The Love Story of Fairy Godmother by Aubrey Paladan

Începe de la început
                                    

Sa tingin ng lahat ay magiging masaya pa rin ang katapusan kung matutupad ang plano niya. Dahil siya lang ang Fairy Godmother, hindi gaanong mahalaga ang papel niya sa kuwento. Walang nakaaalala sa kanya dahil kaya lang naman niyang gawing karwahe ang kalabasa, pero hindi niya kayang maging tao para sa prinsipeng gusto niya.

*****

Hinanap ng prinsipe ang babaeng nakasayaw niya gamit ang sapatos na naiwan nito hanggang sa mapunta siya sa bahay na tinutuluyan ni Cindy. Laking gulat niya nang makita na kasya sa paa ni Cindy ang nasabing sapatos.

Hindi man aminin ni Fairy Godmother, halatang hindi talaga siya masaya kahit na natupad pa ang kanyang plano. Alam niyang hindi rin naman tamang makaramdam ng inggit kay Cindy pero hindi niya talaga ito maiwasan. Nagtaka ang marami nang halos tatlumpung araw na ring hindi nagpapakita ang buwan. Tanging mga bituwin ang nagpapaliwanag sa gabi ng mga tao at lahat ay naguguluhan kung bakit ganoon ang nangyayari. Maliban kay Cindy na may kaunting hinala.

Isang gabi, tumingin si Cindy sa langit, sa parehong lugar kung saan niya unang nakita ang kanyang Fairy Godmother. Dalawang buwan na rin ang lumipas mula nang mapagkamalan ng Prinsipe na siya ang nakasayaw nito sa pagdiriwang. At sa darating na bukas ay magaganap na ang kanilang kasal.
Tumingala si Cindy sa langit at pumikit. “Bumaba ka naman. Kailangan kita ngayon.” Pero walang Fairy Godmother ang lumitaw dala ng nakasisilaw na liwanag. Walang mahika ang nagpakita.

“Alam mo namang gusto ko nang umalis sa puder ng aking madrasta kaya gusto ko ring pakasalan ang Prinsipe.” Ika ni Cindy na nakapikit pa rin habang nakatingala. “Pero alam ko naman na ikaw ang gusto niya. Tandang-tanda niya ang mukha mo, ang boses mo, lalo na ang mga kulay abo mong mga mata. Minsan pa lang kayong nagkita pero parang ang tagal na ninyong konektado sa isa’t isa.”

Lumakas ang hangin. Walang liwanag na nagpakita. Ngunit pagdilat ng mga mata ni Cindy, nakatayo na sa harap niya ang kanyang Fairy Godmother. Nakasuot pa rin ito ng magarbong damit na sumasayad sa lupa pero hindi katulad ng dati, hindi na ito nagliliwanag. Matamlay na rin ang mga abo nitong mata.

“Patawarin mo ako.” Naiiyak na sabi ni Cindy kay Fairy Godmother.
Ngumiti ang Fairy Godmother at niyakap ang umiiyak niyang kaibigan. “Para saan naman?”

“Para sa pang-aangkin ng dapat ay sa iyo.”

Ngumiti ng mapakla ang Fairy Godmother at kumalas sa pagkakayakap. Hinawakan niya si Cindy sa magkabila nitong balikat. “Wala kang ginawang mali.”

“Pero bakit hindi ka na nagpapakita tuwing gabi? Naguguluhan na ang mga tao.”

Tinanggal ni Fairy Godmother ang mga kamay niya mula sa balikat ni Cindy at yumuko. “Hindi ako makapanik sa langit.” Pag-amin niya. “Hindi ko alam kung bakit ito nangyayari pero nanghihina talaga ako at parang sasabog ang aking buong katawan sa tuwing sinusubukan kong bumalik sa itaas.” Bakas sa mukha ni Cindy ang pag-aalala. “Sana ay may maitulong ako.”

“Huwag ka nang mag-alala, Cindy.” Sabi naman ng Fairy Godmother. “Baka kailangan ko lang magpahinga.”

“Pero paano nga kung may maitulong talaga ako?” Ngumiti si Cindy. Matapos noon, lumabas mula sa dilim si Prinsipe Tristan, nakangiting nakatitig kay Fairy Godmother.

Hindi pa rin maintindihan ni Fairy Godmother kung bakit siya nagkaroon ng tumitibok na bagay sa kaniyang dibdib pero parang nadagdagan pa ito ng mga lumilipad na paruparo sa kanyang tiyan ngayon.

Nagbalik ang liwanag ni Fairy Godmother dahil hindi man niya aminin, sobra siyang nagagalak sa tuwing nasisilayan ang Prinsipe. Kaya nga may iba’t ibang mukha ang buwan ng mundo. Full moon ang nakikita ng tao kung malinaw na nasisilayan ni Fairy Godmother si Prinsipe Tristan. New moon o walang nakikitang buwan naman kung hindi nasisilayan ni Fairy Godmother ang Prinsipe.

“Marahil ay makababalik na ako sa itaas,” sabi ni Fairy Godmother. “Salamat sa inyong dalawa.”

Hindi pa rin niya maitago ang kalungkutan na iwan si Prinsipe Tristan kahit na nagbalik na ang kaniyang lakas. Pero nilabanan niya sa kagustuhang makasama ito at agad nang tumalikod upang maghanda sa pagbalik sa itaas.

Pumikit ang Fairy Godmother. Madiin. Kasabay ng kanyang pagpikit ang nagsipag-uunahang pagpatak ng mga luhang kanina pa niyang pinipigilan. “I was born to grant the wishes of others, not to grant mine.” Pag-uulit niya sa sarili. “I came here to make someone happy, not to be one.”

Handa na siyang umalis nang isang pamilyar na kamay ang muling humawak sa kanyang mga palad.  “So I am here to grant your wish, to make you happy.”

Nilingon niya ang nagsalitang Prinsipe na ngayon ay nakangiti sa kanya at nakahawak sa kanyang kamay nang mahigpit. “And to make you mine.”

Binigyan rin ni Cindy ng matamis na ngiti ang Fairy Godmother niya bago ito mabilis na umalis at bumalik sa kalangitan. Kasabay rin ng kanyang pag-alis ang muling pagbalik ng liwanag sa kalangitan. Dahil hawak-hawak ng Prinsipe ang kamay ni Fairy Godmother, nasama ito sa kanyang pag-alis kaya naging dahilan ito kung bakit sa tuwing titigan mo ang buwan ay maaninag mo ang animo’y isang mukha ng Prinsipe.



Get in touch with Aubrey Paladan! ❤
Facebook: Aubrey Francisco Paladan
Wattpad: aubreyfpaladan
Twitter: @aubreyfpaladan
Email Address: aubrey.paladan@gmail.com

Jahric Lago Presents: Sweet Fantasy (Published under TBC Publications)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum