Buti nalang talaga walang kaalam alam si Mama tungkol sa pag-a-audition ko, dahil kapag nalaman nila ay patay ako ng wala sa oras, grounded ako, shit, 'di ko kaya 'yon.

'Di kasi ako pinayagan nila mama at papa dahil nga daw kapag may nasobrahan sa pag-inom baka daw kami madamay kaya naman ayaw talaga nila akong pasalihin dyan, pero syempre wala silang magagawa.

'Yang kambal ko lang ang may alam kasi nga tsismosa nahawa na yata dyan sa mga kapitbahay namin na kay aga aga nasa kalsada na at nag iingay mga masarap kutusan isa isa.

Pagkalabas na pagkalabas ko galing sa CR ay narinig kong ang pagtunog ng cellphone ko.

["Hey, man."] bati nya sakin.

"Oh paker?" inipit ko sa pagitan ng leeg at balikat ko ang cellphone para makahanap ako ng damit.

["'Di ba sabi ko don't call me paker. By the way, the start of audition is 4pm, Vienna."] umasim ang mukha ko dahil sa diin ng pagkasabi niya sa pangalan ko.

"Isa pang tawag mo nang 'Vienna' sakin masasapak talaga kita." pananakot ko sakaniya.

Natawa naman agad siya naging reaksiyon ko.

["You're too serious, nasisira kagandahan mo e."] aba aba baka gusto nitong mag audition sa ilalim ng lupa.

"Tangina mo!" mura ko sakanya at mabilis na pinatay yong telepono, baka maisunod ko pa sya.

Ayoko talaga nang tinatawag akong 'Vienna' nasisira talaga araw ko, sino ba naman kasi nagsabing maganda yong pangalang 'yon? Pero mas okay na 'yong 'Vienna' kaysa naman sa 'Kate' 'di ba?!

Nagsuot lang ako ng plain white tshirt atsaka black jeans, nagpusod nalang ako ng hanggang bewang ko na buhok ang init kaya... lumabas ako ng kwarto ko at dumiretso na sa kusina para sana kumain kanina pa kumakalam ang sikmura ko.

Hindi pa ako tumutungtong sa sahig ng kusina ay hinila na ako ng Tica palabas ng bahay, "Hoy nagugutom pa ako Tica."

"You're so tagal naman kasi eh, I have date today so we need to be mabilis." maarteng litanya niya. Napangisi naman ako, yes, tamang tama 'di niya ako mababantayan mamaya.

Sabi kasi nila mama dapat daw bantayan ako nitong ni Tica dahil alam nila na pursugido akong sumali sa banda.

"Sila mama?" iniba ko nalang 'yong usapan.

"Nasa living room di mo ba na notice?" maarteng sabi nya at pinaandar na yong kotse niya, I mean namin, iisa lang naman 'yong kotse namin kasi sabi nga nila para raw matutunan namin ang kahalagahan ng salitang 'SHARE'.

Asus kunwari pa sila, kakuriputan lang nila yan eh... di ko nga alam pagdating sa'min ni Tica ang kuripot nila pero kapag magbabakasyon sila, sa ibang bansa pa.

Di ko naman sinasabi na wala silang kwentang magulang ha, ang totoo nyan sila sobrang saya naming sila ang magulang namin, sumasabay sa mga jokes namin, sila pa nga ang madalas na nang aasar sa akin eh, I could say that they're really the best pero syempre di ko talaga maitatanggi na kuripot talaga sila.

O baka alam lang talaga nila kung paano ako magdrive?

"Paano ko mapapansin eh kinaladkad mo na ako palabas ng bahay." inirapan ko nalang sya at tumingin nalang sa bintana.

***










Buti ngayon hindi na nagpaka arte 'yong kambal ko ayon 'di na kami natagalan, usually kasi sobrang selan niyan sa mga gamit kaya lahat ng binibili niya branded pero ngayon kung anong madampot niya yon nalang, mukhang seryoso yata siya sa kadate nya ah.

Dating the Boyish ✓Where stories live. Discover now