Chapter Forty-five

Beginne am Anfang
                                    

"Shit," he cursed under his breath. Hinawi ko ang iilang hibla ng kan'yang buhok na nagtatakip sa kan'yang noo. He's still inside me and I can't help but feel amused sa ginawa naming dalawa.

"Yan. Magulo na naman buhok mo." Ngumuso ako.

Binuksan niya ang kan'yang mga mata at mabilis hinalikan ang nakanguso kong labi saka ngumisi. "Ginulo mo kasi."

Itinaas niya ang kan'yang braso at nilingon ang wrist watch. "7 minutes." Bumuntong hininga siya. "Next time I can make it 5."

Umirap ako sa kan'ya. He slowly removed himself out of me at itinaas ang kan'yang slacks. Then he's back to being my businessman, plus the just-fucked hair. Itinaas niya na rin ang aking boxers at ibinaba ang hemline ng damit ko. We're back to our normal selves, na parang walang nangyari 10 minutes ago.

"Sige na, umalis ka na. Ako na bahala dito." Tumayo ako at mabilis siyang niyakap.

"I want you to come with me," Bigla niyang saad.

Hinarap ko siya at kinunotan ng noo "Sa office?"

Tumango siya.

"Ano naman gagawin ko doon? Ayoko. Mapagkamalan pa akong katulong mo." Inayos ko ang tie niya at ipinlantsa ang kamay ko sa kan'yang coat na nagkaroon na ng kaunting gusot. Sa totoo lang, gusto ko rin sana makita ang mundong ginagalawan ni Tyrone. Gusto ko rin malaman kung paano siya tinatrato doon. Kaso natatakot ako, natatakot ako na baka kapag nakita ko muli ang mundo niya ay tuluyan na akong kainin ng insecurities ko, dahil kung gaano man siya kataas ay gan'on din ako kababa.

Kumunot ang kan'yang noo. "Ipapakilala kita sa board. They need to meet my future wife."

Nalaglag ang panga ko. "Future wife?"

"Doon din naman ang bagsak natin, Yvette. Sa'yo lang din naman ang bagsak ko."

Goodness. We're talking about marriage! Huminga ako ng malalim at muli siyang hinarap. Hindi ko pa 'yan naiisip sa gan'on. Marriage is a big thing. Oo, kaya kong magcommit sa kan'ya kahit magtagal pa hanggang sa mamatay kami pareho, pero ang gumawa ng pamilya? Hindi pa ako handa para doon. Wala pang isang taon simula nang gumraduate si Viviene. Marami pa akong gustong gawin. Gusto ko pa bumalik sa pag-aaral at makapagtapos na rin.

Nagpatuloy ang pangungulit ni Tyrone. Nadagdagan pa ang pangungulit niya tungkol sa pag-hatid sa akin pauwi ng bahay, pero ayokong pumayag. Late na siya at hindi pa ako naliligo. Ni hindi pa ako nakakapag-almusal.

"Alright. Uuwi ako dito. Lunch break. Then I'm going to fetch you home."

"Kaya ko naman kasing umuwi mag-isa." Inirapan ko siya at umupo sa isa sa mga upuan dito sa dining table.

"No. I won't let you. Wala ka ring damit. Bibilhan pa lang kita." Pagpipilit niya. Wala na akong nagawa. Totoong wala akong underwear at totoong wala rin akong damit. Bumuntong hininga ako at hinalikan na lang siya sa labi bago siya nagpaalam sa akin na aalis na siya.

Nang tuluyan nang umalis si Tyrone ay napakatahimik na ng kan'yang unit. Napagdesisyonan kong linisin na lang ang buong unit niya kahit malinis naman na talaga. Habang naglilinis ng kan'yang walk-in closet ay mayroon akong nakapang kahon na kulay puti.

Kinagat ko ang labi ko at napaupo habang binabasa ang kan'yang sulat kamay.

Girlfriend. . .

Alam kong hindi ko dapat pinapakialaman ang mga gamit niya pero hindi ko 'to maiwasan. May kung anong pumipilit sa akin para buksan ang kahon at hindi naman ako nagsising binuksan ko ito. Nakalagay doon ang iilang litrato naming dalawa, kasama na ang mga litrato namin n'ong Mr. an Ms. Intramurals.

Naramdaman ko ang pag-init ng pisngi ko. Ito 'yung araw na hinding hindi ko makakalimutan, dahil kahit na nasaktan ako ay puno pa rin ng magagandang alaala ang nakalipas naming dalawa. Naroon din ang litrato namin sa kan'yang sasakyan, pati na iyong naging profile picture naming dalawa.

Pakiramdam ko ay may mainit na kamay na humaplos sa aking puso. Dito pa lang, alam ko nang mahal niya talaga ako. All these years, hindi ako makapaniwalang tinatago niya ang mga ito. Natawa ako dahil ang payat niya pa dito at napakaitim ko pala noong hayskul! Ibang iba na siya. Ibang iba na rin ako. Pero bakit ang pakiramdam ng pagmamahal niya ay parehong pareho? Parang noon lang. Bago. First love. Ang pinagkaiba lang ay mas nag-mature na siya sa pagdala ng relasyon namin.

