Born in 80's

1 0 0
                                    

isinilang ng walang muwang, lumaki hanggang sa nagkaisip na walang magulang, namatay ang aking ina nang ako'y 4 na taong gulang, hindi maalala ang mga panahong ako'y akay-akay n'ya, hindi maalala ang mga yakap at halik n'ya, sa dahilang hindi naging maganda pagsasama nila ng aking ama, kaya ayun, sa kamag-anak ang bagsak, anu-ano pa nga ba ang mga  nangyari?, sa panahong ito bukod tanging istorya ko lang naaalala ko, paano naman ang sa mga kapatid ko?, ano nga ba nangyari sa kanila nung nag kahiwalay na kami?, ano kaya ang mga nasa isip nila sa mga panahong ito?

bago mamatay si nanay, nagbilin sya sa mga tita (kapatid ni nanay) na kunin kami at alagaang magkakasama, nauna nang nakuha nila si ate (sinundan ko), naiwan kami ni ate (panganay namin) sa pangangalaga ni mommy (tita namin na kapatid ng tatay) dahil ayaw ni mommy na bitawan kami at gusto nyang kami at alagaan, pero may mga anak na rin si mommy, pero sa kabila ng mga yun, inilagaan nya kami at itinuring anak, pinag-aral, pinakain, hanggang sa kinuha na rin si ate (panganay namin) nila tita (kapatid ng nanay), kaya ako na lang ang natira kina mommy, mababait ang mga pinsan ko, kasama ko sila sa mga panahong ako'y bata at wala pang alam sa mundo, masaya ako sa naibibigay ni mommy na hanggang ngayon ay ipinagpapasalamat ko.

nagkaroon ng bagong pamilya ang tatay, nagkaroon sya ng 3 anak, tindero ang hanap buhay nya, na kung iisipin natin sa mga panahon ngayon, makakabuhay nga ba ng pamilya ang isang tindero lamang?, umaasa sa suweldo na hindi pa umaabot ng limandaan (500 pesos) para sa limang kakain sa kanilang bahay sa tabi ng ilog. sabi nga nila mahina daw dumiskarte ang tatay, pero sakabila ng yun' mabait daw ang tatay, at sobrang bait daw talaga, at nakikita ko yun at napapatunayan hanggang ngayon.

hindi rin kasi naging maganda ang buhay nya (tatay), mahirap man ipaliwanag pero lumalabas na anak si tatay sa ibang babae (lola ko), at lumalabas na kapatid ng tatay ko si mommy sa ina, opo magkaiba ang lolo ko kay tatay at lolo ko kay mommy, gulo nho'?

dumating ang araw na gusto ko sa "poder" ng mga tita ko, sa kapatid ni nanay, kung saan nandun na sila ate, pero ayaw ni mommy na mawala sa kanya, pero pinilit ko, kasi sabi ko ayaw kona kina mommy, ewan ko, isip bata kasi, hindi ko pa nakikita ang mga mahalaga sa hindi mahalaga, basta nanaig sa akin na gusto kona kina tita, hanggang sa naisip ko ang mag-layas.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 27, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Ang Buhay KoWhere stories live. Discover now