"Sa akin sasama ang anak ko!." Nakakarindi na ang araw - araw na sigawan nila Mommy at Daddy noon. Sa araw - araw na away nila , 'di ko aakalain na aabot sa ganon ang mangyayari dati.
"Sa akin sya sasama! Ako ang nanay nya!." Gusto ko man na umawat habang nangyayari 'yon, pero hindi ko magawa 2 years old palang ako no'n e.
Hindi na ulit umimik si Daddy at dinala na palabas ng bahay si Kuya. Hinabol man sila ni Mommy pero hindi nya na 'rin naabutan. Nakita kong pinipigilan ni Mommy ang pag-iyak, dahil 'don hindi ko na rin mapigilang umiyak.
"Anak, gising na. Nandyan na ang Tito Henry mo." Agad akong nagising ng alugin ako ni Mommy. "Napanaginipan mo na naman?."
"Hehe opo." Agad kong inayos ang suot kong damit. "Sige po papasok na ako " Bumeso ako sa kanya bago umalis.
"Kinakabahan ka ba?." Tanong ni Tito Henry sa akin. Second Quarter na kasi, tas lumipat kami ng bahay , kaya kailangan kong lumipat ng school.
"Medyo po." Nag-umpisa ng umandar ang kotse. Habang bumabyahe , 'di ko maiwasang isipin si Kuya. Tuwing naalala ko sya , parang gusto kong umiyak.
"Wag ka nang umiyak, makikita 'din natin sya." Sabi ni Tito sa akin. Sanay na sila sa akin , tuwing tatahimik ako, alam na nila na si Kuya ang iniisip ko.
"Nandito na tayo." Sabi ni Tito. Bigla na naman akong kinabahan. "Sige na pumasok ka na."
"Sige po." Bumaba na ako ng kotse. 'Pagbaba ko pala lang tumitingin na agad sila sa akin. Syempre bago lang ako dito e.
Habang naglalakad may nakabunggo akong isang lalaki , kaya napa-upo ako. " Tumingin ka nga sa dinadaanan mo!."
Agad akong napatingin sa isang lalaki na hindi naman sobrang katangkaran at kagwapuhan. "Dre, 'wag babae 'yan." Agad akong tinulungan ng isang lalaki. Ganon din, hindi rin katangkaran at kagwapuhan , pero atleast concern sya sa babae kesa naman dito sa lalaking 'to.
"Aisttt." Galit na sabi nito at umalis. Naiwan kami nung lalaking tumulong sa akin. "Pagpasensyahan mo na 'yun, ganon lang talaga mood 'non araw - araw."
Ngumiti sya sa akin kaya hindi ko na rin mapigilang ngumiti. "Sige una na ako."
"Sige , salamat." Agad na syang tumakbo sa mga kasama nya.
Nang marating ko ang classroom ay naghanap na ako ng upuan , dalawa nalang 'yon tapos malapit pa sa pintuan ng labasan. Wala na akong choice kaya umupo nalang ako 'don.
"Good Morning Class. Ngayong second quarter magkakaron kayo ng bagong classmate si Sharmelle Cortez. Introduce yourself to us Sharmelle." Aya ng teacher namin sa akin. Kinakabahang pumunta ako sa harap.
"Hi classmates. My name is Sharmelle Cortez. I'm 17 years old. " Maikling sabi ko. Ngunit parang hindi pa satisfied ang mga kaklase ko.
