Kung gusto mong dahanin ito. Umpisahan mo sa pagtigil sa pagiisip sa kaniya o lahat ng tungkol sa kaniya, hangout more with your friends and never let yourself to be alone, and if you are. Pag magisa ka nalang at walang magawa ang pwede mo nalang gawin ay ang MATULOG. Seryosong usapan, nakakaalis ng depression sa ibang tao ang pagtulog, nakakabawas din to ng negative emotions na meron tayo. Kaya nga minsan pag sobra tayo sa pagiyak nakakatulog tayo tapos pagising natin hindi na ganun kabigat yung pakiramdam natin di ba?
Another thing is maghanap ka ng taong makakausap na puro positive ang outlook sa buhay, wag kang maghahanap ng taong puro negative ang pananaw dahil hindi ka niyan matutulongan. Bakit isang taong positive ang pananaw? Marami kang matututonan sa kanila. Sila yung mga taong kaya nilang iparealize sayo na magiging maayos rin ang lahat, na pwede kang maging masaya uli, at higit sa lahat sila yung taong pwedeng magbigay sayo ng inspiration para magsikap na maka move on ng hindi puro salita lang. Dahil hindi lahat ng taong puro positive ang outlook ay walang mahirap na pinagdadaanan.
Pwede ka ring lumapit sa mga taong nakamove-on na, sila yung mga taong pwede mong kausapin pwede kang maglabas ng sama ng loob. Sila yung taong unang makakaintindi sa pinagdaraanan mo. Sila rin yung mga taong may karapatang magsabi sayo nang tulad nito. "Tama na OA na yan。"
Pwede kang magtanong sa kanila kung paano nila nalagpasan yun. O kung ano-ano pang bagay na makakatulong sayo para maka move on.
Kung ang gusto mong paraan ay ang pagdahan-dahan, dapat siguraduhin mong hindi mo na inuulit-ulit yung mga bagay hindi sayo makakatulong like paulit-ulit mong binabasa yung mga nakasave niyang sms *text*. UTANG NA LOOB! IDELETE MO NA YAN! Dahil hindi na yan nakakakilig gaya ng dati, nakaka kulo na yan ng dugo.
Paano naman kung gusto mo ng biglaan? Hindi porket sinabing biglaan agad nang naka move-on as in biglang Shok! No feelings at all na. Hindi ganun yun.
Change. Ito yung sinasabi kong biglaang pag momove on. May mga taong biglaang nagiba matapos ang maintrigang break up nila ng mga hinayupak nilang ex. Isa to sa mga paraang sa palagay ko effective, matapos mong iiyak lahat, magwala,magsisigaw at magsabi lahat ng hinanakit mo matulog ka tapos pagising mo isipin mo yung mga bagay na noon mo pa gustong-gustong gawin saka mo umpisahan.
Kung gusto mo pa dating magpatattoo? make over? Maging rockstar? O kahit na ano paman na pagbabago sa sarili. Gawin mo basta sigurado ka na gusto mong gawin yun dahil gusto mo hindi para magpapansin sa ibang tao, o sa ex mo.
Isa sa pinaka nakakaintrigang pagbabago matapos ang mas nakakaintrigang pag brebreakup ay ang ginawa ni Miley Cyrus. People judge her dahil sa biglaang pagbabago niya from sweet loving girl na gustong-gusto ng lahat to hindi ko alam kung ano ang itatawag sa kaniya na tama. But still, she has my respect nagawa lang niyang magbago dahil gusto niyang maka move on. Maraming tao ang hindi nakakaintindi kung anong pinagdaraanan niya ikaw ba naman na engage na, andun na sa puntong lumuhod na yung syota mo at nagsabing handa kaniyang pakasalan tapos bigla magbrebreak kayo. Ang saklap di ba? Para kang dinala sa ulap tapos biglang binitawan na wala manlang pakialam yung taong bumitaw kung saan ka mahuhulog (siempre matik na yun na masasaktan ka sino bang nahulog ang hindi nasaktan? ). If people will ask me kung effective ba sa kaniya yung ginawa niyang paraan para maka move on? Hindi ko alam, pero ito ang sigurado ko, how the way she act? I think she already learn how to let go and now she's on her process of moving on or maybe naka kove on na nga. And that kinda makes me proud of her.
At para sa mga lalake, may mga lalake kasi talagang akala mo naka move on na tapos magugulat ka nalang after 8 months lalapit sa ex nila at magsasabing "hindi ko kaya talagang mawala ka. Please bumalik ka na." sounds familiar ba? Masiado niyo kasi minsan sinasarili ang nararamdaman niyo, kaya nahihirapan kayong I let go ang lahat. Oo nga may pinagkakaabalahan ka o nakatutok sa ibang tao ang atensyion mo pero hindi mo parin nailalabas yung nararamdaman mo. Naiipon lang jan sa loob mo. Pano ka makakka move on? Kaya nga dapat sa pag momove on naka step by step yan hindi pweding lagpasan mo ang isa dahil lahat connectado mula sa isa hanggang sa isa pa. Dude, hindi masama ang umiyak at lalong hindi nakakabawas sa pagkalalake ang umiyak. Iiyak mo lang yan at kung kinakailangang tawagin ang tropa, gawin mo.
You should realize na may mga taong nanjan pa para sayo. Wag mong ipaikot ang sarili mo sa iisang tao dahil sa huli ikaw lang ang mahihilo...
At kung nahihirapan kana talagang mag move on?
Take a minute, hold your hands and PRAY. Pray to God na sana maka move on kana. Magthank you ka dahil iniwas ka niya sa maling tao. Kausapin mo siya kung kinakailangan sabihin mo kung gaano kasakit ang nararamdaman mo gawin mo. Walang pipigil sayo. Hinuli ko talaga to para mas maalala niyo. :)
Remember:
Just because you miss someone doesn't mean you should go back to them, sometimes you just have to just keep on missing them until one day you wake up you realize you really dont need them in your life anymore...
~unknown
BINABASA MO ANG
How To Move On
RandomSinulat to dahil gusto ring makatulong ng may-akda sa iba na gaya niya ay nahihirapang mag move on. Unlike other people it takes 8 years para sa kaniya para tuloyang makamove on. Kaya sana maappreciate niyo.
Learn how to let go
Magsimula sa umpisa
