MLMR 3: 1 week Cease fire.

Start from the beginning
                                    

" Noted po, wala naman akong problema kahit saan sa amin nga sa probinsya walang kama magrereklamo pa ba ako nito. " She dropped her stuffs sa baba ng bed. 

" Hell I care? Basta once you touch my things, you know what will happen." I signed like cutting my neck na parang tinatakot siya.

" Alam mo ang init ng ulo mo, ang lamig lamig naman ng room. pwede kahit ngayong gabi lang? cease fire muna tayo? bukas nalang tayo maging magkaaway ulit? pwede ba yun? ." Sambit niya habang nakatingin sa akin at nakangiti.

" And who are you para mag demand sa akin nyan? pero sige pagbibigyan kita Miss Amat, JUST FOR TONIGHT! Tomorrow will be the start of your HELL DAYS here H-ELLA." I smirked while looking at her. 

" Okay Fine, Bring it on Ms. Skribikin." She smiled at nagsimula ng buksan yung luggage na bigay  sa kanya ng school. Umupo naman ako on the side of the bed since bukas pa naman magsisimula ang war namin so kalma muna tonight. 

" WOW! ang dami naman nito, libre ba talaga lahat ng ito?." Sambit niya habang amaze na amaze sya sa mga natanggap niyang gamit from the school. Tiningnan ko lang sya without saying anything, Ignorante yata tung babaeng toh. 

" Gabb? Pa help naman, bukas pa naman tayo magkaaway eh. introduce mo naman sa akin tong mga toh, para naman challenging din yung makakalaban mo dapat may alam sa ganito." At talagang may gana pa syang ganituhin ako ha? Pero ewan, tumayo ako at tumabi sa kanya sa sofa. I started grabbing stuffs 

" These are the gadgets that we will be using for the whole year, walang books dito kaya binigyan ka ng laptop at tablet. Paperless na dito, Ito naman personal access badge mo yan sa lahat ng facilities dito, pati sa room natin, so next time you don't have to knock okay? yung lockers natin nasa same floor lang ng room natin, finger print access yun to avoid anyone from stealing your stuff. may PC na rin tayo dito iisa lang so take turns tayo. pero may kanya kanya tayong accounts sa PC. ang default password ay ang fam name mo plus 48." 

Ella's P.O.V

Nakatingin lang ako sa kanya habang nagsasalita siya, mabait ka nga talaga, bakit kailangan mo pa akong maging kaaway? pwede naman tayong magkaibigan na magtulungang mag excel. Pinagmamasdan ko lang talaga si Gabb at di ko mapigilang mapangiti sana maging magkaibigan tayo Gabb. 

" Are you listening Ms. Amat?." Nabalik ako sa wisyo ng makita kong nakatingin sya sa akin at nakakunot noo. Nako Ella, lalabas na naman si GabbZilla nyan sige ka. 

" Ahh Oo naman, hehe." Ano ba toh ba't kumakabog ng malakas tung puso ko. 

" Look H-Ella, hindi mo matutunan lahat ng isang araw lang. sa dami ng kailangan mong matutunan dito sa school." Sambit niya at tumayo 

" Eh kung ganoon pala Give me 1 week to learn everything bago tayo magsimula sa giyera natin." Sabi ko sa kanya, at napakunot na naman ang noo niya na nakatingin sa akin

" Are you crazy?." Ang cute niya talaga, hoy! Ella tigilan mo yan! babae yan!

" Sige na Gabb, mas maganda yung kalaban mo na may sakto ring bala para may challenge. kaya sa 1 week na yun sasamahan mo ako at ituturo mo sa akin ang mga dapat kong matutunan." Sabi ko habang nakangisi na nakatingin sa kanya, She just rolled her eyes at mukhang napa-isip na nga siya. 

" Ano Gabb? Deal? " Tinanong ko ulit siya, pero humiga na sya at nagkalikot sa phone niya, nagkabit rin siya ng earphones, haaay mukhang di yata papayag toh. 

Naligo ako at kumain na rin, naayos ko na rin ang gamit ko at ang isusuot ko bukas na uniform. kinuha ko yung tablet para kalikutin, buti nalang may ganito si Ate Lei di ako masyadong mahihirapan. umupo muna ako sa Sofa at nagsimulang kalikutin ang tablet. 

" 1 week is 1 week." Napatingin ako kung sino yun at nagulat ako na si Gabb pala, nakatayo sya at nakatingin sa akin.

" Look H-ella, I am doing this not because gusto ko, but because tama ka, walang ka challenge challenge kung ang kalaban ko walang sapat na bala. I will introduce and teach you everything. so matulog ka na. gising na dapat tayo ng 4 am sharp, ng makapunta na tayo sa School ng 6 am. maaga para masamahan kita sa locker mo at mapakita sayo ang mga dapat mong makita. Now Sleep! bawal ang late! ayoko ng late!." 

Ewan ko pero parang sasabog yata ang puso ko sa lakas ng kabog nito. di ko mapigilang di mapangiti sa sinabi ni Gabb, so ibig sabihin sa 1 week na yun possible kaming maging magkaibigan na talaga. Waaaah! na eexcite ako. so yeah, sinunod ko na si GabbZilla mahirap na magbago pa isip, humiga na kami sa kama, magkatalikod. 

" Gabb? " 

" What? "

" Thank you ha? " 

" Don't you ever thank me, I'm just preparing you para sa giyera natin. " 

" Basta Thank you pa rin. " 

" Sleep now H-ella! " 

" Goodnight Gabb"

Masaya na rin ako na ganito kami, ang hirap kaya na magkagalit kami ng buong taon noh? basta gagawin ko lahat para makilala pa sya at para maging magkaibigan na talaga kami. 


"My Rival; My Love"Where stories live. Discover now