Paalala: ang istoryang ito ay pawang likha lamang ng aking imahinasyon kaya wag na itry alam naman natin gusto nyo rin ng watty life hehe💜💜
-----
Prologue
Vie's POV
INAANTOK na talaga ako pero gusto ko parin tapusin tong story na binabasa ko, papikit pikit na rin ang nata ko at naalala ko rin na ilang gabi na rin akong halos walang tulog, sa madaling salita panay pagpupuyat. Sobrang nakakakilig naman kasi tong 'The Four bad boys and me' kaya gusto ko talagang tapusin to... Pero parang.. parang di ko na ata talaga kayang pigilin tong antok ko...ZzZzzzzZ
****
HUH?-huh? Bat ganto? Bat puti paligid ko? Di ko naman kwarto to ha! Luh noh 'to? Dextrose? Ano nangyari sakin? "Anak! Vie! Jusko salamat naman at gising ka na!" Sabay yakap saki ni mama. "Po? Anyare ma? Bat naka dextrose ako?" Tiningnan ako ni mama habang nag pupunas ng luha, "Anak naman 2 linggo ka nang natutulog! Pinag-alala mo ako! Sabi ng doktor dahil sa sobrang kulang ka daw sa tulog nag-shut down ang utak mo para mag pahinga! Hindi na mauulit to! Bawal ka na mag-wattpad intiendes!" Sigaw ni mama sakin. Gusto ko sana umangal kaya lang baa atakihin si mama sa puso kaya nanahimik nalang ako.
Kinabukasan ay naka uwi na kami ni mama. Mahirap dahil pinagbawalan ako ni mama pero ank ba magagawa ko mahina ako sa tukso! Kaya tumatakas ako! Ilang linggo na din ang naka lipas at dating gawi padin ako, panay wattpad at puyat. Kasalukuyan akong nag babasa ng HIH ng makaramdam ako ng matinding antok. Kaya dahan dahan akong napapikit, at di inaasahan na magigising sa di inaasahang lugar. Praiso?
PANAGINIP BA ITO?
