Napakamot ako sa ulo ko, problema nga 'to.

"Pero may isang secret pa akong sasabihin ate."- mainhin nyang sambit

Nakatingin lang ako sa kanya.

"Hmm .. he's girlfriend is the same you know."

"Same ng alin?"- nalilito ako

Huminga muna sya ng malalim.

"Same sila ng gender."

Mas lalong lumaki ang mga mata ko.

"B-BAKLA???"

Marahan syang tumango.

"Actually they're both, but mas manly naman ang gusto ko."- she said

Hindi ako makapaniwala.

"So ano bang gagawin ko ate??"

Napalunok ako, sa totoo lang hindi ko alam kung anong dapat sabihin sa kanya. Hays!

"Mali ang pumasok ka sa dalawang taong may relasyon, gusto mo bang tawagin ka nilang babaeng maninira ng relasyon'?"

Umiling sya.

"Right, kung sa tingin mo gusto ka rin nya gagawin nya ang part nya para gawin rin ang sa tingin nyang tama. Tama na hindi kailangan makasakit pa ng ibang tao."

"Hindi ko alam ang isasagot ko sa kanya ate, kaya nalilito rin ako. Alam mo yung sa tingin ko, ako ang mananalo dahil ako ang babae. Dahil sa tingin ko mas bagay parin ang lalaki at ang babae, pero natatakot parin ako."

Ngumiti ako sa kanya.

"Tama naman ang sinabi mo, pero sa pagmamahal kasi walang pinipili 'yan. Mapa-edad or anong gender man yan, sa taong nagmamahal mas pipiliin nila kung saan sila magiging masaya. Doon sila sa alam nilang totoo sila."

Ngumiti naman si Ravelyne.

"Thanks ate, ngayon .. alam ko na kung anong dapat gawin."- she smiled slight, pero ramdam ko rin ang nararamdaman nyang sakit.

Maya-maya bumaba narin kami ni Ravelyne.

"Hmmm naaamoy mo ba ang naaamoy ko?"- she ask

Parang may nagluluto, si Tito Ravil?

"Tara bilis ate."- hinila nya ako ulit

Pagpunta namin sa kusina nagulat ako dahil si Raven pala ang nag-luluto, naka-apron pa siya.

"Wow naman kuya may lagnat kaba ha? Bakit ka nagluluto?"- pang aasar pa ng kapatid nya.

"Hindi para sa'yo to no!"- Raven said

Tumingin sya sa akin tapos ngumiti.

"Hmp, oh sige na iwan ko muna kayo."- sabay alis ni Ravelyne, natawa nalang ako.

"Tara."- lumapit sa akin si Raven tapos hinawakan nya ang kamay ko.

Pagtingin ko sa niluluto nya, nagluluto pala sya ng minudo.

"Akala ko ba hindi ka marunong mag-luto?" - i said

"Sinabi ko ba 'yon?"

"Oo kaya, sabi mo pa nga sa akin hindi mo namana ang talent ni Tito Ravil."

Unti-unti naman syang natatawa.

"Aaahh, I'm just joking marunong akong mag-luto, pero hindi naman ibig sabihin nun nag-mana na ako kay Daddy."- sabi nya habang hinahalo yung ulam.

Nakatingin lang ako sa mukha nya.

"Ano naman ang sa tingin mo hindi mo namana sa Daddy mo?"- i ask

"Hmm siguro, manners?"- natawa sya ng konti.

Love GeniusUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum