Masiglang bumangon ang dalagang si Danny ng umagang iyon. Wala naman talagang umagang hindi maganda para sa dalaga. Hindi siya yung tipong marunong magalit o mainis na tao ng matagal. She is just a happy go lucky type na kung may magawa kang hindi niya ikakatuwa ay dedma lang iyon sa kaniya.
Alas Siete na ng umaga at kailangan na niyang maghanda dahil may lakad pa siya kasama ang mga kababata niya.
Napagkasunduan kasi nilang manghuli ng isda sa Sapa na nasa paanan ng bundok Sinai, medyo malapit lang naman iyon, isang baranggay lang ang pagitan nila ng sapa.
Matapos ayusin ang pinagtulogan, naligo muna siya at nagbihis saka lumabas sa silid dala-dala ang paborito niyang sumbrero na bigay sa kanya ng Kuya Gelo niya.
Nasa bayan nakatira ang Kuya Gelo niya dahil narin sa trabaho nitong graveyard ang shift. Isa kasi itong call center agent at halos tatlong taon na ito sa trabaho.
Dalawa lang silang magkakapatid at talaga namang malapit sila sa isa't isa ng kuya niya. Ito pa nga mismo ang bumibili ng mga damit niyang puro panlalaki at kailanman hindi nito hinusgahan ang pananaw niya sa buhay.
Nakangiting pumasok siya sa kusina nila kung saan masayang nagkakape ang mga magulang niya habang nagbabasa ng news paper.
"Morning, Nay! Tay!" Malakas na bati niya sa mga ito.
"Sigla mo yata anak? San na naman ang tungo mo ngayon? Teka titimplahan muna kita ng kape mo" ani ng kanyang Nanay Emilia.
"Ako na Nay" pagpresenta niya.
"Dadaan si Caloy mamaya Nay. Pupuntan kami dun sa may sapa sa paanan ng bundok, manghuhuli kami ng isda"
Sanay na ang magulang niya sa mga lakwatsa nila ng mga kaibigan niya. Mahilig kasi silang mag-adventure sa gubat di tulad ng ibang college student na cellphone palagi ang kaharap at napakahilig sa social media o di kaya'y mga gimik sa bar ang inaatupag tulad ngayong bakasyon nila at walang pasok.
Well may cellphone at mga social media account naman siya ngunit ginagamit niya lang ang mga ito pag nasa boarding house niya siya na nasa bayan at kailangan niyang gamitin ito for school purposes pero kapag nasa bahay siya ay off limits ito.
Malayo kasi ang bahay nila sa bayan, dalawang oras din ang byahe at dahil maabotan siya ng gabi kapag uuwi pa siya sa kanila napagkasunduan ng mga magulang niya na mag boarding house nalang siya kasama ang Kuya Gelo niya at uuwi siya kapag walang pasok.
"Anak naman, bat di ka nalang manatili dito sa bahay? Meron naman tayong pambili ng isda" pagtutol ng Ina niya.
Nakasanayan na kasi nilang magkakaibigan na ang bonding ang maglakwatsya sa kagubatan at manguha ng kung ano-anong makakain.
Napabuntong hininga na umopo siya sa tapat ng mga magulang.
"Nay, hindi naman sa ayaw ko dito sa bahay at hindi ko alam na may pambili tayo ng isda. Ayaw ko lang talaga na walang magawa na makakatulong sa inyo lalo na't wala naman akong pasok. Saka iyong ibibili niyo ng isda itago niyo nalang yun para may pangemergency tayo at saka alam niyo namang bonding namin yun ng mga kaibigan ko"
Tumikhim ang Tatay Lino niya.
"Ang sabihin mo gusto mo lang kasama yang si Caloy" pasaring nito.
Hindi naman niya mapigilan ang paghagalpak ng tawa sa tinuran ng Ama. Sinaway naman siya ng Ina.
"Danniele! Kababae mong tao kung tumawa ka para kang lalaki. Umayos ka nga"
"Talaga namang lalaki yang anak mo. Nakulong nga lang sa katawan ng babae" sabat ng Tatay niya sabay tawa.
"Tumahimik ka Lino! Kinukusinti mo yang anak mo!"
Tinawanan lang ng ama ang ina.
"Nay, hayaan niyo nalang ho ako okay? Saka atleast wala akong inaapakan sa pagiging ganito ko. Saka Tay, wala akong gusto kay Caloy okay? Bading yun"
BINABASA MO ANG
Kapag tumibok ang Puso
RomanceDannielle Rose will never ask for more. Hindi siya ganun kayaman pero she can afford to buy and eat whatever she wants. She has a complete family, a peaceful place she called home and most of all she's innocently pretty. Pero hindi pa siya kailanman...
