"Mels sagutin mo ako whats the problem !?? " sigaw niya rito.
Masyado na itong masekreto sa kanya. Di na ito nagshashare kagaya ng nakagawian nito pag may problema  itong kinahaharap. She can't take it anymore.

"Tristan is cheating on me" mahinang turan nito.

Akala niya siya   ang iiyak at magpapaalo  rito dahil sa lalaki. Ngayon baliktad ang nangyari.

Bilib  din siya kay Melissa.kahit paulit-ulit na nitong nahuli si Tristan na nagchecheat dito hindi pa rin nito hinihiwalayan ang lalaki. Pumapangalawa ito Kay Rona sa pagiging TANGA.

Ilang beses na niyang sinabi rito  na hiwalayan na ito. Ngunit hindi ito nakikinig.

Pero nasasaktan pa rin siya sa sinapit ng matalik niyang  kaibigan. Kasi alam niya ang pakiramdam ng niloloko. Nasaktan nga siya noong nagcheat sa kanya si Kevin yung ex niya bago naging sila ni Mike kahit di niya ito  mahal si Melissa pa kaya na mahal na mahal si Tristan.

Hinatid ni Gypsy si Melissa sa bahay nito. Kailangan niya itong samahan at ihatid para masigurong ligtas itong makauwi. Lalo pa t wala ito sa sarili at emosyunal.

DALAWANG linggo ng single si Gypsy ngunit wala pa rin siyang pamalit. Hindi siya sanay na walang karelasyon at naninibago siya. Ikaw ba naman wala nang manlilibre at maghahatid sundo sa kanya papunta school at mga lakad niya. Kahit pa may pera at may sasakyan naman siya.

May nagpapacute at nanlililigaw naman sa kanya. Pero mas naging mas choosy siya ngayon. Kasi kahit isa sa kanila wala siyang matipuhang boyfriend of the week.

Ganun na lang ang excitement niyang ibinalita sa kanya ni Melissa na bumalik na sa pilipinas ang kapatid nitong doktor na si Jed Ichari. Naging kaibigan at Childhood crush niya ito noon ngunit ng malaman niyang magdodoktor ito somewhat nadiscourage siya. Wala siyang problema sa mga doktor katunayan ito nga ang pangarap niyang marating balang araw. Ngunit Engineer ang gusto niya. And  she promise to herself na hindi siya papatol ng hindi engineer.

Inimbitahan siyang dumalo sa welcome party nito na nadadausin sa mismong ancestral house ng mga Ichari.

Sinundo siya ni Melissa dahil sinabi niya rito di siya pupunta kung di siya nito susundoin.

Maaga siyang sinundo nito mga 3 pm kahit 7 pa ang party.

" hoy ang aga pa yata para pumunta sa party" sabi niya Kay Melissa .

Inismiran lang siya nito.
"Sinabi ko bang sa party agad ang punta natin. "

"Eh saan paba yun lang naman ang usapan natin."

"Gyps paalala ko lang may pupuntahan tayong party. So dapat lang makapaghanda tayo ng susuotin especially you na single dapat maganda ka"

Hindi niya alam kong ano ang tumatakbo sa isip ng best friend niya.

" hindi ko na kailangan mag ayos pa ng bonggang bongga. Welcome party lang naman yun ng kuya mo"

Tinaasan siya nito ng kilay " wag mong nilang lang yung welcome party ni kuya. Besh hindi ordinaryong bisita ang mga bisita ni kuya young bachelors besh.   Spell young bachelors Y-O-U-N-G B-A-C-H-E-L-O-R-S. Baka makahanap ka don" natawa siya eh ano naman ngayon Kong young bachelors. For sure walang engineer doon. Lahat doktor. Eh ano pa bang circle of friends ng doktor eh doktor rin. That's out of her interest.

"Kahit pa young bachelors payan Kong di naman engineer thank you na lang"

"I know naisip mo lahat doktor ang dadalo. No. Your wrong. Kilala mo yong succesful engineer na si Clarence Tecson at Trent Ragoza mamemeet mo sila roon" pangungumbinsi nito sa kanya. Pero somewhat effective.

"Di ko sila kilala. Pero really engineer sila. Omg besh I want the best makeover"

_______________________________

Hook an EngineerDär berättelser lever. Upptäck nu