"Ay tanga! Sa Seattle yung setting nun!" sabi naman ni Maya.

"Gaga ganun na din yun! America pa din!" sabi ni Gela.

"Hoy! Wag niyo ngang turuan yang si Julie maglumandi! Choosy sa lalaki yan." sabi naman ni Maqui sabay tawa pa.

"Choosy ba? Kaya pala isa lang ang naging jowa. Hahahahaha." asar naman ni Jack.

"Grabe kayo kay Julie! Nasasaktan ako!" sabi naman ni Daryl na nakaakbay na kay Mama H at nakikisabay kumanta rito.

"Boom basted!" sabay-sabay na sabi nina Gela, Jack, Maya, Maqui at Gino.

"Okay lang yan Daryl my friend. There are many fish in the sea. But make sure that they don't look like a bisugo okay? Try to look for a mermaid." sabi ni Patrick sabay tapik sa balikat ni Daryl. "Ay wait. Si Julie lang pala ang mermaid. Bwahahahahahahaha. In your face!" biglang asar niya dahilan para magtawanan kaming lahat.

"Kayo talagang mga bata kayo. Basta pagdating kay Julie ang dami niyong pang-asar." puna ni Mama H.

"Hay nako mother. Siya kasi may pinakamaraming issue sa amin. Pero ikaw, gusto mo din magkaissue? Kanina ka pa kanta nang kanta diyan eh! Ikaw lang anak ni Lord?!" biro ni Patrick sa kanya sabay kuha pa ng songbook.

Nagtawanan kami lalo dahil kinurot pa ni Mama H ang tagiliran ni Patrick.

"Ewan ko sayo, Patrick. Osiya. Maiwan ko na kayo ha? Ako'y uuwi na sa kabilang bahay." paalam ni Mama H. "Anak, yung mga sinabi ko kanina ha?" sabi niya sa akin.

"Opo, ma." tango ko.

"Sige na. Bukas na lang ha?" sabi niya saka na kami iniwan.

"Bye, ma!" sabay-sabay na sabi namin.

"Okaaaaay! At dahil wiz na ang mga mashoshonda ditey, lezz parteeeey!" bulalas ni Patrick sabay play sa kantang napili niya.

Nagtawanan kami dahil sa kanta niya. Paano kasi, Copacabana yung pinili niya at sumasayaw-sayaw pa siya ng cha-cha habang kinakanta yun. May pakindat-kindat pa siyang nalalaman.

"Julieeeeee!!" nagulat kami sa tiliang narinig at saka pa kami lahat napalingon. Napangisi ako nang makita sina Reg at Essa na naglalakad ng mabilis palapit sa akin.

"Julie miss na miss ka na namin!" ani Essa nang yakapin niya ako.

"Miss ko na din kayo." sabi ko naman.

"Mula nung nagresign ka sa office naging malungkot na yung aura dun. Alam mo ba minsan tinatawag ka pa rin ni tanda kapag may kailangan siya." kwento naman ni Reg. Ngiti lang naman ang tanging naging tugon ko.

"Uy. Kain kayo oh." anyaya sa kanila ni Daryl.

"Sir Daryl kayo pala." bati nilang dalawa.

"Sabi sa inyo Daryl na lang eh. Parang di tayo nagkasama nung team building niyo ah." natatawang sambit ni Daryl. Napahagikgik ang dalawa saka na lang tumango.

The party lasted until 2am. Actually, hindi pa sana sila titigil kung hindi lang talaga kami napagsabihan ng mga taga barangay. Nakalimutan kasi naming weekdays ngayon at may curfew ang sounds sa barangay namin. Isa pa, lasing na rin naman silang lahat maliban sa amin ni Daryl. Si Maqui nga nakatulog na sa kandungan ni Gino eh. Si Patrick naman nakahiga na sa tatlong pinagtabing monobloc chairs at sina Jack, Maya, Gela, Reg at Essa ay nagdugtong-dugtong na sa paghiga sa sofa.

"Aalis ka na mamaya." sabi ni Daryl.

Dahil kaming dalawa na lang ang gising, naisipan naming magkwentuhan muna dito sa may veranda.

"Oo nga eh." sagot ko. Naramdaman kong nakatingin siya sa akin kaya napalingon din ako.

"Mamimiss kita, Jules." aniya. Ngumiti ako saka tumango.

The ExWhere stories live. Discover now