17 // Anything's a Wingman

Start from the beginning
                                    

Inilingan lang ako ni Tita. Lumabas na siya at nagmando ng mga taong doon naglilinis.

Bumalik sa pagkakaupo si Jerrick sa tabi ko tsaka siya malambing na bumati, "Hi."

I cleared my throat. Kinilabutan ako, parang need ko ng tubig.

"Nakatulog ka ba? Ang lalim ng eyebags mo," sabi niya sabay tawa.

"Ikaw din naman," I scoffed.

"Wala ah. Nasaan?" natatawa niyang hamon.

Edi tumingin ako sa kanya at pinanlakihan siya ng mata. Ang lalim din kaya ng eyebags niya... pero bagay sa kanya.

I don't know, it didn't make him look less attract—

"Ayan o, ayan..." sabi ko. Sinubukan kong pindutin ang eyebags niya pero hinuli niya lang ang hintuturo ko.

Natatawa niyang sinalubong ang mukha ko. "Where is it, Vie? Point at it."

Sinubukan ko ulit gamit ang kaliwa ko namang kamay, but he just caught it again. Ngayon ay hawak na niya ang pareho kong kamay.

"Where?" ulit niyang tanong.

Nangalo ang mata niya, parang nahawa pa ako. Kinagat niya ang labi niya at lalo akong—

"I'm cleaning! Don't interrupt me," naiinis kong sabi.

Ngiting ngiti siya nang makatayo ako. "This ain't even cleaning. Naglalagay ka lang ng gamit sa kahon."

I set one box aside with my foot. Ngayon ay isa na lang ang kulang. Dahil gusto naman niyang tumulong, siya na lang doon!

"It's still called cleaning." Sarkastiko akong ngumiti.

Saktong maglilinis na ako ng entrance door ng Mostaccio ay dumating si Pol galing backdoor. I clapped my hands to get his attention.

"Dito daw tayo, Pol!" Itinuro-turo ko pa ang lilinisan namin.

Tumango siya sa akin. Nilapitan niya ang isang crew para itanong kung nasaan ang gagamitin naming panlinis.

Thinking about it, pati si Pol ay idinadamay ni Tita rito. His family is well-off, too, that I don't think he cleans at home. But he's technically Tita Lar's son, so he's got no choice. Hindi rin naman siya umaangal kaya tuwang tuwa sa kanya si Tita.

"Just in one direction?" paguulit ni Pol sa sinasabi sa kanya ng crew. "Okay, sige po. Salamat."

Kumuha ako ng upuan para maabot ang pinakataas na parte ng pinto. Pagkalapit ni Pol ay ibinigay niya sa akin ang cleaning solution at ang pamunas.

"Do you want to exchange? Mas madali itong squeegee, ako na ang magpupunas ng solution," alok ni Pol.

"Ih, hindi na." Nagsimula na ako.

Inuna ko ang itaas na parte. Dahil inaabot ko iyon ay nababasa nang kaunti ang braso ko sa tumutulong solution.

Habang nagpupunas ako ay may naisip ako.

"Uy Pol!" I called excitedly. Napapikit pa siya dahil may konting tumalsik na bula sa mukha niya. Nahihiya akong ngumiti. "Oops, sorry."

Something That Will LastWhere stories live. Discover now