PCWY #1

10 0 0
                                        


Zella's Pov.

'Bat mo ba lagi mo lang akong tinutulungan?? Pasulpot-sulpot ka pa eh di naman kita kakilala, ka ano-ano ba kita??' Salita ni Zella

'Ikaw na nga tung tinutulungan aawayin mo pa ako. Di mo ba alam ang salitang Thank You?' Salita nung tao

'Kaya ngaaa bago po yan, gusto ko sanang malaman ang pangalan mo po, sino ba namang di mag-tha-thank you niligtas mo ako dahil muntik na akong mabangga ng sasakyan, mahulog sa bangin, mahuli nang magulang ko dahil may ginawa akong di maganda sakanila, at tsaka sa pagiging kaibigan ko, gusto ko lang maalala yung pangalan mo.' Pagpaliwanag nya

'Yan naman palang gusto mo ehh dami pang satsat' nang may pa-walang tunog sa huling salita

'Ha?! May sinabi ka?'

'Walaa sabi ko ang cute mo at gusto kitang halikan jan' at namula naman ang babae sa kanyang sinabi

'B-bola nanaman! Asa ka jan na mangyayari yon! S-sabihin mo na kasing pangalan mo?! Kung ano-ano na lang lumalabas!' Pag depensa ni Zella

'Nagmamadali naman tung babaeng to magkikita pa naman tayo papakasalan pa kita eh'

'Tahimik nga jan puro ka biro!'

'Sige na nga ako nga pala si-- Zellaaa!! Gumising ka na! Magtatanghali na ooh! Late ka na sa school! Zellaaa~~!" Sabat nang kanyang nanay

"Ma namana eeh ang lapit na nun!"

"Anong ang lapit?! Hoy ikawng bata ka kung ano-ano na lang iniisip mo tumayo ka na at makakain ka na!"

"Ano bayan ang lapit ko nang makuha nung pangalan mama naman kasi eh"

"Ha?! May sinabi ka?!"

"Wala maaa sabi ko maliligo na po" at pumunta nang banyo si Zella dala-dala ang twalya

*12 minutes later*

"Ma Pa alis na po ako! Bye kuya Wa!" Paalam ko sakanila

At sabay naman silang sumagot ng "ingat ka bunso!"

Habang naglalakad si Zella papuntang school gumana nanaman ang kanyang imahinasyon na gagawa nang story in-iimagine niya ang mga mangyayari sa story hanggang sa mapangisi na lamang siya agad at ang resulta nagmumukha na syang baliw sa daan, kaya nung napansin na niya ang mga tao na nagbubulungan umayos na sya sa paglalakad at napaisip

'Ano kayang magyayari ngayong may bago na akong pinapasukan??'

'Patay! Marami kayang mga bully?? Alam niyo naman sa henerasyon ngayon may mga college students na parang mga bata kung magisip at umatsa. Sana naman di nila ako mapagtripan huhuhu'

'Masarap kaya ang mga pagkain nila dun?? Ahh~ gusto ko na tuloy kumain'

Hanggang sa nakaabot na sya sa school gate, dumiretso siya sa Dean's Office at kumuha nang kanyang schedule.

"Hmm... Room G-308 Chemistry, saan ko naman kaya to hahanapin eh ang laki kaya nitong school nato pusta ko malalate talaga ako nito asar." Pagreklamo niya at nagsimula nang maghanap at magtanong.

*7 minutes later*

"Haay sa wakas nandito na rin! Ano ba tong school parang maze ang daming hallways school pa ba toh!" Pagmamaktol niya

Sumilip sya sa window nang pinto at mas kinabahan na naiinis dahil nag simula na ang klase. Nabasa niya kase sa student handout na kapag 1st week nang semester ay dapat hindi nalalate at pag natapos na ang 1st week ay pwede na malalate, kase dagdag daw nung grades pag hindi nalalate sa 1st week kaya ayun nga late si Zella.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 28, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Past Change With YouStories to obsess over. Discover now