Nakatikim ka na ba ng inihaw na isda? Yung malinamnam na medyo maalat, tapos isasawsaw mo sa suka hanggang sa kumurot yung asim sa'yong mukha.
Eh nakatikim ka na ba ng inihaw na palaka? Nung bata ako, Lagi namin Ginagawa yon sa probinsya, at oo alam ko na medyo di maganda pakinggan kaya napapangiwi yong mukha. Pasensya ka na. Alam ko Di mo pa alam ang lasa, Alam ko Di mo alam ang itsura, alam kong mahirap magbakasali at magbahala, pero ako ba? Natikman mo na?
Sa dami ng bawat bakasakali sa Mundong ginalawan natin, At sa bawat pintig ng pusong tumitibok satin, Kahit papano nakilala kita at natikman natin ang isa't isa.
Tikim na para satin ay di nakakasawa, Tikim na sana mabigyan pa ng isa,
Hindi ko makakalimutan sa kung paano ka lumiyad sa ligaya, Napapapikit ang iyong mga mata sa Hindi makalimutan na hapdi,sarap at saya
Hindi ko makalimutan sa kung Paano mo kagatin ang iyong labi, Sa siksik at akap alam kong di ka mapakali,
Gusto Kong madinig muli ang alingawngaw ng bawat sigaw sa mundo nating sa sarap na umaapaw na tayo lang nakakadinig at walang umaayaw, Sa balat mong dumidikit sa balat ko, sa halik mong dumidikit sa labi ko, Ikaw ang Higaan ko sa gabing madilim, Ako ang kumot mo sa gabing ika'y namimilipit sa lamig,
Sa bawat pagbulong mo sa tenga ko na "Mahal kita", Nakakalimutan Kong may Diyos na nakakakita, Sa bawat Pagdikit ng dibdib mo sa likod ko, Gumagapang ang kiliti at ginhawa sa katawan kong dinurog na ng pagod at pagdududa, Hindi ko makalimutan ang iyong mga mata, Malasa mong dila at pagmamahal na tayo lang nakakadama, Tayong dalawa laging natatakot, Ikaw lang at ako sa gawa-gawa nating paraiso,
Ngunit Ilang Gabi na din tayong magkasama, sa Kainan,Labas at maging sa kama, Noon kapag yakap ka di ko maramdaman ang lamig, Ngunit ngayon kahit magdamag ka ng Katabi dama na din ang nginig,
Mahal alam ko na, Kahit Anong kubli pa ng bibig para Di sabihin ang tunay na nadarama, nakalimutan mo na atang nagsasalita din ang mga mata,
Mahal kita. Ngunit kung ayaw mo na sabihin mo lang, Hahayaan kita.
Pasensya ka na dahil di mo mahanap ang langit sa gawa gawa kong paraiso sa init, Langit na mainit, Impyernong malamig. Mas papaniwalaan ko ang kasinungalingan kesa katotohanan. Dahil pinili kong Mahalin kita.
Makinig. Wala na nadin gugustuhing makinig kung lagi nalang tayong paulit ulit, malalim ang pintig ng mga salitang gusto mong sabihin. Bawat pitlag dibdib mo'y parang dinidiin.
Sa utak ko Laging kumikiriring ngunit walang tunog tuloy tuloy ang kalabog sa dibdib ko parang sasabog. Teleponong walang silbi, Yosing walang sindi. Inuming walang laman, pag-asay nauubusan.
Paano kita makikita kung ang tadhana di ko din makapa,
Araw araw nalang bang magtatyaga sa mga panandaliang aliw sa Aurora? Magkakape sa ermita sasakay papuntang Araneta. Kung kailangan Kong libutin ang buong pilipinas gagawin ko makita ka lang kita. Ipagpapatuloy ko kung ano ang nasimulan tatapusin ng may pagmamahalan. Ngunit kahit anong lapit ko'y di ka matagpuan. Ni kahit ang pag-ibig nati'y di makalapit kahit isang sentimetro lamang.
Lagok, inom, lagok, inom magtatapos sa sinok. Sisindihin ang Pula para kahit papano makalimutan ka. Hello? Hello? May nakikinig pa ba? Ganito na ata ang nakatakda at kailangang tapusin na. Hindi ko alam kung nasan pa ba? Bukas ng gabi uulitin ko ulit ang Gawain.
Mag aabang sa Aurora baka sakaling may makitang kagaya. Kagaya kung pano mo ako yakapin at halikan sa pinakapaboritong bahagi sa katawan. Mag aabang ng masasakyan at bababa sa ermita kung san dating nakatira may salubong na yakap kapag parating na. Pupunasan ang likod kung basa pa. Huhubarin ang sapatos upang makapagpahinga na. Eto na ata ang pinakamasaya.
Pagkatapos bababa sa Araneta. Maglalakad lang. Alam Kong walang pasyalan pero dito mo ako iniwan. Pagtapos ng sigawan. Maubusan ng hangin sa katawan. Pinakamabigat na bahagi ng aklat sating buhay. Lagi akong uupo sa tabing kalsada. Lagi akong naghihintay. Babalik ka pa ba?
