Heir 29: Danger Again

Start from the beginning
                                    

Nalaman namin ang result ng DNA.

Negative.

Negative ang result nun, kaya nag-simula ng mag-plano ang Imperium na pahirapan sila. Hindi ako kasali sa imperium, solo gangster ako, kaya kahit hindi ako sang-ayon sa ginagawa nila, wala akong magagawa, 'yun ang rule dito.

Kaso mukang hindi matanggap 'yun ni Nate. Kaya umalis s'ya ng araw na 'yun. At simula ng araw na 'yun hindi na namin alam kung asan s'ya.

Akala namin, nagpapalamig lang ng ulo at nagpapalipas ng sama ng loob. False hope nanaman kase e. Kaso hindi e. Dalwang araw na ang lumipas wala pa din. Kaya nagtaka na ako. Sabi ko hanapin na. Kaso wala. Wala kaming maghagilap na Nate.

Hanggang ngayon wala... Kaya kinakabahan ako.

Hindi ko alam ang gagawin ko 'pag may nangyari nanamang masama sa kanya.

"Ilabas n'yo 'yung gugong n'yong kaibigan!" Sabay sabay kaming napalingon sa biglang sumigaw dito sa headquarters at nilagabag ang pinto.

"What are you doing here?" JJ asked.

"Ako una nagtanong, sagutin n'yo muna." Mataray na sabi ni Shana. "Shana..." Mahinang imik ko. "'Wag kang makialam, Annicka." Seryosong sabi n'ya. Nasindak ako sa ipinakita n'yang authority.

"Hindi namin, alam. Malay namin sa kaibigan n'yo." Bored na sagot ni Tim Tim.

"Hindi ba talaga? Limang oras na naming hindi nakikita si Ayah! At ang huli n'yang nabanggit ay ang pangalan ng Evans na 'yan bago s'ya mawala!" Sigaw ni Alyx.

"Ano?! Nasan ilabas n'yo!" Galit na sabi ni Lian. Tas bigla silang naglakad at hinanap si Ayah sa loob ng headquarters.

"Ano ba! Wala! Wala kayong mahihita dito! Dahil maging si Pards Gab nawawala!" Hindi mapigilang sigaw ni Thon Thon.

"Ano?" Tanong ni Lian.

"Ano 'yun, tangahan lang?! Malamang kaya nawawala si Ayah! Dahil tinangay n'yang kaibigan n'yo!" Sigaw ni Alyx.

"Alyx pwede ba? Maging kaibigan ka naman ulit saglit o! Si Ayah, limang oras lang nawawala! Si Pards Gab! Tatlong araw na!" Sigaw ni Thon Thon.

Natigilan silang tatlo dun.

Biglang tumingin si Lian sa phone n'ya, hindi ko nakita kung ano 'yun pero bakas sa muka n'ya ang pag-aalala.

"Damn it." Mabilis silang umalis matapos sabihin ni Lian ang word na 'yun. Kaya nagtaka kami. Ano bang meron kayna Alyx, at sobrang protektado nila si Ayah? Hindi lang 'yun, nawawala din si Ayah...

Sht. Ano 'yun? Nangyayari ulit ang dati? Pero hindi naman si Incess si Ayah. Kaya hindi.

"Nasan na ba kasi si Nate?!" Asar na sigaw ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Hindi man ako parte ng gang nina Nate. They are still my friends.

"Lian Analiz Valle." Sabay sabay kaming napalingon kay Tim Tim ng banggitin n'ya ang pangalan ni Lian.

"Sht, sundan n'yo sila!" Nagtaka kami sa inasta ni Tim. Pero kahit na ganun sinundan namin silang tatlo.

"Anong meron kay Lian?" Tanong ko.

"Alam n'ya na..." Huh? Anong alam na ni Lian? Lalo akong naguluhan. "Ano ba Tim?!" Pikon na pikon na ako kanina pa. Kanina pa clueless sa mga nangyayari.

"Nakita mo JJ?" Tanong ni Tim kay JJ.

"That logo on her cellphone screen." Tumatangong sagot ni JJ. Samantalang ako clueless. "Teka? Ano ba? Bakit natin sinusundan sina Lian?" I asked.

"She know where's Nate." Muntik na akong mapatigil sa sinabi ni Zeus. Takte. Kasama nila ako kanina dun hindi ko man lang alam ang nangyayari. Ano ba?!

The Gangster HeirsWhere stories live. Discover now