Chapter 5: Make Me Fall?

Mulai dari awal
                                    

Isa lang naman siyang lakaking walang magawa sa buhay at ako napagdiskitahan.

Pero akala ba niya nakakalimutan ko na yong pangarap kong makapasok sa banda pero 'di yon natupad dahil sa fvcking red wine niya?

Pero parang di niya naman ako naalala, sigurado naman ako na siya yon eh, mukha niya palang atsaka sa kutis niyang pang labanos.

"Nagsalita ang mga hindi playboy." natatawa kong sambit dahil si Vince ang seryoso talaga, si Geo naman tumatawa na rin. Napansin niya yatang parang naiirita na din ako kahit na patawa tawa ako.

Ayoko talaga ng ganito 'yong usapan eh, may nanliligaw sa'kin, 'di ko alam kung dahil lang ba sa kamukha ko si Britanica o ano.

'Di ako nagpapaligaw, kaya walang naglalakas loob uli na ligawan ako dahil baka mabugbog ko lang sila!

"Yeah, we are a womanizer and the whole campus are aware about that but of course we know the meaning of love unlike that Exton. The only thing he knows is to make girls cry." seryosong sagot ni Vince.

I don't know what's happening to my friends, really.

"Pano pala kapag love at first sight diba?Nung first day palang kasi niyaya ka na ng dinner, ang ganda mo talaga Vienna, nasaan pala kapatid mo?" ayos ng segway niya ron ah, halata sa excitement na sambit ni Blake.

And yeah, here we go again, talking about my twin.

"Tigilan niyo nga ako, para namang magugustuhan ko yang tukmol na 'yan. Me? No way! Atsaka ikaw Blake tigilan mo nga kapatid ko, di ko 'yon ipapaligaw sa 'yo." singhal ko kaya naman sinimangutan nya ako.

"Ano? Eto naman di na kita tatawaging 'Vienna' basta liligawan ko pa rin si Britanica my loves." inakbayan niya ako saka ngumiti ng nakalapad.

"Hoy wag kang aaligid aligid sa kapatid ko, at ano yang 'Britanica my loves' na yan? Hindi mo maloloko 'yon, dahil hindi mo naman 'yon maliligawan." inalis ko ang braso nya sa balikat ko atsaka mabilis na umurong papalayo sa kaniya.

"Ate Vienna naman..." pangungulit nya sa 'kin with matching kalabit pa.

Aish ewan ko ba, napaka isip bata ang pota.

"Dugyot!" sigaw ko sa kanya.

"'Di na kita isusupport kay Exton." tumalim ang tingin ko sa kaniya, saka siya inirapan.

Di ba nila ako titigilan sa Exton na 'yan?Ang tahimik ng buhay ko pero simula nang dumating 'yan wala na, nabubully na ako ng mga kaibigan kong bisugo.

Bwiset!

"Tangina mo! Mas lalong GROSS! Bibili lang ako." sigaw ko ulit sa kanya kaya naman nagtawanan silang tatlo.

Tatayo na sana ako nang hawakan ni Vince ang braso ko. Tumingin ako sa kaniya pero parang may gusto siyang sabihin pero he can't spill it out.

"Why?" tanong ko sakaniya, ang weird kasi hindi siya nagsalita. Nakakatitig lang siya sa 'kin.

"Samahan na kita," 'di niya pa rin inaalis ang tingin niya sa 'kin.

Kumunot ang noo ko. Nyare?

Dating the Boyish ✓Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang