𝗣𝗿𝗼𝗹𝗼𝗴𝘂𝗲

16 2 0
                                        

"Oh anak, saan ba ang date n'yo ni CJ?" sabi ng Nanay-nanayan ni Phoebe.

"Nay naman, hindi po kami magdedate."

"Ang ganda ganda mo ngayon anak, ang blooming mo, inlove ka na ba?"

"Nay para kayong sira, hindi ba pwedeng maganda lang talaga yung alaga nyo. Ahaha. Joke lang Nay, wait lang hah, aabangan ko lang po s'ya sa labas."

"Oh, eh di may kadate ka nga, talaga 'tong batang to."

"Nag-aya lang pong lumabas Nay." pasigaw na sabi ni Phoebe dahil malayo na sa kausap at papunta na sa gate.

Phoebe POV

Grabe, ang tagal naman ni J. Ang sabi n'ya susunduin n'ya 'ko ng 3pm, hanggang ngayon wala pa. Nakailang tawag na rin ako pero hindi n'ya sinasagot. Sa sobrang tagal, pinuntahan na ako ni Nanay sa labas.

"Oh anak, akala ko hindi ka na nagpaalam at umalis ka na, pero parang ang bilis mo naman yata kung lumabas kayo. Dalawang oras palang ang lumilipas ahh." si Nanay na tumingin sa relo.

"Nay, matutulog na po ako." malungkot na sabi ni Phoebe at pumasok na sa kwarto.

"Hah? Ala sais pa lang ah. Kumain ka muna Nak." si Nanay pero diretso pa rin sa kwarto ang kausap.

Wala akong gana sa lahat. Iyak lang ako ng iyak, hindi ko alam kung palabas lang ba lahat ng to. 7pm na ng naisip kong tumawag kay Manang.

"Manang, nandyan po ba si CJ?"

"Hija kanina pa umalis, ang dami ngang dalang gamit."

Nabitawan ko na lang cellphone ko nang hindi sinasadya. Nanghina ako sa narinig ko. Anong ibig sabihin non? Balak nya ba talagang iwan ako? Pinaasa nya lang ba ako? Hindi ko na alam. Gulung-gulo na 'ko.

-------------

CJ POV

Sa sobrang excited ko, 1hour before sa sinabi kong oras ako nagdrive para sunduin si Phoebe. Isusurprise ko kasi s'ya, gusto ko yung feeling na kami lang dalawa, balak ko sanang mag out of town kami. Para sa'kin, girlfriend ko na s'ya. Masama bang mag-assume? Hehe. Pero syempre igagalang ko pa rin kung anong magiging desisyon n'ya. Hindi ko inakalang mamahalin ko yung babaeng lagi kong kaaway noon.

Nababaliw na yata ako, napapangiti kasi ako habang naiisip s'ya. Nabawasan lang ang ngiting 'yon nang mapansin ko ang kanina pang sumusunod na sasakyan sa'kin. Maya-maya ay umover take na ito at tuluyang binilisan ang takbo. Bago pa man makalayo ay nakita ko ang isang babaeng hindi ko na inasahang makikita ko pa.

"Mommy?"

#LTWA_Prologue
(^o^)(^o^)(^o^)(^o^)

Pasensya na guys kung super late na hah. Naging busy lang at ang epic pa, nabura po yung first 15 chapters. Btw, welcome ulit sa inyo mga ka-diwata, at sa mga bagong readers dyan, sana magtagal din kayo. Mwaah! ❤️
PS: Pakibasa po muna yung Like Only A Woman Can. Hindi nyo po magegets ang nangyayari dito as well as the characters kung magsskip po kayo. Thanks. Mwahh! 😘

Love This Way Again Where stories live. Discover now