"Chasing Second Chances"
Copyright © IAmDaydreamerEloise, 2020
All Rights Reserved.
Author's Note:
This is a work of fiction. Names, characters, places and incidents either are product of the author's imagination or are used fictitiously, and any resemblance to actual persons---living or dead, events, or locales is entirely coincidental.
***
It's a sunny afternoon. Pebrerong-Pebrero pero napakainit na ng panahon. Tagaktak ng pawis ang buong likod ko maging ang noo ko. Pero hindi ko iyon ininda. Mas iniinda ko yung sakit dito...napatutop ako sa dibdib ko, sa may tapat ng puso.
Nakasukbit sa kaliwang balikat ko yung isang strap ng bag ko. Hindi ko tinapos yung isang klase ko kahit pa may usap-usapan na magpapa-quiz daw yung instructor namin. Hindi rin naman ako maka-focus kaya walang silbi na mag-stay pa ako doon.
Nagkalat ang mga pulang puso na ginawang dekorasyon sa mga bulletin board. Isang linggo na lang at araw na naman ng mga puso. Pero heto ako, nagbabalak na magtirik ng kandilang itim dahil sa ikalawang pagkakataon ay brokenhearted ako. Sa iisang tao.
Habang pinag-iisipan ko kung saan talaga ako tutungo, dumaloy sa isipan ko yung mga nangyari nitong nakaraang buwan na tila ba kasing-linaw ng tubig sa batis. Yung dahilan kung bakit mugto yung mga mata ko sa bawat gabi...kung bakit unti-unting bumagbagsak yung scores ko sa term exams...kung bakit halos wala akong ganang pumasok...kung bakit ako nasasaktan kahit alam kong wala naman na akong karapatan.
Ako si Fria Falizza Santa Cruz at ito ang aking kwento.
***
December 2017
Kinakabahan ako pero hindi pwedeng ngayon pa ako umatras. Nasa loob na ako ng club. Katakut-takot na interview pa ang tinamo ko sa guard dahil mukha daw akong underage. Mabuti na lang at dala ko ang purse ko na naglalaman ng tatlong IDs ko dahil dalawa ang ni-require niya sa akin.
I'm already 21 years old for the record. And a graduating chemical engineer for that matter.
"Fria!"
Sa kabila ng makabulabog-kaluluwa na lakas ng maharot na musika ay narinig ko ang pagtawag na iyon ng kaibigan ko na si Kaira. Mabilis ko siyang nahanap sa gitna ng nagkakagulong manananayaw.
"He's here," sambit ni Kaira nang makalapit ako ng husto sa kanya.
"Dapat lang. This is our night," ganti ko sa malakas na boses para magkarinigan kami.
"Siguraduhin mo lang. Kanina pa ako naiirita sa malanding higad na lagi nang nakapulupot sa kanya." Umirap siya sa isang bahagi ng club.
Sinundan ko ng tingin yung dakong inirapan niya. Sa second floor ng club, sa may railings, nakatanaw ang taong sadya ko na may kabuntot na babaeng tadtad ng blush on ang mukha.
"Beshie, iyang mukha mo, parang kakain ka ng tao," tukso sa akin ni Kaira nang marahil ay mapansin na nagdidilim na ang anyo ko habang nakaangat ang tingin ko sa dalawang tao na yon sa second floor.
"Nag-iinit ako, beshie. Pigilan mo ako, baka makakain ako ng higad nang wala sa oras."
Napahalakhak lang siya.
Hindi ko pa rin inaalis ang tingin ko sa dalawang tao na iyon. My eyes, fiery with anger, were as if glued to them. Hanggang sa tila ba sa isang slow motion ay dahan-dahang pumaling ang mukha ng lalaki sa direksyon ko.
At nagtama ang mga tingin namin.
He looked shocked, or more appropriately, astounded. But only for a moment. Kaagad siyang nag-iwas ng tingin.
YOU ARE READING
Chasing Second Chances (ONE SHOT)
RomanceHindi ganoon kadaling paibigin muli ang taong sinaktan mo dati. Pero ang wika nga ng marami, kung kayo, eh, di kayo. Kung hindi, di hindi. Kaya nga naimbento ang salitang "move on" para matuto kang iwan ang nakaraan at tumuntong sa bagong bukas. Per...
