one-shot

2 0 0
                                        

Isang sasakyan ang huminto sa harap ng isang napakagandang mansion, luma man itong tignan dahil sa disenyo nito patuloy parin itong pinangangalagaan ng mga nakatira dito. Lulan ng sasakyan ang isang matandang babae na nasa 50-anyos na kung titignan at isang batang babae at isang batang lalaki. Masaya silang sinalubong ni Aling Sylvia ang katiwala sa mansion, “Magandang umaga po senyora,” masayang bati nito. “Magandang umaga din ate Sylvia,” sagot naman nito, halos bumaliktad naman sa gulat ng parehas lumabas ang dalawang bata sa kotse na kumaripas ng takbo paloob ng bahay. Masaya silang tinitignan ng mga matatanda. Sumunod naman na pumasok ang senyora at si aling Sylvia, habang kinukuha naman ng apo nito at kanyang asawa ang mga gamit ng kanilang amo. “Masaya akong makabalik ditto, halos sampung taon din ng huling punta ko dito,” malungkot na sabi nito. Hindi na umimik ang katiwala dahil isa siya sa naging saksi sa halos ilang taon na paninilbihan sa mga Clandestine. Masaya sila noon bago pa mangyari ang isang napakalungkot na pangyayari sa kanilang pamilya. Pinagpatuloy na ng dalawa ang paglalakad at pumanhik sa ikalawang palapag ng mansion at dumeretso sa kaniyang kwarto. Binuksan naman ni aling Sylvia ang kurtina na tumatakip sa napakalaking bintana ng kwarto at bahagyang binuksan ang bintanang gawa sa salamin at kahoy ng nara. “Napakasarap ng hangin at napakaganda ng paligid,” sambit ng senyora habang nakatingin sa labas. “Senyora lalabas muna ako at maghahanda muna ako ng agahan niyo at ng mga bata.” Paalam ni aling Sylvia sa senyora.

Samantala ang mga bata naman ay masayang binuksan ang bawat kwarto sa mansion upang alamin ang mga nilalaman ng bawat kwarto. “Lorie look there’s one room left, right there,” sabi ng lalaking bata. Sila si Lorievelle at Xurielle Clar, ang unang kambal na apo ng mga Clandestine. Sila ay patuloy sa paglalakad hanggang nakapunta sa natitirang kwarto ng mansion. Napakaganda ng pinto nito isang Roman Architecture na may design ng dalawang roman god at may hawak na kopita, binuksan ng kambal ang pinto at bumungad sa kanila ang isang napakalaking painting ng dalawang tao na masayang nakatingin sa kalangitan. Malawak ang kwarto my isang king size na kama at isang lamesa at isang kabinet na puno ng libro. Tumalon ang dalawa sa kama at masayang humiga at pumikit habang ninanam-nam ang labot ng kama dahil sa mahabang byahe mula sa Estados Unidos papuntang Metro Manila at pauwi ng Nueva Ecija.

