seseryosohin ang pagkakaibigan, kahit hindi namin totally na kilala ang isatisa. Sapat na iyong magkakaunawaan, alam ang interest at ayaw ng bawat isa, kaunting backround ng family, at tungkol sa usaping lovelife.

Nagsimula ito dahil sa account kong pang Wattpad, na naging roleplayer account. Naging tambay ako sa tinatawag nilang role play world, hanggang sa mawili ako doon. Ang magbasa ng mga shitpost at mga rants ng nga rp'ers ang naging dahilan ng pagtambay ko sa account na 'yon.  Dumating sa puntong si Arcane narin ang naging dahilan ng makilala ko siya at maging kaibigan. Doon ko siya nakilala, sa isang pang-rpw na account, kung saan ang pangalan at lahat pa ng info's ay hindi totoo, maging ang gamit naming mga pictures ay hindi namin mukha. Gamit namin ang mga pino-portray namin at hindi iyon natatawag na poser.
Hindi nagtagal noon ay nagpalitan kami ng numbers, hanggang sa dumating sa puntong nagbigayan narin ng real account. Rules ng rpw ang 'no op related' pero nilabag namin iyon.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 21, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

LUBDUBWhere stories live. Discover now