Epilogue

5 2 1
                                    

Sa halos dalawampu at isang taon ko na pamumuhay dito sa mundong ibabaw ni minsan hindi ko man lang naranasan na maligawan. Hindi ko man lang naranasan na may nagkagusto sakin. In short, hindi ko man lang naranasan magka-boyfriend.

Desperada na kung desperada pero gusto ko rin kasi maranasan 'yung ilalagay 'yung picture mo sa my day tapos may caption pa na "I miss you" o di kaya "I love you".

Pero siyempre dapat lowkey lang tayo sa mga ganyan. 'Di kasi bagay sa hitsura ko. Biruin mo, isang babae na halos 80kg ang timbang, buhaghag ang buhok, at mukhang mangangain ng buhay mangangarap ng isang boyfriend? Baka bago pa nila ko malapitan eh nangangatog na ang mga tuhod nila palayo sa 'kin.

Hindi naman talagang nganga ang lovelife ko. May mga naka "fling" ako noong bata-bata pa ko. Mga junior high days. Kaso lahat yun thru phone at kapag meet up na, hindi ako nagpapakita dahil sa takot ko na di nila ako magustuhan dahil sa hitsura ko. Ang ending? Kung ngayong panahon na to, matatawag nating "ghosting".

Kung dati pa nauso yang salita na yan, madami na kong kandila na naitirik dahil sa mga lalaking naka "fling" ko noon.

At ngayon, malapit na ko mag twenty-one. Wala man ni isa akong naging karelasyon sa totoong buhay hindi ako nawawalan ng pag-asa. Magkaka-jowa rin ako. Lalo na't madaming nauuso na mga dating apps ngayon. Malay mo at malay ko, dito ko na mahanap ang magiging bebe ko.

BUMBLEBEEWhere stories live. Discover now