“Ate Sylvia asan ang mga bata,” sigaw ng senyora mula sa ikalawang palapag. Pero agad itong huminto sa pagsigaw ng nilagay ng katiwala sa kanyang labi ang hintuturo nito, na agad naman na naintindihan ng senyora na huwag siyang maingay. Dahan-dahan na lumakad ang dalawang matanda habang tinitignan ang dalawang batang mahimbing na natutulog sa kama. “Hayyyy!” buntong hininga ng dalawa. “Kamukhang-kamukha sila ng senyorito at senyorita kahit saan anggulo,” sabi ni katiwala habang abot-ngiti ang kanila mga labi. Bumaba na ang dalawa at pinagsaluhan ng mga ito ang mga pagkain na inihanda dahil ilan lamang sila at  nakasanayan na din nila na walang katulong at amo kung sila ay kakain at dapat sabay-sabay. Halos umalingaw-ngaw ang tawa ng matatanda habang nagkukwentuhan sa balkonahe habang kumakain ng nilagang kamote at umiinom ng malamig na katas ng orange. Hindi nila alam na nagising na pala ang kambal ang naghahalughog sa loob ng kwarto na kanilang tinulugan. Binuksan ng binata ang malaking bintana sa loob ng kwarto kung nasaan ang kambal habang natutulog ang mga ito. Siya si Marcel ang apo ng katiwala na nangangalaga sa mansion ng mga Clandestine dito muna ito naninirahan kasama ang lolo at lola niya dahil mas pinili niyang mag-aral sa Pilipinas kaysa sa ibang bansa kasama ang mga magulang niya. “Gising na pala kayo mga bata,” sabi nang binata sa kambal. Minasdan ng dalawa ang binata habang ito ay nakatayo sa pintuan, lagi kasing sinasabi sa kanila ng lolo at lola nila pati na din ng mga tito at tita nila na huwag kakausapin ang hindi nila kakilala, Ngunit, sa lagay nila ngayon ay mukhang hind naman ito gagawa ng masama na ikakakapahamak nila. Nagpatuloy silang maghalungkat ng gamit sa loob ng kwarto habang binabantayan sila ni Marcel. “Kuya Marcel pwede po ba pakikuha yung book na yun,” turo ni Lorie sa isang itim na libro mula sa taas na nakapukaw sa kanya ng pansin dahil sa palawit nitong bituwin. Agad naman kinuha ng binate ang libro at binigay sa bata. “A tale of thousands star,” sabi ni Lorie, ang balot nito ay tulad sa malaking painting na nakasabit sa ding-ding ng kwarto at sa pagbukas ng libro ay nahulog ang isang lumang litrato. Isang babae at isang lalaking magkayakap habang nakatingala sa langit, masaya ang dalawa sa litrato at makikita mo na tunay silang nagmamahalan. “Clar Stevenson at Lorie Luxielle Montenegro,” pagbabasa ng dalawang kambal sa mga pangalan na nakasulat sa likod ng litrato.

“Lola sino po sila Clar Stevenson at Lorie Luxielle Montenegro?” tanong ng kambal sa kanilang lola habang nasa kama at handa ng matulog. Hindi makapagsalita ang matanda sa tanong ng kanyang mga apo, pero alam niya sa pagdating ng araw malalaman din nila ang katotohanan sa kanilang pagkatao. “Sila ang inyong ama at ina, Lorie at Clar, hindi na magtatago ang lola niyo sa inyo kasi malalaman niyo din naman ito paglaki niyo, kaya habang maaga, sasabihin ko na sa inyo,” paluhang sabi ng matanda sa kanyang mga apo. Minasdan ng dalawa ang litrato na kanilang nakita, para silang nanalamin sa kanilang nakikita. Kamukha ni Lorie si Clar Stevenson at si Clar naman ay kamukha ni Lorie Luxielle. Madaling naintindihan ng dalawa ang lahat ng sinabi sa kanila ng kanilang lola at gusto nila malaman kung ano ba ang katauhan ng kanilang  mga magulang. Dala-dala ni Lorie ang librong kaninalang nakita sa kwarto at binigay ito sa kanyang lola. Natuwa naman ang matanda sa kanyang nakita ang kaisa-isang Diary na pinasadya ng kanya ng kanyang unica hija ng ito pa ay dalaga. Ang diary na ito ay gawa sa special na leather at pinintahan ito katulad ng painting na kanyang ginawa base sa unang litrato ng kanyang kasintahan. Tutol man silang dalawa wala ng nagawa sila ng pinagbubuntis ng kanilang unica hija ang kambal kaya tinanggap na lang nila ito at pinakasal upang maging legal ang kanilang pagsasama.

Binuksan ng matanda ang diary, at halos ng nasa loob nito ay isang nakakahangang pag-iibigan na sinubok ng panahon. Sinimulan ng matanda ang pagbabasa, “Masayang naglalaro ang dalawang bata sa kakahuyan sila si Clar Stevenson at Lorie Luxielle,” --------. Mula sa kilalang pamilya ang dalawa bata pa lang magkilala na sila at naging magkaibigan, dahil sa kanilang pagkakaibigan nagsumpaan ang dalawa ng walang iwanan at naging simbolo ng kanilang sumpaan ay ang dalawang bituwin na minsan nabili nila sa isang sanglaan malapit sa kanilang eskwelahan. Parehas silang hatid sundo ng kanilang magulang dahil bawal sa kanila ang mapagod dahil sa sakit nila. Siguro sa iba ito ay parusa pero sa dalawa ay isa itong swerte dahil kung hindi dahil sa sakit nila ay hindi sila magkikita sa hospital at magiging magkaibigan. Tumagal ang panahon at naging binate at dalaga ang dalawa, lumaki naman silang masigla dahil nga sa tutok sila pag-aalaga at gamutan nalabanan ang sakit nilang dalawa. Naging maluwag sa kanila ang magulang nila pero sa kadahilanang ang pagkakaibigan ng dalawa na humantong sa pagiging magkasintahan nalaman ito ng kanilang mga magulang at pilit na tinututulan dahil parehas ng napagkasundo ang dalawa. Pero dahil naging mapusok ang magkasintahan at hindi inaasahan na may nabuo sa kanilang kapusukan. Halos itago ng dalawa ang pagbubuntis ni Luxielle kasabwat ang kanilang mga kaibigan. Ngunit sa di inaasahang pangyayari ay nabuking ang kanilang tinatago. Muli kasing bumalik ang sakit ni Luxielle at dahil sa kanyang panghihina napilitan itakbo ito sa hospital.

“Maam nalaman po naming na bumalik muli ang sakit ng inyong anak at kaylangan po ng ibayong ingat lalo na po at may bata sa kanyang sinappupunan,” Halos mahimatay si Claire sa kanyang nalaman na muling bumalik ang sakit ang kanyang unica hija at ang mas kabigla-bigla ay dalawang buwang buntis na ito. Naawa siya sa kanyang anak dahil sa kalagayan nito sa loob ng kwarto nakahiga ito at mahimbing na natutulog at may nakakabit na dextrose at oxygen. Minu-minuto ang pagchecheck ng doctor at nurse kay Luxielle dahil sa bata na nasa sinapupunan nito. Dahil sa nalaman naman ng pamilya ni Clar pinadala muna nila ito sa Canada. Tutol ‘man ang binata ay pumayag ito para sa kapakanan nilang dalawa. Dahil sa pagka miss mg binate sa kanyang kasintahan nilulong niya ang sarili sa magdamagang pag-inom ng alak at pagsisigarilyo hanggang sa isang tawag ang natanggap ng mga magulang nito na si Clar ay nakaratay sa isang hospital. Halos mangiyak-ngiyak ang mag-asawa dahil sa nalaman nila, muli daw nanumbalik ang sakit nito dahil sa pagbagsak ng resistensya niya na dahil sa stress at pagpapabaya ng kalusugan nito.

“Mommy!, Daddy!, gusto ko na po umuwi ng Pilipinas, gusto ko na din makita ang mag-iina ko,” nagulat ang mag-asawa sa kanilang nalaman. Dahil wala naman sinabi sa kanila ang mga Clandestine na buntis pala ang unica hija nila at ang ama ay ang bunso nilang anak. Lulan ng private airplane ng mga Montenegro ay nakauwi si Clar ng Pilipinas at dumeretso kung saan naka confine si Luxielle. Halos parang kabayong tumakbo ang binata papunta sa kwarto ng kanyang kasintahan dahil dito halos ‘di magkamayaw ang magulang nito. Nabigla ang mag-asawang Clandestine sa pagbukas ng pinto at niluwa nito si Clar, magkayakap ang dalawa sa loob ng kwarto ninam-nam ang bawat sandali. Samantala, masayang nakatitig ang mag-asawang Clandestine at Montenegro sa dalawa, ngunit nahinto ito dahil kaylangan nilang mag-usap ng masinsinan. Dumeretso sila sa malapit na restaurant sa hospital at doon nag-usap tungkol sa kanilang anak at sa magiging anak ng mga ito, nung una ayaw pumayag ng kabilang partido at dahil sa kapakanan ng dalawa napagkasunduan na ipakasal nila si Clar at Luxielle para maging legal ang pagsasama ng magkasintahan.

