1

118 8 9
                                    

Kanina pa 'ko parang tanga na naka-tayo sa harap ng closet ko. Hindi ko alam kung dapat ba formal o casual lang ang suotin ko.

"Eh bakit ka ba super bothered d'yan? As if naman dapat sobrang laban yung dating mo do'n," sabi ni Kayrelle. Nandito siya kasi tinawagan ko sila pero siya lang ang available at si Ayah naman ka-videocall namin.

"Oo nga. Tsaka hello! Ipapakilala ka lang as student manager 'no. Casual lang okay na," sabi ni Ayah.


"Oo na nga eto na."

I just wore a lose shirt and na naka tuck in sa denim skirt ko. I just applied a light make up.

"Okay tara na."


"Sabi sayo Ayah, isasama ako niyan eh." Tumawa pa sila pareho na parang inaasar ako.


"Tatayo ka lang sa gilid aba anong akala mo bida ka?" Mga epal talaga kahit kelan.









Nag-text yung tumawag sa'kin kanina at sabi niya lapitan ko nalang daw si Coach Aldin dahil may urgent meeting siya at 'di niya ko masasamahan.


"Buti nalang talaga sinama kita," Sabi ko kay Kayrelle.



"Edi in-admit mo rin na 'di ka pa ready na makita ulit siya."



Baka nga hindi pa.




I saw Coach Aldin standing beside the bench kaya nilapitan namin siya.

"Good afternoon po, Coach. I'm Lian Martin and ako po yung natanggap as student manager." Gosh sobrang kinakabahan ako.


"Oh good afternoon, Ija. Sige I'll introduce you to the team in a while. Pag-usapan muna natin yung mga dapat mo gawin for the team." He explained kung paano ang schedule ng team sa trainings at kung kelan pwede tumanggap ng events ang team at players.



"And lastly you also have to monitor their grades. Mahigpit ang school pagdating sa grades at hindi dapat sila magkaroon ng bagsak. You should communicate with each players and help then whenever they have a problem in a certain subject. Sasama ka kausapin ang prof and irereport mo yon saakin o sa kung sino man sa coaching staff," Paliwanag pa niya.


"Yes po Coach. You can count on me po." Nakakaloka ang dami pala ng gagawin ko jusme.



"You have to be here as well sa trainings nila. Hindi naman araw-araw pero sa isang linggo dapat kahit tatlong trainings maka-attend ka."


"Coach break." Oh si CJ Cansino.


"Okay, gather everyone." shocks eto na. Si Kayrelle kita ko sa likod ko nag pipigil ng tawa ang gaga.





"So boys she's Lian Martin and siya yung bagong student manager niyo. Sana naman mag-tino na kayo para di siya mahirapan at para naman tumagal siya sainyo."



"Oo naman coach! Lalo na si Kuys Renzo for sure papakabait siya." Bwiset na Brent talaga 'to kahit kelan. Napatingin tuloy yung iba samin samantalang si Renzo umiinom lang na parang walang sinabi si Brent.


"Uh hi! Hope to get along well with you guys!" Okay I broke the awkward silence. Lahat sila naka tingin lang samin at tahimik. Biglang tumalikod si Renzo at bumalik sa court kaya sumunod na rin ang iba. Naiwan kami ni Brent at Kayrelle.


"Alam mo ikaw Brent lakas talaga ng trip mo!"


"Alam mo kay, eventually mag-uusap rin yan. Syempre co-capt si renzo kaya talagang kakausalin niya 'tong student manager namin." May kasama pang gulo sa buhok tong nyemas na Brent na 'to.


After allHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin