"Hindi ah, of course I will do that with you! Kanina pa ba?" Aniya kaya nangiti na lang ako. Ipinagpatuloy ko ang ginagawa habang siya naman ay taimtim lang na nagmaneho.

Isaiah was obviously in rush to find a place to eat because I keep on nagging him that I am hungry. It was a long road at habang kinukulit ko siya na nagugutom na ako ay mas bumibilis ang kanyang pagpapatakbo, but instead of getting irritated or mad at me because I was acting like a kid, he just giggled and nodded. He is calm and patient, kung ako siguro ang kinukulit ay baka sinabi kong bumaba na lang siya.

"Ah, here..." Tumingin ako sa labas at nakita ko nga ang isang terminal ng bus. Kapag mahaba ang byahe ng isang bus, kadalasang humihinto dito upang kumain ang mga pasahero pati na rin ang driver at konduktor. Buti na lang, at may nahanap na siya. "Ayos na po ba?" Aniya, natawa lang ako at itinaas ang kamay.

"Tenth fist bump," Sambit ko nang magtama ang aming kamao. Lumabas na ako habanh dala ang aking purse, dahil obviously ako lang naman ang may cash dito. Rich kid problem!

Lumabas na rin ito at tumuloy na kami sa loob ng kainan. Pumila kaming dalawa dahil medyo may karamihan ang tao na manananghalian din. "Wala kang cash, paano na lang kapag sumakay ka ng bus papunta sa kung saan? Pwede ba ang credit card?" Bulong ko, natawa ito at ginulo pa ang aking buhok.

"Uso naman ang withdraw, Paige." Napairap ako dahil na-backfire sa akin ang dapat na pangbabara ko sa kanya.

Nang makarating kami sa tapat ng nagtitinda ay namili na ako, pusit ang in-order ko dahil para bang hinahanap ng aking dila ang lasa ng seafoods. Siya naman ay pinili ang grilled chicken, tag-isang order kami ng kanin at parehas lang na nag-pineapple juice. Nang mabayaran ko iyon at maiabot sa amin ang mga order ay naupo na kami sa isang table na may dalawang upuan.

"Favorite mo?" Tanong niya at nginuso ang ulam na napili ko, agad naman akong umiling.

"Gusto ko lang kumain, I'm craving for seafoods. Gusto ko ng crabs, tapos iyong malalaking hipon. What a dream..." Ani ko at kinuha na ang kutsara at tinidor, narinig ko naman ang kanyang pagtawa kaya napakunot ako. "Bakit? Hindi ako maka-request ng ganoon sa bahay, may allergy si Daddy." Ani ko pa.

"Hmm, really? Then shall we have a seafood date later in La Union?

Napatingin ako sa kanya nang itanong niya 'yon, nakatingin lang din siya sa akin at hinihintay ang aking isasagot. Hindi ko alam ang aking mararamdaman, dapat ba akong matuwa dahil inaya niya ako ng date? O dapat akong kabahan dahil hindi ko alam kung paano kumain ng nakakamay? I mean, kaya kong sumubo kung seafoods katulad ng crabs. Pero kung kanin? Maglalamira lang ako! Nakakahiya, first date ko iyon!

"Ah..." Nag-iwas ako at tinikman ang ulam, sumubo rin ako ng kanin at tumango tango pa. "Masarap ang pusit..." I heard his giggles, napatingin ako sa kanya at marahan niyang hinipo pa ang aking ulo.

"Ah, rejection..." Bulong pa nito at sumubo rin, nagkunyari na lang akong walang narinig at ipinagpatuloy ang pag-kain.

I think it took us twenty minutes to finish our food, ramdam ko ang tuwa ng aking kalamnan dahil doon! Hindi ko na rin binanggit ang salitang seafoods, dahil maalala niya na naman ang seafood date. Pag-iisipan ko pa, okay? Kung mataas ang confidence ko na maging dugyot sa harap niya, edi pumayag na sana ako!

We went inside the Volkswagen once again, we drove our way to Vigan City. Hindi iyon ang unang libot ko doon, hindi naman ako masyadong inosente sa bansang Pilipinas! Pero ramdam ko rin ang pagkasabik, tinignan ko ang aking kasama mula sa gilid ng aking mata, mukha namang maganda pa rin ang kanyang mood kahit na hindi ko nasagot ang sinabi niya kanina.

It was an hour of drive, I didn't get bored inside the bus because who would be? Kung may kasama kang sobrang haba ng pasensya at ang ganda pa ngumiti, baka nga gustuhin mo pa ritong tumira!

Your Melancholy Calls To MeWhere stories live. Discover now