Ilang araw ng hindi umuuwi si papa galing sa trabaho. Driver si papa ng isang truck na nag dedeliver ng mga prutas sa iba't ibang bahagi ng Luzon.
Nasanay na kami ng lagi siyang wala pero sa kada pag uwe niya at di niya naman nalilimutan bilhan kami ng pasalubong ng aking nakakabatang kapatid.
Pero iba ngayon, alam kong limang araw na ang pinaka matagal ni papa lalo na pag bandang bicol sila nag dedeliver, at kami naman ay taga norte.
"ate wala pa rin ba si papa? Nagugutom na ako.di man lang siya nag iwan ng pag kain para sa atin na sapat sa limang araw. Pang tatlong araw lang ang iniwan niya at mahigit pitong araw na" tanong sa akin ng aking kapatid na di ko namalayan nakatabi na pala sa akin.
"Sorry, bunso! Pero di ko din alam walang txt or chat si papa. Baka naman nagkaproblema. Tara na matulog na tayo. Uuwi din yun" paniniguradong sagot ko sa kanya
Pero sa likod ng ngiting pinakawalan ko ay di ko maitatago ang pangamba at pag aalala kay papa pero wala naman kaming magagawa kung di mag hintay sa kanyang pagbabalik.
Nasa kalangitnaan na kami ng pagtulog ni bunso, nang may kumatok ng dalawang beses sa pinto at tinawag ang aking pangalan. Agad akong bumangon sa higaan at binuksan ang pinto.
Si papa, si papa ang kumatok at tumawag sa pangalan ko pero parang may mali. Agad ko siyang pinaupo sa upuan at kinuha ng maiinum. Alam kong parang pagod si papa at iba ang itsura niya dahil parang tumanda ito, ngunit imbis na mag tanong ay tinulungan ko na lang ito sa mga gamit niya.
Nagising naman si bunso at agad na tumakbo palapit kay papa pero imbis na yakapin ito ni papaay agad niyang na itulak ng bahagya si bunso na lubos namin ikinagulat. Hindi ganun si papa pero nag kibit balikat lng ako kahit napapansin ko ang malaking pag babago ni papa.
Nag paalam siya na mag cr lang, hinayaan ko lang siya at niyakap ko na lang si bunso na di pa rin nakarecover sa pagtulak ni papa. Baka pagod lang talaga siya kaya ganun si papa, kaya pinabayaan na lang namin ni bunso.
Lumipas ang araw mas lalong lumala si papa, madalas niya kaming tignan ni bunso na parang natatakam, minsan naman naabutan ko siyang kumakain ng hilaw na karne ng hayop. Nakakapagtaka man pero di ako makaimik dahil natatakot ako sa kanya.
Parang di na siya si papa. Twing lalapit kami sa kanya ay parang natutunaw kami ni bunso at iba siya kumilos madalas di na kami kumakain ni bunso dahil parang hindi niya alam paano kami pakainin ng paborito namin puro nakakasukang ulam ang inihahain niya.
Lumipas ang isang linggo, mahina na si bunso dahil pinakain siya ni papa ng ulam na may bawang, allergic kami ni bunso dun alam yun ni papa pero parang wala siyang paki.
Minsan naiisip kong hindi siya si papa, pero imposible mukha ni papa yun eh.
"Anak kakain na" sigaw ni papa mula sa kusina, agad akong pumunta dun at laking gulat ko na hawak na ni papa si bunso at akmang sasaksakin ito.
"Papa, ano bang nangyayari sayo" agad akong tumakbo at pinigilan siya. Nakuha ko si bunso pero ako naman ang nasaksak ng kutsilyo ni papa sa braso.
"Pa, ano ba!! Hindi na ikaw ang papa ko" bulyaw ko sa kamukha ni papa. Hindi niya magagawa kay bunso yun.
Nag ddrive ng truck si papa, para may pagkain kami. Kinukuha niya mga pahinante o kliyente niya, pinapatay niya yun at iniuuwe sa amin ni bunso yun ung paborito namin pasalubong niya. Yun ung pagkain namin.
Ayaw namin ng bawang at asin kaya imposibleng si papa yan.
"Patay na ang papa niyo" sambit ng kamuka ni papa, pagkasabi niya din yun ay tinanggal niya ang balat ng mukha niya.
" HA-HALA, MASKERA" NAPASAMBIT KO
"Oo maskera lang, pinatay ko ang papa mo. Tama na ang pememerwisyo niyong mga aswang kayo. Ilang milyon na ang nawala sa negosyo nila mrs.reyes, dahil sa sugapa mong tatay. Kala niyo makakalusot pa kayo. Mga aswang dapat kayo mawala"
Nag pantig ang aking tenga sa sinabi ng lalaking ito, kaya agad kong sinabi kay bunso na lumayo na siya at ako ng bahala sa lapastangang taong to.
Agad akong tumingin ng matalim sa taong nasa harap ko. Gusto ko siyang lapain sa paglilinlang sa amin ng kapatid ko, pagpatay sa papa ko at sa paghina ng katawan ng kapatid ko.
Nagulo buhay namin dahil sa kanya dapat lang siyang mawala, nag palit anyo ako sa pagiging tao naging mabangis na aso. Asong maitim at makapal ang balat. May pulang mga mata. Yan ang anyo ko bilang aswang.
'Rawrrrrrrrrrrrrrrrrrrr' ani ko na sa salitang aswang ang ibig sabihin humanda ka.
Nakita kong napaatras ang tao, at agad akong sumugod sa kanya at kinagat ang braso niya. Ngunit napabitaw din ako agad dahil sa hampas niya ng putot pagi sa likod ko. Di ko napansin nama'y hawak siya nun.
Agad akong lumayo dahil sa pag palo niyang yun. "Rawwr" napaigting ako sa sakit. Nakita ko siya bbwelo na ulit sa paghampas pero agad siyang nasakmal sa mukha ni bunso na di ko napansin na hindi pala umalis.
Pero bumunot ng baril ang tao at binaril niya si bunso sabay hampas ng buntot ng pagi sa likod nito.
Agad tumayo ang lalaki at nakita kong humandusay si bunso.
"Rawwwwwwwr" agad akong sumugod ulit at pinuntirya ang nag dudugo niyang braso na may hawak na baril. Napaigtang ang lalaki dahil di niya namalayan na susugod ako kaya agad kong kinuha ung braso niya.
Naputol yun mula sa pagkakabit sa katawan, nakita kong matinding nasaktan ang lalaki. Di na ako papaawat papatayin ko siya ngunit nung aatake akong muli ay may bumaril mula sa likuran ko at pinagbabaril nila ako ganun din ang nakahandusay kong kapatid.
"Anton" sigaw ng isang lalaki na bumaril sa akin. Nanghihina na ako. Di ko alam sino ang mga taong ito pero isa lang alam ko napatay nila ang pamilya ko.
"Anton, dadalhin ka namin sa ospit---" ang huling katagang narinig ko bago bumigay ang mata ko at kusang sumarado
Hindi ko man lang naisip na ang pag alis ni papa ang mag mitsa ng katapusan ng pamilya namin. Nalinlang kami, nalinlang ng mga Cardinal. Cardinal ang grupong nais pumatay at umubos sa lahi ng mga aswang.
Tuluyan na akong binawian ng buhay.
YOU ARE READING
Sari-Saring Kwento ng Kababalaghan
HorrorBlack Dale Collections Composed of Horrors/SPG/gore stories
