One Shot

4 0 0
                                        

"Pare, tara na! Tama na 'yang paninilay mo." Natatawang sabi sakin ni Mike.

Lumingon ako dito saka ko binatukan. Nakakahiya ang gago. Ang ingay. Baka madinig niya.

"Gago. Tara na nga."

Kinuha ko ang towel at bote ng tubig ko dun sa terrace nila. Nakilagay lang ako dun sa may parang mahabang harang na pwedeng upuan. Minsan nga nagagalit si Ate Yolly, yung nanay nya, kasi minsan di na maupuan ang terrace nila sa dami ng towel at minsan lagayan ng tubig na nakapatong don.

Tabi kasi ng basketball court ang bahay nila, kaya minsan kapag may liga, instant bench na ng players ang terrace nila. Buti na nga lang hindi pa pinapalagyan ng gate ni Ate Yolly yung terrace nila, pag nangyari yon, patay. Di na kami este ako makakasilay. Kadiri. Lakas makabading.

Lumingon ako ng konti sa may konting awang sa pinto nila. Ayun. Nakita ko na. Nakaupo siya sa sofa nila, hawak ang libro, nagbabasa. Maya maya lumingon ito sa'kin. Kasabay non ang bigla kong  pag-iwas ng tingin sabay lakad palayo. Pucha nakita nya kaya akong nakatingin sa kanya? Tae naman o.

"Pre, mayang hapon ah. May  pustuhan na 'to. Dadayo yung mga taga-Venzon." Sabi ni Mike bago kami maghiwalay sa may kanto. Tumango naman ako dito. Yung Venzon yung kabilang barangay namin. Lagi namin yun kalaban lalo na't laging may paliga si Mayor tuwing April.

Bakasyon kasi kaya maraming sumasali kasama na kaming mga estudyante. Nga pala, Peter Ferrer. 20. Mr. UTown (University Town) ng bayan namin. At in love ako sa kababata kong si Ria. Yung ano... yung anak ni Ate Yolly, yung sinisilayan ko pag naglalaro kami sa court. Takte naman! Keso!

Tahimik lang si Ria. Minsan nga lang lumabas ng bahay kaya ayan, maputi. Sabagay, nung bata pa lang naman kami maputi na 'yan. Minsan madaldal, kukwentuhan ka ng kung ano ano. Tapos ako naman nakikinig lang, minsan tatawa, minsan sasabihan sya ng "Ang arte mo.", may pagka-inglisera kasi. Nagkahiwalay kami nung high school, nag aral sya sa private school na kahit pagsamahin mo ang matrikula sa 2 sem ng state university namin, kulang pa rin. Minsan nakakasakay ko siya sa tricycle, nahihiya akong pansinin sya, sa sobrang tahimik nya kasi, mapagkakamalan mo ring masungit. Kahit totoo naman, masungit din siya. Madaldal lang sya sa kung sinong ka-close niya. At proud ako kasi kahit papaano, naka-close ko siya.

Maraming nagkakagusto kay Ria. Isa lang ako don. Nakakainis nga e. Andami kong kaagaw sa kanya. Minsan nga pag lumalabas yan ng bahay, nahihinto ang laban namin, yung tipong pag tumatakbo ka, naglalakad ka na lang habang nagdi-dribble ng bola. Mahilig din kasi sya mag-shorts! Pucha nakakainis ang mga lalaking tumititig sa kanya. Tapos siya parang hindi nya man lang pansin na pinagtitinginan na sya. Dire-diretso lang ang lakad na parang siya lang tao. Nakakabwiset.

Kaya nung nabalitaan ko na naaksidente si Ria, nag-alala ako nang sobra. Grabe akala ko kung anong nangyari na sa kanya. Yun pala, nahulog sa kanal. Ayan, yung binti nyang makinis, may peklat na. Nakakaturn off ba? Ako hindi. Wala naman akong pakialam sa kung gano siya kakinis. Basta mahal ko siya. Tapos.

Clumsy rin kasi yang si Ria. Sukat ba namang madapa nung isang araw. Walang tumulong sa kanya, yung iba kasi, kahit may gusto sa kanya, natatakot pa rin sila. Intimidating kasi si Ria. Nakakahiya lapitan, parang wala kang karapatan. Wala naman ako nung nadapa siya kaya di ko natulungan, kwinento lang sakin ni Mike. Chismoso kasi yun. Ako hindi, sakto lang.

Kinuha ko ang phone ko at tiningnan ang contact number ni Ria. Nakatext ko siya nung 4th year high school kami. Nakuha ko yung number niya sa pinsan nya, bale ninakaw ko lang pala. Tapos ayon, nagkatext kami. Grabe lakas makabading pero kinikilig ako. Sobrang tuwa ko rin nung natanong ko siya kung may bf siya tapos sabi niya wala. NBSB siya. Tamang tama. Gusto ko kasing ako ang una at huli nya sa lahat.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 11, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Ria and PeterStories to obsess over. Discover now