Gulo

13 1 0
                                        

Sa bawat sakit,
Sa bawat pait,
May iniiwang hinanakit,
May pag-ibig na ipinagkait.

Naniwala sayong mga labi,
Nagtiwala sayong mga gawi.
Bakit pangako ay biglang nabali?
Bakit kilos di tugma sa sinabi?

Nagmahal ng tapat,
Nagmahal ngunit di yata sapat.
Ako ba sa gusto mo'y di lapat?
Ako ba sayo'y di karapatdapat?

Ano bang dapat na gawin?
Ano bang dapat na isipin?
Kasagutan ay sabihin.
Kaguluhan ay pawiin.

Sakit ba'y may patutunguhan?
Luha ba'y may kahihinatnan?
Isip ko'y nagulumihanan.
Puso ko'y nais malinawan.

Free FallWhere stories live. Discover now