Chapter 1 Alastaire Brody Vaughn

Start from the beginning
                                    

Ano kaya ang sasabihin niya..

"Sir, bakit niyo po ako pinatawag?" Diretsong tanong ko sa kanya


"Ms. Devera hindi na ako mag papaliguy liguy pa, gusto ko lang naman sabihin sa'yo na mababa yung performance mo sa evaluation mo at kapag nalaman ito ng superior natin pwede ka nila tanggalin anytime."


"Po? Bakit po? Ano po bang kulang ko Sir?"


"Binigay ko naman po ang best ko." Dugtong ko pa

"I know, pero iyan kasi yung evaluation mo. Pero----"


"Pero ano po Sir?"


"Pwede naman natin iyan gawan ng paraan Ms. Devera." Sabi ni Sir


"Paano po?" Tanong ko sa kanya.


Hindi ako pwede mawalan ng trabaho, paano na si Mama? Ako lang naman ang inaasahan niya. Jusko po paano na ito.


Biglang tumayo si Sir at dahan dahang siyang lumapit sa akin.


Ano kaya gagawin nito?


Nagulat ako ng bigla niyang hinawakan ang balikat ko at lumapit siya sa may bandang leeg ko at may binulong siya sa akin.


"Kaya kong gawan ng paraan yan basta ba pagbibigyan mo lang ako Ms. Devera." Sabay halik niya sa leeg ko


Anak ng Pucha naman!


Sa takot ko pumalag ako sa kanya at naitulak ko siya ng malakas.


"Bakit nagpapakipot ka pa alam ko naman na gusto mo naman yan." Sabay lapit niya ulit sakin.


This time mas lalo siyang naging mapangahas sa akin at muli niya akong hinawakan at hinalikan sa leeg.


Sobrang takot na takot ako sa ginagawa ni Sir.


Sinubukan kong pumalag pero mag lalo niyang hinihigpitan ang pagkaka kapit sa akin.


At muli akong pumalag sa kanya at sa pagkakataong ito nakawala ako sa kanyang pagkakayakap at naitulak ko siya palalayo sa akin pero sa pagkakatulak ko nahablot niya ng konti yung damit ko at bahagya itong nasira.


Kailangang lumaban ako sa manyak na 'to..


Sa sobrang galit ko sa ginawa niya nasampal ko siya ng malakas.


"ANG KAPAL NG MUKHA MONG MANYAK KA! DAPAT SAYO KINUKULONG." pagbabanta ko saknya at muli ko siyang sinugod para saktan siya.


Pinag susuntok ko siya at pinag sasampal kaya nakagawa kami ng ingay at doon na nag simulang pumunnta sa opisina yung iba pa naming mga kasamahan para awatin kami.


Nagtagumpay silang awatin kami at nagulat ako sa ginawa ni Sir.


"Hayop kang babae ka! Bigla mo akong sinugod at sinaktan ano bang ginawa ko sayo Ms. Devera." Pagsisinungaling niya at umarte na siya ang dehado.


"Napaka sinungaling mo! Muntik mo na akong pag samantalahan." Depensa ko sa kanya.


Nagulat ang lahat dahil sa sinabi ko sa kanya.


"Pwede bang huwag kang mag ilusyon bakit kita pagsasamantalahan? Eh ikaw nga tong unang umaakit sa akin."


Ano sabi nya? Ako pa ang nang-aakit?


Muli ko siyang sinugod at nakasuntok muli ako ng isa sa kanyang mukha at muli kaming inawat ng mga kasamahan ko.


"Joey, tama na." Awat nila sa akin.


Mr. Baddest and MeWhere stories live. Discover now