Natigilan ako sa isang litrato. Natutulog ako sa kan'yang kama. Kumunot ang noo ko habang inaalala ang araw na ito. Pero napalitan ng ngiti ang pagkakakunot ng noo ko nang maalala kong ito iyong unang beses na nakapunta ako sa kanila, sa bahay nila, at kahit napagalitan ako ni mama ay isa pa rin ito sa mga memories na gustong gusto ko.

Ngayon ay nabigyan na ng linaw lahat sa akin. Masaya ako sa naging desisyon niya. Oo, nasaktan ako. Pwede naman niyang sabihin sa akin pero hindi niya ginawa, ngunit ngayon alam kong kung ako ang nasa kalagayan niya gan'on din ang gagawin ko. Kapag sinabi niya sa akin ang totoong rason n'ong una pa lang, I'd still want him. Hindi ako papayag na magkakahiwalay kami, lalo na't alam kong mahal niya pa ako.

Sinabi niyang hindi na niya ako mahal dahil ayaw niyang may panghawakan pa ako. Kapag nagkaroon ako ng panghahawakan, hindi ko matututukan si Viviene. Magagalit ako kay ate. Hindi ko alam kung ano pa ang mga mangyayari.

Ngayon, malinaw na sa akin. At nagpapasalamat na lang ako sa mga nangyari sa nakaraan dahil kung hindi dahil doon, hindi ako magiging masaya.

Pagkatapos maglinis ay naligo na ako at nagluto na rin ng makakain naming dalawa. Habang naghuhugas ng plato ay narinig ko ang pagtunog ng doorbell. Mabilis kong pinunasan ang kamay ko at pumunta sa pintuan para salubungin si Tyrone.

Pero napaatras ako nang makita ang isang pamilyar na babae sa harap ko.

Xena.

"Tyrone, I was--" natigilan din siya at nilingon ako. Kumunot ang kan'yang noo. "Oh. I didn't expect him to have a visitor. You are?"

Kinagat ko ang labi ko at siniyasat ang babae sa harap ko. Kulot ang buhok, makinis ang balat, mestiza, pero mataray ang itsura. Tama. Si Xena itong nasa harapan ko ngayon. Hindi ako pwedeng magkamali dahil isa siya sa mga babaeng sinumpa ko noon. Agad akong nakaramdam ng hiya dahil nakasuot siya ng skirt na umaabot hanggang sa kan'yang tuhod at kulay puti na top samantalang ako ay puting t-shirt at boxers ni Tyrone. Wala pa akong suot na underwear.

Natunganga ako. Hindi ko alam ang isasagot.

"Oh wait," nanlaki ang mga mata niya. "Yvette? Yvette Arteta?"

Muli akong natunganga. Kilala niya ako. Hindi ko alam ang dapat maramdaman. Hinanap ko ang galit sa sistema ko pero hindi ko magawa. Siguro, talagang nakalimot na ako. Siguro, talagang pinatawad ko na sila, dahil sa totoo lang, ang gusto ko na lang ngayon ay gumawa ng panibagong alaala.

"Ikaw nga! Oh my gosh! Nagkabalikan na ba kayo ni Tyrone?" Kuminang ang kan'yang mata. Nagulat ako sa tanong niya. Hindi iyon ang inaasahan ko. Ano ang alam niya?

Tumango ako.

"Wow! Congrats!" Ngumiti siya ng malaki "Anyway, and'yan ba siya?"

"W-Wala." Hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam ang magiging reaksyon sa kan'ya. We're not close, sa totoo lang ngayon pa lang kami nagkausap at nagulat pa rin akong andito siya sa harap ko. So all this time, naging magkaibigan sila? Anong nangyari sa kanila pagkatapos ng graduation? Bakit sila nag-break?

Ang dami kong tanong sa utak ko, pero pinilit kong itikom ang bibig ko.

"Gan'on ba. Alright. I better go, may pupuntahan pa 'ko, eh. Please just tell him I dropped by," she extended her arms at me "By the way, it was nice meeting you."

Inabot ko ito at nakipagkamayan sa kan'ya. Muli siyang ngumiti bago tumalikod at naglakad palayo. Huminga ako ng malalim. Hindi ko gusto ang naiisip ko. She's too beautiful.

Isinara ko ang pinto at bumalik sa kusina. Kinuha ko ang cellphone ko para i-text si Tyrone nang makita ko ang isang text message galing kay Viviene.

Ate, bukas ka na lang po umuwi! :D

Kumunot ang noo ko. Anong meron bukas? At bakit ayaw niya ako pauwiin ngayon? Sinilip ko ang kalendaryo ng phone ko at napansing January 28 na pala bukas. Napangiti ako. Makakasama ko si Tyrone sa pagsalubong ng birthday ko bukas.

IntoxicatedWo Geschichten leben. Entdecke jetzt