Dalawang linggo ang nakalipas ng lumabas ng hospital ang magkasintahan at derechong umuwi sa ancestor house ng mga Clandestine sa Nueva Ecija. Masaya ang dalawa dahil ilang araw na lang ay ikakasal na sila, mabilis man, nagustuhan nila ang set-up at pag-aayos ng kanilang “Dream wedding.” Isa itong sikretong garden wedding dahil pili lang ang mga pupunta, ilang kamag-anak at piling kaibigan ang inimbitahan dahil bawal maexpose ang dalawa sa madaming tao dahil sa kanilang kalagayan. May naging aberya man habang ginaganap ang kasalan agad naman itong naagapan dahil kumpleto ang ginawang plano ng kanilang mga magulang. Masaya ang magkasintahan dahil legal na silang mag-asawa at nalaman din nila na kambal ang kanilang magiging anak. Habang nakaupo sila sa upuan malapit sa isang lawa at masayang nakatitig sa kalangitan, pasikreto silang kinuhaan ng litrato ng isa sa kanilang kaibigan at sabay pinadala sa kanilang chat group. Napuno ng asaran ang mga magkakaibigan dahil pwede na silang magpakuha ng litrato na magkasama dahil hindi na patago ang relasyon nila. Pinadala ng kaibigan nila ang litrato kasama pa ng ibang kuha sa kasal itinago ito ni Luxielle sa kanyang diary at habang wala silang medyong pinagkakaabalahan ay nagpinta si Luxielle bilang pampalipas oras niya. Dahil habang tumatagal ay bumibigat ang kanyang tiyan at nahihirapang maglakad. Nabuo niya ang kanyang pinipinta pagkatapos ng isang buwan ikaapat na kabuwanan ng kaniyang tiyan. Gabi-gabi tahimik na nagsusulat si Luxielle sa mga nangyayari sa kanila sa araw-araw dahil alam nila na baling araw ang diary na ito ang magiging ala-ala ng kanyang asawa at magbibigay impormasyon sa tungkol sa kanila para sa kanilang kambal. Habang tumatagal lumalala ang kalagayan ng dalawa, dahil sa kagustuhan nila na maligtas ang bata sa sinapupunan ni Luxielle, mas minabuti ng mag-asawa na huwag mag-undergo ng chemotherapy.

Tatlong katok ang narinig ng mag-asawa, oras na kasi upang uminom na sila ng bitamina na niresata sa kanila ng doctor. Masaya ang mag-asawa dahil ilang araw na lang ay lalabas na ang kambal nila kaya para maging normal delivery ang panganganak ni Luxielle tuwing umaga ay lumalabas sila upang sumagap ng hangin sa tabing lawa. Malinis, may ialng isda ang tumatalon, nag-gagandahang bulaklak at paru-paro, mga huni ng ibon ang makikita at maririnig mo sa lawa. Masayang nag-uusap ang dalawang mag-asawa dahil pagod na sila at umupo muna sila sa damuhan at nagkukwentuhan ng kanilang masasayang ala-ala. “Naalala mo nung una natin na pagkikita yung nagkabunguan tayo sa garden sa hospital dahil parehas tayong tumakas dahil boring sa loob ng hospital,” masayang sabi ni Clar. “Oo, naglaro pa tayo noon sa kakahuyan at pagkagising natin parehas tayong nakahiga na sa kama at puro sermon ang nakuha natin,” Marami pang-ala-ala ang pinagsaluhan ng dalawa habang nagkukwentuhan. Ilang oras ang tianagal nila sa ilalim ng puno at mahimbing na natutulog. Sa kabilang dako, kabado ang lahat dahil hindipa nakaka-uwi ang mag-asawa dahil ano mang oras ang itagal nila sa labas ay nakakasama sa kanilang kalusugan.

