Grace's PoV
PUMASOK ako sa kwarto dala dala ang pang skin care routine ko. Dumaan muna ko sa picture ng namayapa kong lolo at lola.
"Hi lolo, hi lola. Medyo boring po yung araw ko ngayon hihihihi. Miss na po kayo ni mama." Nakangiting sambit ko.
Inilabas ko ang aking diary at ballpen at sinimulang sulatan ang unang pahina.
Dear Diary,
Diaarryy! Na miss kitaaa. Nakalimutan pala kitang i update tungkol sa buhay ko ngayon. Hmm. Senior High na ko diary at first time akong ienroll ni mama sa private na eskwelahan. Sa ngayon diary wala pa naman akong gaanong ka close. Alam mo naman na mahiyain ako at ayaw ko ng ako ang unang nag a approach e. May seating arrangement kami diary at mabait naman yung mga katabi ko... Yun nga lang...
"Tallaraaa? Kilala mo ba yung naka upo dito sa may kanan na part ko? Tuwing papasok nalang kasi ako wala sya e. Wala tuloy akong maka chikahan." Nagtatakang tanong ko.
"Naku sisteeerr! Hindi ko din alam e. Tulungan mo nalang akong mag solve dito. Daliii." Sagot niya.
Naisip ko na hindi kaya yung nasa one seat apart na upuan yung katabi ko talaga? E bakit naman ayaw nya akong tabihan? Hooyy! Mabango naman ako kahit papano. Hmp. Baka naman absent lang talaga palagi yung katabi ko. Hayaan na ngaaaa.
Diarryyyy. Kilala mo ba kung sino yung dapat na katabi kooo? Daya naman kasi. Bakit ayaw nyang pumasok? Wala tuloy akong kaibigan at ka chikahan.
Lumipas ang mga araw ay ganoon parin ang nangyayari diary. Uupo ako sa pinakalikod katabi si Tallara at yung bakanteng upuan ay pinaglagyan ko na lang ng aking bag. Hindi na siguro darating yon.
Nagkaroon na din pala ko ng kaibigan diary! Si Cristina. Ang dal dal nya. Super. Andami naming topics at palagi kaming nam babash ng mga kaklase na hindi namin nagugustuhan. Isa na doon si Nayomie.
Ganto kasi yon diaryyy...
Walang sawang daan ng daan si Nayomie sa harap ng row namin nila Cristina. More rampa more fun ba sisteerr? Bwisit na 're. Humarap saakin si Tina at sinabing.
"Putek naman na yan daan ng daan. Ano kayang tingin nya sa harapan natin? Luneta park? Catwalk lang beh?"
Narinig pala ito ni Nayomie at inis na humarap sa amin.
"Edi wag kayong tumingin!" Asar na sabi niya.
Diary, Ewan ko haaa? Mainit talaga pareho yung dugo namin sa gurlalo na yun e. Kainis.
Math time na at nandoon na naman kami sa seating arrangement namin. Napatingin ako doon sa lalaking ka one seat apart ako at dahil hindi naman sya nakatingin. Libre akong titigan sya. Hmm. Ano nga ulit yung pangalan nito? Rue--
Rue rue? Ruru Madrid? Charot!
Pasimple akong tumingin sa listahan ni Tallara ng mga pangalan namin at nakita ko naman kaagad ang pangalan nya.
Villaceran, Ruelle Khalil
Hmm. Napaka unique naman nito! Pwede nang pangalan sa wattpad. Hihihihihi
Tumingin nanaman ako sa kanya. Napansin ko na pasimple syang nag se cellphone. Bakit kaya hindi sya nag le lecture? 'To talagang mga taga private school na 'to! Nasanay siguro sila ng may nagsusulat para sa kanila? Tsh.
Ano ba yung ginagawa nya?
Pasimple akong tumayo at nagpanggap na pupunta ng CR.
Medyo malabo yung mata ko pero naaninaw ko naman yung green na logo ng Spotify at itim na background nito.
Ohhh. So yun pala yung pinagkakaabalahanan nya. Nakikinig pala sya. Ano kayang genre yung pinapakinggan nya? Mahilig din kaya sya sa Disney?
E bakit ko ba sya iniisip? Care ko naman? Makapag lecture na nga lang.
Yun diary yan na ang ganap sa buhay ko ngayon. Sasabihan kita pag nagka jowa na ko dito sa bago kong school ha? Hihihihi. Jookkee papaluin ako ni mama. Sige na diary tinata---
"Graccceee! Hindi ka ba talaga bababa riyan? Hugasan mo na yung mga pinggan aba hindi ka señorita dito!" Bulyaw ni mama sakin.
"Opooo! Pababa naaa."
Bye diaryyyy!
•---•---•---•
Khalil's PoV
Bagong araw nanaman pero gaya lang ng dati... Saya sa eskwelahan, pag dating sa bahay kalungkutan... Siguro kagaya ako ng ibang kabataan ngayon... Sa laro dinadaan, laro ang takas sa katotohanang masakit... Bat ako ganto...? Ewan ko ba, hihihi. Madaming nangyari sa akin noon na hindi ko ikinatutuwa at pinagmamalaki... Pag pasok, wala naman akong iniintindi masyado, tahimik lang as usual kasi nga wala pang kilala at shy type naman din ako. Una kong nakilala sila Ai at So, pero hindi narin kami nagpansinan noong nalipat yung mga taga Hagonoy sa maaaga ang uwian, ako kasi e sa... Secreeet! Hindi pa nila alam na mahina ako sa Math... Idaan nalang natin sa pagpapatawaaa! Slow kasi ako mag isip pag dating sa math... Well... Sino ba hindiii? Basic lang dapat 'to kung nakinig ako noong grade 10 eee! E puro nga pala saya inuna ko doon eee... Anywaysss! Si Ma'am nag ayos ng upuan sa room asa dulo pa akooo! Pero ayos lang, hindi naman malabo mata ko e... Tsaka apaka laki kooo! May babae dito sa dulo... Laki naman ng espasyo sa kanan, hahayaan ko nalang na may pagitan sa amin... Medyo mukhang masungit din e... Matalino daw 'to...? Mukha ngaaa! Alam na alam yung sagot, ako nag iisip lang kung ano masarap na Flavor ng juice... (Mga bata, wag kayong magvevape ha? Pantakas yun sa mga naninigarilyo, hindi yun cool!)
Sa SMA kasi, umaasa lang kaming mga mababang uri... Hihihi, sa mga matatalino at masipag, taga sunod lang kami. And dito ang top 1 at top 2 namin ay magtropa, para silang Yin and Yang, yung Isa mabait sa kapwa nyang matalino at yung Isa hindi mamamansin pag hindi matalino... Wala din naman akong pake e hihihi, bukod sa hindi ako matalino, wala din akong interes na kausapin sila... Anyways, kaya ko nakuha yung impression na lahat ng matatalino'y masungit... O medyo mayabang... Kaya hindi ko tinatabihan yung babae dine... Magmumukha ako lalong dim-witted... Sa Tropa ko, lahat sila'y basagulero... Bukod sa isa... Si He, sasama sa suntukan, hindi alam kung anong gulo ang meroonnn? Mukha syang batak pero mukha ding dim-witted gaya ko... Hihihi... Halos lahat nga pala dito ay paling paling ang English... Parang bisaya kung magsalita, yung iba naman ay putol putol o kulang kulang... Meroon din kaming teacher na parang religion ang tinuturo, wala naman kaming ginawa kundi lokohin sya... Hi, ma'am kung makakarating sa'yo 'to!
Nakagroup ko nga pala si Grace...? Tama! "Grace" nakagroup ko sya sa English parang team chuchuuu? Malabo nga mata... Naniningkit pag titingin sa board e... Hadali na kaming lahat doon sa pagsasagot... Napansin kong, medyo maganda sulat neto ha...? Sa kalagitnaan ng paghahadali, nagka-oras akong sabihin na "Ganda pala ng sulat mo ah?" Pero walang reaksyon... Maganda rin naman sya... Medyo... Wala, walaaa! Back to negative thoughts muna ako...
CZYTASZ
Dream Of Us
RomansHiii! I hope you stay tuned at every afternoon for more chapters to comeee! We're all bored... We all have nothing to do in this quarantine... So just read and we'll provide you with our heart warming storyyy! 😘
