Isang dalagitang makakaranas ng kakaibang pangyayari sa kanyang buhay ang kasalukuyang naninihirahan sa Earth. Siya si Diyanna Leurelynn Hooper. Sa paghahanap niya sa kanyang ina ay makakatuklas siya ng kakaibang mundo na tinatawag na Kepler 452-B o...
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Earth Philippines 2092
Malakas ang hampas ng hangin na sinasabayan ng pagsayaw ng mga punong nagbabadyang mabuwal at walang tigil na pagbuhos ng ulan. Paniguradong may bagyo. Hindi na naman ako nakapanood ng balita. Nawalan kasi ng kuryente. Minamalas nga naman. Napatitig ako sa bintanang dinadaluyan ng tubig-ulan na unti-unti nang lumalabo dahil sa pagkabasa nito. Nakakamiss din pala ang panahong nakakapagtampisaw pa ako at hindi pa namumulat sa patakaran ng mundo. Tanging alam ko lamang noon na masayang humiga sa madamong lupain, masayang maglambitin sa mga matataas na puno, masayang magtampisaw sa malilinis na ilog at batis. Gawa ng aking katandaan, hindi ko na maaaring gawin ang mga iyon.
Napabaling ako sa gaserang nakalapag ngayon sa harapan ko. Napapaisip ako na napagdaanan ko na pala lahat ng hindi kapani-paniwalang pangyayaring hanggang ngayon ay malinaw at sariwa pa sa aking alaala.
Napalingon ako nang lumapit sa akin ang aking apo. Kay ganda-gandang bata. Hawig na hawig ko siya noong kabataan ko pa. Kayumanggi ang balat, may katangkaran, kulot ang kanyang maitim at mahabang buhok ngunit hindi buhaghag, bilog ang mga mata at kulay kape na may pagka-abo ang mga ito. Matangos rin ang ilong at may manipis na malarosas na kulay ng labi. Naaalala ko ang sarili ko sa kanya. Para lang akong nananalamin.
"Nanang, may nakita po akong notebook sa ilalim ng kama ninyo. Naglinis po kasi ako ng kwarto ninyo, sa inyo po ba 'to?", ipinakita niya sa akin ang kwadernong kulay kape na gawa sa mga tirang papel na pinagtagpi-tagpi ko lang noon para mabuo. Mahilig kasi ako sa mga papel na amoy luma lalo na ang mga libro.
Tumango ako at inilapag nya iyon sa aking lamesita. Binuksan ko ang unang pahina. Napapangiti ako tuwing inaalala ko ang kapilyahan ko noon. Naroon sa unang pahina ang letrato namin ng aking ina na magkayakap. Ako lang ang kanyang nag-iisang anak. Hindi ko na nakilala pa ang aking ama sapagkat siya'y pumanaw na bago ang araw ng aking kapanganakan. Sa ilalim noon ay ang litrato ko na nakapamaywang at nakakunot ang noo. Tila ba isang stolen shot. Isa nga pala akong malditahing dalagita noon. Hay nako.
"Nanang, pasensya na po, pero nabasa ko po ang ilan sa mga page ng diary nyo. Pero medyo naguluhan po ako e, pwede po bang ikwento ninyo sa akin?", paglalambing ng aking apo.
Napabaling ako sa kinauupuan ko at marahang humarap sa kanya gawa ng hirap na rin akong gumalaw. "Sure, Apo", napangiti siya nang marinig ang tinig ko. Kumuha siya ng upuan at pumwesto sa aking harapan.
Akmang magsasalita na ako nang biglang gumalaw ang paligid. "Nanang! Dumapa po kayo, lumilindol po!", pag-aalala ng aking apo at agad akong hinila pailalim sa lamesitang nasa harap namin. Napatitig ako sa letrato namin ng aking ina na nakadikit sa kwadernong hawak-hawak ko. Niyakap ko iyon nang mahigpit. Tanging ngiti lang ang nasagot ko sa apo ko nang biglang dumilim ang lahat.