Kinuha niya ang kaniyang telepono upang tawagan ang isang babae.

"Hello, Benjie?"

"Bridget, pwede ba tayong mag-dinner mamaya? I'll pick you up at 8."

"Sure. Call me if malapit ka na."

Bridget was just a fling. Benjie's not a fan of commitments. And tonight, he's planning on cutting their strings. Ayaw nyang umasa ang dalaga, wala naman kasi talaga siyang nararamdaman para dito.

Benjie signed a few documents and then went out of his office. Dumiretso siya sa opisina ng kaniyang amang si Antonio(Mr. John Arcilla).

"Dad, pinapatawag nyo po ako?"kung kanina ay mukhang mayabang at nakaka-intimidate si Benjie, ngayon naman ay kabaliktaran na. His smile was wide, and his chinito eyes could barely even be seen.

His father is very important to him. Wala siyang kapatid at matagal nang patay ang kaniyang ina.

"Yes, Tutoy. Maupo ka."sinunod naman ito ni Benjie. "Nakausap mo na ba si Mr. Chua?"tanong sa kaniya ng matanda.

"Opo, Dad. Bukas daw po magaganap yung transaction. Inutusan ko na rin po si Sid na i-double yung security and ipapa-track ko na po yung phone ni Mr. Chua. Also, we have eyes sa lahat ng dadaanan nila para alam nating wala siyang kasamang mga pulis. Kung sakali man, bago pa sila makarating sa meeting place, makakaalis na ako at yung kalahati na ng security ang bahalang magpatumba sa kanilang lahat."confident na pagpapaliwanag ni Benjie. He has all this planned out. Ito ang unang napakalaking transaction na ipinagkatiwala sa kanya ng ama nya.

"And if they are teaming up with the police, paano ka makakasiguro na secured ang identity mo?"

Shoot. That was one thing he was not prepared for.

"D-Dad—"

"Paano kung mahuli ka? Wanted ka na? Malalaglag na ang pangalan nating dalawa! Hindi mo man lang ba naisip yon, Benjamin?"pasigaw na sabi ng kaniyang ama.

Napalunok naman si Benjie dahil doon.

"Good thing, kakilala ko si Chua. Sigurado akong hindi ka niya ilalaglag."Benjie let out a relieved sigh after hearing that. "Pero next time, be more mindful and protect your identity. Hindi tayo pwedeng mahuli, Benjie."

Tumango naman si Benjie.

"Is that all, Dad?"

"Yes. Makakabalik ka na sa opisina mo."Benjie nodded and left the office.

Benjie did some work in his office, and once he noticed it was already 7:45pm, umalis na siya at umuwi para mag-freshen up.

"Mang Jun, sa bahay tayo ni Bridget."sabi ni Benjie habang naglalaro sa kaniyang cellphone. Ngayon ay wala na siyang kasamang security. But he has a small pistol hidden in the pocket of his coat.

"Hi."nakangiting bati ni Bridget nang bumaba siya sa sasakyan. She was wearing a pastel blue dress and her hair was in a crown braid. She looked very young and innocent—too innocent for Benjie. She has no idea about Benjie's source of living. All she knows is that he's rich and she loves him.

Inalalayan ni Benjie pasakay sa kotse si Bridget and they later on arrived sa paborito nilang restaurant.

When Benjie felt that their dinner date was about to end, sinimulan na niya ang pakay niya.

Guns and KissesWhere stories live. Discover now