Naging normal delivery ang panganganak ni Luxielle, dahil kompleto naman ang pasilidad nila sa mansion, doon na muli silang binantayan. Pilit parin silang pinapapayag ng kanilang mga magulang na magchemotherapy na, pero ayaw parin ng mag-asawa total ang gatas na iniinom ng mga bata ay galing sa donation ng ilang mababait na ina sa kanilang organisasyon. Tumagal ang mga araw humihina na ang pangangatawan ng dalawa ngunit pilit parin nilang nilalabanan ito. Tuwing umaga naglalakad parin sila sa tabi ng lawa at masayang nagkukwentuhan, habang ang kanilang anak ay binabantayan ng kanilang yaya Sylvia. Isang maliit na Bangka ang kanilang nakita sa tabi ng lawa, maliit man ito kaya naman silang isakay na dalawa at pwede pa silang mahiga. Sumakay sila dito at sinagwan pagitna, napakaganda ng panahon, pilit nilang nilalanghap ang sariwang hangin at dinarama ang init ng araw na dumadampi sa kanilang katawan. Humiga ang dalawa sa Bangka dahil pagod na ang kanilang katawan at nanghihina na, tahimik silang nagtitigan at umiiyak. “Luxielle, I love you more than of my life, nung una palang kitang makita alam ko na nakatakda na tayong dalawa para sa isa’t isa, thank you for everything and for giving birth with our son and daughter, sila ang naging lakas ko upang lumaban na kahit sa huling sandal ng uhay ko masilayan ko muna sila bago ako mawala sa mundo,” sabi nito sabay halik sa asawa. “Clar, thank you and I love you also, for everything ginawa mo lahat para maging masaya ang buhay ko, kahit patago tayo noon gumagawa ka talaga ng paraan upang magkita tayo, napatunayan ko din na hindi hadlang sayo yung sakit natin upang ipaglaban kung ano ang meron tayo noon, dahil diyan eto Misis Montenegro na ako at may dalawang kambal na tayo na naging resulta ng tunay na pagmamahalan natin, sabi nga nila saksi ang ialng libong bituwin sa langit sa ating pagmamahalan, kaya thank you for everything, mawala man ako sa mundo dala ko ang ala-ala na ito.” Masayang sabi ni Lorie kay Clar sabay halik sa labi.

Nagmamadaling bumaba ng kotse ang magbalae para makita ang kanilang anak at mga apo, ngunit isang masamang balita ang sumalubong sa kanila. Tinakbo nila ang lawa kung saan natagpuang walang buhay ang mag-asawa, magkayakap at nakangiting natagpuan ng kanilang katiwala na si Marc ang dalawa. Siguro kung maaga lang silang dumating naabutan pa nila ang dalawa na buhay. Halos sumabay ang langit sa pagkawala ng dalawa, isang malakas na ulan ang bumagsak kasabay nito ang paglipad ng ilang ibon sa ibabaw ng lawa.  Binurol ang dalawa kung saan sila namalagi at binuhos ang natitira nilang buhay. Malungkot dahil yung masayang awra sa loob ng bahay ay napalitan n lungkot, yung ingay ng dalawa na laging naririnig habang kumakanta, biruan na nahahantong sa kulitan pati ang mga katiwala ay nasasama na din, lalo nung naisipan nilang lokohin ang mga magulang nila dahil nag flat line yung machine na sumusoporta sa kanilang paghinga noon. Halos mamatay sa kakatawa ang mag-asawa at sermon naman ang nakuha nila sa mga tao sa loob ng bahay. Dahil doon di na nila inulit muli at humingi na ng tawad sa lahat.

