Panimula

40 5 0
                                        


Noong unang panahon kung saan ang pag-ibig ay walang kinikilalang kasarian o estado sa lipunan,isang Diyos na nagngangalang APOLLO ang umibig sa isang mortal,sa isang lalaking mortal.

Ang pangalan nito ay HYACINTHUS.Siya ay pinagkalooban ng katangi-tanging kakisigan at pagkakaroon ng aktibo't malakas na pangangatawan na siyang kinahuhumalingan ng naturang Diyos.

Umusbong ang pag-iibigan sa dalawang lalaki't napuno ng kasiyahan at pagmamahalan ang kanilang pagsasama.Walang araw na lumipas na hindi magkasama ang dalawa ngunit tunay ngang ang buhay ay hindi lang puros kasiyahan,na sa kabila ng liwanag ay may nakatagong kadiliman.Isang pangyayari ang tuluyang pumutol sa lumalagong pag-iibigan ng dalawa kung saan dahil dito ay nagsimulang magbago ang takbo ng kapalaran nina APOLLO at HYACINTHUS.

Ano kaya ang pangyayaring iyon?

Ano na ang mangyayari kina APOLLO at HYACINTHUS?

Maipagpapatuloy pa ba nila ang kanilang naudlot na pagmamahalan sa kabila ng mga mangyayari sa kani-kanilang mga buhay o tuluyan ng talikuran ito sa nakaraan?.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 04 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Apollo's LoverWhere stories live. Discover now