Chapter 2: His Name

Start from the beginning
                                    

"Oh Vien," hiyaw ni Blake noong makita niya na ako, tsaka nag dekwatro ng upo sa mesa. Kanina pa ba sila dito?

"Ano na, 'di man lang kayo nagpakita buong summer ah." nakipag apir ako sa kanila ni Geo, pagkatapos nakiupo na rin sa mesa.

"Syempre ganon talaga kapag inuuna priorities." binigwasan ko nga, akala mo naman talaga, e pakikipaglandian lang naman ang alam neto e.

"Ulul! Mga chicks naman kasi talaga inuuna mo!" patawa tawang sabi ko habang inaayos yong sombrero ko.

"Well, ganyan talaga kapag pogi!" nakangiting sabi ni Blake habang nagpo-pogi sign pa at pakindat kindat pa, para ngang may sakit sa mata e.

"Kilabutan ka nga sa mga sinasabi mo." asiwang sabi ko at halos mapangiwi na .

"Ang tagal na nating magkaibigan 'di ka pa ba nagagwapuhan sa'kin, babae ka rin naman." nanlaki naman ang mga mata ko sa kanya, oo babae ako pero wala pang lalaki na nagkaroon ako ng interes, may isa pala... pero pinipilit ko na siyang kalimutan.

Hindi ako lesbian ah, mas gusto ko lang magkilos lalaki kasi sobrang komportable ng mga pormahan nila pati na rin ang magkaroon ng lalaking kaibigan kaya di ako sumasama sa mga babae, puro mga haliparot. Well, just maybe some?

"Paker, di tayo talo." natatawang sabi ko habang paulit ulit siyang binabatukan.

"Aray... joke lang naman, paker." paker tawagan namin sa isa't isa, pero kay Vince ewan ko ba ayaw nyang tinatawag ko siyang 'Paker', kahit papano daw kasi babae pa rin ako at nagpupumilit na babae pa rin daw ako.

Baliw yata 'yon.

"Mas mabuti nang nagkakalinawan tayo." nakangising sabi ko .

"Oh bakit kayong dalawa lang nag uusap, nandito naman kami ni Vince.".sabat naman ni Geo, oo nga pala nandito rin nga pala sya

"Pakeeer!" bati ko sa kanya at naglapad ng ngiti, namiss ko 'tong mga tropa ko, nung highschool kasi ang dami naming kalokohan.

"Oh paker namiss mo yata ako." napangiwi naman ako sa sagot nya.

Sanay na ako sa kanila at alam nilang napipikon ako kapag ginagawa nila akong babae.

"Gross!" bulyaw ko sa kanya

Nagtawanan silang lahat "Ano nga palang course mo?".pag iiba ni Geo ng usapan atsaka uminom ng coke, maaga pa naman kaya wala pang klase.

"Culinary arts.".parang dismayadong sabi ko.

Ayoko naman kasi talagang magluto luto dahil obviously pag ako nasa kusina baka nga masunog pa yong bahay.

Si Britanica kasi nagpupumilit eh, ewan ko ba baka naman kasi may crush nanaman siya sa course na 'yon kaya gustong gusto niya, wala nga rin 'yang kaalam alam sa pagluluto eh.

Napilitan lang ako kasi nga minsan pinapagtakpan niya ako sa mga kalokohan ko

"Kami rin naman, pa'no ba yan magluluto luto tayo." napatingin kaagad ako kay Blake.

Natawa ako sa sinabi niya, ganyan din kasi ang sabi ko, noong highschool kasi, inaasar namin lahat ng course, na kesyo madali at minamaliit ang mga iyon. Ngayong college kinakabahan na rin ako, hindi na dapat kami magpakampante at gumagawa ng kagaguhan.

Dating the Boyish ✓Where stories live. Discover now