Tulog na ang kambal ng matapos ang pagbabasa ni Claire, napakapayapa ng mga itsura ng mga ito at tahimik niyang binaba ang diary ng anak sa side table malapit sa kanya. “Siguro kung buhay lang ang mama at papa niyo, masaya sila at naging bibo at katangi-tangi ang mga nak nila,” sabi nito habang kinukumutan ang kambal. Isang katok ang gumising sa kanya ng kinaumagahan. Si Clarrise pla ito kasama ang kanyang asawa na si Steve at Si Daryll ang kanyang asawa. Hinalikan muna nila ang kambal bago bumaba ng kwarto. Ngayon araw ang ika-anim na taon kung kalian namatay ang mga anak nila, nilibot nila ang paligid upang alalahanin ang bawat ala-ala na mayroon dito, “nakakamiss ang mga bata noh?” sabay na sabi nila Claire at Clarisse. Napakapayapa ng araw, dinig mo ang huni ng ibon at makikita mo ang mga bulaklak na nakapaligid sa lawa at mga paru-paro na lumilipad sa ibabaw ng mga ito. Umalis na sila sa lawa at bumalik na sa mansion, nagpahanda sila ng ilang putahe na hilig ipaluto ng kanilang mga anak. Pili lang ang mga bisita gaya ng dati dahil gusto nilang maging matahimik ang pag-gunita nila sa mga ala-ala ng mga anak nila.

“Hello, mga mommy at daddy at lalo sa mga anak namin na sila Lorievielle at Xurielle Clar, kumusta na kayo siguro napapanood niyo ang video na ginawa naming, sorry po sa inyo dahil hindi na naming kinaya ang lahat, nahihirapan na din kami sa sitwasyon naming, gusto naming kayanin na mabuhay ng matagal kaso baling araw uulit at uulit parin at mararamdaman parin naming ang sakit,” sabi ni Luxielle habang umiiyak at nakayakap sa asawa. “Hello po, Kumusta na kayo kinuha naming pala ito habang busy pa ang iba sa baba gusto naming na masolo ang panahon na nabubuhay pa kami ginawa naming ang video na ito, na kahit paano makilala kami ng mga anak naming pagdating ng panahon, sorry po sa lahat hindi naamin kinaya ang sakit naming gusto pa naming dugtungan ang buhay naming ngunit mas pinili na lang naming na wag ng magpa chemotherapy dahil ganun din ang resulta mawawala din kami, ayaw na naming kayong pahirapan gusto naming na maging maayos kayo kahit wala na kami, patawad po muli,” malungkot na sabi ni Clar sa video. Lahat sila ay umiiyak sa maikling video na ginawa ng maga-asawa, halos lahat ng ala-ala nila ay nanumbalik, dahil ang anak ay isa sa regalo ng diyos sa kanila, naging masaya sila ng isinilang ang bawat biyaya na binigay sa kanila. Ngunit hindi hawak natin ang panahon, siguro pinadala ang dalawa upang ayusin ang bawat isa sa kanilang pamilya na ipaalala na may mga bagay na dapat baguhin at isa-alang-alang para sa kapakanan ng pamilya.

A Tale of Thousands Star isang kwento ng pag-iibigan na hinamak ng panahon, ngunit sa bandang huli naging maganda ang buhay pag-ibig nila. Sa libo-libong bituwin sa kalangitan may iilan lang ang natatangi ang kinang, parang isang tagumpay na inaasam at isang pangarap na natupad. Sabi ng ilang matatanda na ang bituwin ang isa sa nagsisilbing ilaw sa dilim tulad ng buwan para silang anghel na nag-aawitan at nagsasayawan sa kumpas ng hangin. Masaya silang tignan sa gitna ng kapayapaan at ang tanging himig na mula sa iyong kaisipan ang dumuduyan sa iyong kalungkutan. Naging masaya ang pag-iibigan ng dalawang magkasintahan hindi naging pabigat sa kanila ang kanilang sakit, bagkus ginawa nila itong motivation para mabuhay alang-alang sa kanilang anak, sana sa panahon ngayon huwag sana kalimutan ng bawat kabataan na bawat kamalian ay may nakapatong na kaparusahan. Gamitin nila ang bawat kamalian na ito upang maging matiwasay ang kanilang buhay at hindi kamatayan ang kasagutan sa lahat.

-WAKAS-

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 26, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

A Tale of Thousand StarsStories to obsess over. Discover now