"Yes. Pero kapag sobrang masaya ka na magugulat ka na lang na binabawi na sayo yung kasiyahan mo." sabi niya and I again saw how his eyes became sad. "I loved Shane so much. I was even planning on asking her to marry me. Pero wala eh. Things happened."

Hindi na ako nagtanong pa. Hahayaan ko na lang na siya na mismo ang magkwento.

"She fell out of love. Sabi niya nagising na lang siya one day na ayaw na niya." malungkot na kwento niya.

"I'm sorry..." sabi ko. He smiled as he shook his head.

"It's been 2 years but I can't seem to move on. Minsan nakikita ko pa rin siya sa bar nila. I want to talk to her. I want her back. Pero wala eh. She's happy with someone already. And that someone's not me." hinawakan ko siya sa balikat and he just nodded. "Mahal ko pa rin siya pero may iba na siyang mahal."

"Dar, alam ko mahirap magmove on. I've been there. And I guess I'm stuck dahil si Elmo pa rin ang binalikan ko. Pero alam mo, it's the only thing that we can do to feel better. Kasi kung hindi tayo magmmove on, mapag-iiwanan tayo. Siya may iba na tapos ikaw siya pa rin ang mahal mo? That's not fair. Pero wala eh. Diba ganyan sa love? Unfair talaga. Maraming clichés sa love."

"Yeah. Alam ko namang kailangan ko na magmove on. I mean it's been 2 years already. Hindi na ata fair para sa sarili ko to." aniya. "Thanks Julie ha? Kasi finally may nakinig sa mga hinaing ko."

"We're friends, Dar. And friends listen to each other." sabi ko naman.

"Yeah." nakangiting sabi niya. "Tara na. Maaga pa seminar niyo bukas. Hatid na kita sa kwarto niyo."

Naglakad na kami ni Daryl pabalik sa mga kwarto and stopped in front of our bedroom door.

"Good night, Julie. Thank you uli." sabi niya.

"You're welcome. Thanks din sa paghatid. Good night, Dar." sabi ko.

"Wow, naisipan niya pang matulog." sabi ni Maqui. Sakto kasing pagpasok ko sa kwarto ay siya namang kalalabas niya lang galing bathroom. "Anong ginawa mo sa clubhouse?"

"Elmo was there." tipid na sagot ko. Nanlaki ang mata niya saka pa siya natawa.

"Hahahaha. Ibang klase talaga yang boyfriend mo no? Di talaga nakikinig." iiling-iling na sabi niya. "So he's staying overnight?" she asked.

"No. I told him to go home."

"Huh? Bakit naman?"

"Nakakahiya kay ma'am. Baka isipin niyang namimihasa na ako." sagot ko. "Daryl saw us though."

"Weh?! What did he say?"

"Wala. Sabi naman niya di niya sasabihin kay ma'am na nagpunta si Elmo eh." tumango si Maqui saka na muling humiga sa kama niya.

Gusto kong ikwento kay Maq yung mga kinwento sa akin ni Daryl pero parang hindi naman tama. Parang invasion of privacy na yun? Kasi sa akin lang naman niya kinwento eh. Pero bestfriend ko si Maqui. Hay.

"Maq?" tawag ko.

"Hm?"

"Kapag ang isang tao may mahal pero di na siya mahal nung taong yun, anong dapat gawin?" tanong ko.

Tumagilid siya saka niya ako matamang tinitigan.

"Hindi mo na ba mahal si Elmo?" she asked.

"Huh? Hindi ako! Basta napaisip lang kasi ako. I love Elmo okay? You know that. Pero kanina kasi nung naglalakad ako pabalik dito bigla lang sumagi sa isip ko yun."

"Hm... Siguro ang dapat na lang gawin is to let the person go. Mahirap din kasi yung mahal mo nga siya pero di ka na niya mahal. Yung pinagsisiksikan mo ang sarili mo sa bagay na alam mong hindi na sayo? Masakit yun eh. Masakit sa inyong dalawa." tumango ako saka yumakap sa unan ko. "Is this Daryl?" she asked afterwards.

The ExTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon